Press Release
November 28, 2017

AMBUSH INTERVIEW | TRAIN | SESSION HALL

[start recording]

SEN WIN: Tataas yan by almost 28 pesos per month. 28 pesos, equivalent yan ng kalahating kilo ng bigas. Yan ang mawawala sa isang ordinaryong pamilya kaya sabi ko masyadong mabigat ito. Nakakaawa lalo na ang mga kababayan natin sa probinsya. Binilang ko, that's around 2.7 million families ang maaapektuhan kaya sabi ko itong raise dapat wag masyadong mataas. Pinapasa lang ito ng mga coal companies sa consumers natin.

Q: Pero Sir, from 10 pesos gagawing 100-200 e.

SEN WIN: Yes so ganun ang mangyayari, 10 pesos ngayon, next year 100, next next year 200, and 3rd year 300.

Q: Wala nang magiging remedy diyan Sir kapag isinalang na sa floor yan?

SEN WIN: Well, ang only remedy diyan is sa bicam. Pag-uusapan ito sa bicam dahil nga bagong amendment ito. Titignan natin kung tatanggapin ng mga Congressman lalo na ang mga probinsya na may 100% coal kasi sila ang maaapektuhan dito kaya dapat malaman ng mga Congressman na sila ang tatamaan, ang mga constituents nila kasi locally affected sila.

*** SEN WIN: Ang impact noon sa mga 100% coal areas dahil may mga 27 areas na 100% ang coal contracts nila, that's approximately 2.7 million families so at 300 pesos, tataas yan ng about 28 pesos per kilowatt hour on average consumer. Ang takot ko lang, kung 28 pesos, katumbas ng kalahating kilong bigas yan eh so tatanggalan natin ang mga pamilya ng kalahating kilo ng bigas kada buwan so that's why tutol ako. Kung tinaas mo ang presyo ng coal, direkta to na pinapasa sa mga consumer, pass on lahat.

Q: Pero sabi kasi Sir di ba, Environmental protection?

SEN WIN: Hindi sya nagiging effective na environmental protection kasi pinapasa lang naman Ito eh. So kung ano ang ipatong mo sa coal contracts or sa cost of coal, ipapasa ng ipapasa yan sa mga consumers. So walang penalty doon sa power plant company.

Q: Sir doon sa mga cooperatives na possible na parang mag slow down ang operations or power shortage?

SEN WIN: Hindi naman, wala ganun na mangyayari. Ang mangyayari lang dito is tataas ang presyo ng kuryente doon sa mga 100% coal contracts, 27 electric distribution utilities.

***
Q: Ano ang pagtatalunang ng matindi sa bicam?

SEN WIN: I think ang magiging madugo dyan ay ang fuel excise tax. One, dahil 3 pesos sa House, dito ay 1.75. Two, kahapon, nakita niyo naman ang mining wala yun sa House, dito dinagdag. Maraming Congressman ay from mining areas, syempre ang sasabihin nila ay paano naman ang mga constituents ko? Three, yung coal syempre kasi bago din yun, 27 na mga cooperatives sa Central Luzon ay 100% coal so tataas ang presyo ng coal nila. Five, isa sa mga nakikita kong contentious issues ditto ay, cosmetics? Surgery? pwede, dahil maraming mahilig magpaganda sa House of Representatives di ba? Wala kasi yan dun eh, pinasok dito. Doon sa mga wala doon na pinasok dito can be contentious kasi hindi napag-usapan e.

Q: Pero sa version ng Senate Sir? Ano yung ayaw niyo? Na sana wag magalaw pagdating sa bicam?

SEN WIN: Ako yung excise tax on oil. Pag nakita niyo ang discussion dito, hindi kami nagtalo doon sa 1.75 coz we are all in agreement that that is the right number so that inflation will not push beyond 4%. Akala ko nga pagtatalunan pa yun e, pero hindi. We are all in agreement on that number. Pero sa House is 3 e, so medyo malayo. We have to look at that.

Q: Yan talaga ang ipaglalaban ng Senate?

SEN WIN: Pwedeng maging hot item yan.

Q: So definitely Sir, hindi kayo papa-pressure sa Malacanang na ipasa na ang Train?

SEN WIN: Well, yung TRAIN naman in principle ay aprubado na e. Maaaprubahan na on 2nd reading so fine tuning na lang, mapapasa ito. if you listen yesterday, maraming nadagdag, maraming natanggal, so medyo maayos naman lahat yun dahil pinagbotohan. Tsaka ang pagdagdag hindi basta-basta, talagang pinagbotohan talaga despite on emotional moments but ganyan talaga ang democracy e.

[end recording]

News Latest News Feed