Press Release
October 4, 2017

Grace Poe's Ambush Interview Transcript
After the fake news hearing

Q: Ano ang remedy?

Poe: Sabi nga, there's really a thin line. Ang importante dito, kaming mga nasa gobyerno ay responsable sa aming mga sinasabi. Kailangan talaga beripikado ang isang news. Ang isang malinaw na sinabi nila--klinaripika--yung ibang senators, hindi naman sa ayaw nilang pumirma, kung hindi ay hindi nila alam ang tungkol dito sa resolusyon na ito. Nakita natin kung gaano kamakapangyarihan ang mga nagsusulat nitong blog na sana maging responsible sila at ngayon, pinag-aaralan namin--pag ikaw ay nanira ng tao nang walang tamang basehan lalung lalo na, pwede ka talagang makasuhan.

Q: Si Mr. Dayao wala pa pong masabi kung haharap sa susunod na hearing?

Poe: Wala nga siyang pasabi at malaki ang kailangang i-eksplika sa komite na ito dahil ang mga diumanong hawak niyang mga website ay maraming mga sinabi na marahil may kwestyon pagdating sa katotohanan. Kaya sinasabi ko sa kanya, 'Mr. Dayao, kung hindi totoo ang mga paratang sayo, magpakita ka dito at i-eksplika mo dahil kung hindi ka nagpapakita at nagtatago ka sa likod ng isang anonymous blog, mas lalong iniisip ng tao na ikaw ay may kasalanan.'

Q: Dahil sa kanyang non-appearance, hindi ninyo na-identify sinong nasa likod ng mapanirang article on the seven senators?

Poe: Dahil sa isang research na prinisinta dito, mayroong ID number sa Google account niya. Pagdating doon, nacheck doon kung paano konektado yung iba't ibang mga account na yan, tapos doon sa kanyang isang account. May mga iba namang leads na maaaring magturo na siya ay may kinalaman, pero walang substitute sa mismong pagpapaliwanag niya sa ating komite.

Q: May plano na po kung kailan ang next hearing? Are you planning to send another invitation o baka subpoena order na?

Poe: For the others, I think we might have to send a subpoena order. Gusto na nating imbitahin dito ang Google at Facebook, not necessarily to regulate them but to know the processes involved--ang mga blogs kumikita na rin ng pera yan. Magkano ang kinikita niyan? Nagbabayad ba sila sa ating tanggapan ng gobyerno ukol dito, paano sila magiging accountable sa atin? Hindi sila sumipot ngayon, pero napakarami nilang customer sa ating bansa. I think they really should come and explain the processes here in the Senate hearing.

Q: So ma'am hindi lang si Dayao yung subpoena order, sino pa po yung hahainan natin niyan for the next hearing?

Poe: Well sa ngayon si Dayao pa lang ang may subpoena kasi mukha talagang hindi niya gustong sumipot, yung iba reiteration for invitation and siguro kasi ngayon nakatutok tayo sa budget proceedings so siguro after that.

Q: Balik tayo sa fake news are you looking to create remedial legislation that will penalize fake news without bordering on censorship?

Poe: Alam mo we really have to have a good balance--ayaw natin ng censorship but we want accountability. So now I need to be able to collate and analyze what has been discussed in this hearing before I start spewing suggestions on legislation. So if you will forgive me I cannot say exactly yet what legislation, this is our first hearing on the matter.

Q: Mam pag isang PCOO official like Asec Uson may karapatan siya na magkaroon pa din ng blog?

Poe: Ako personally, this is a personal opinion, if you are in the communications office of the government, tama yung sinabi nung isa natin resource person it's very untenable. Mahirap balansehin ang personal at opisyal kaya siguro dapat iwasan na magkaroon ng personal blog, isang sakripisyo mo yan sa pagpasok mo sa gobyerno.

Q: Ma'am What about yung institute to check yung government information inside PCOO?

Poe: This is just an idea that was floated, definitely, there should be government accountability but then we don't know yet if it will be something we can sustain.

Q: Mam what's wrong with being a government mouthpiece?

Poe: Then they should say, you know, you can promote the policies of the government for as long as it's based on facts. We need cheerleaders in government but...should only stick to what is the truth and you should not embellish it.

News Latest News Feed