Press Release
October 10, 2017

AKBAYAN SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE SUPREME COURT DECISION DISMISSING SENATOR DE LIMA'S PETITION

Nakakalungkot ang desisyon.

Ganun pa man, tuloy ang laban para palayain si Senator Leila De Lima sa pagkakapiit gamit ang mga peke at walang basehang kaso.

Sa aking pagkakaalam, ang kampo ni Sen. Leila ay abala na sa paghahanda ng kanilang Motion for Reconsideration.

Nananawagan ako sa lahat ng mamamayang nagmamahal sa demokrasya at karapatang pantao na patuloy nilang ibigay ang kanilang suporta kay Sen. Leila. Sa panahon ng dilim at lagim, higit kailan man, taimtim nating ituloy at lalong palawakin ang laban para sa katotohanan at katarungan.

News Latest News Feed