Press Release
December 4, 2017

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Sen. Grace Poe: Delayed ang hearing natin.

Q: Bakit ma'am?

Poe: Ganito iyon, nakiusap si Sec. Tugade kung pwede iurong ang hearing natin sa Lunes. Sinabi naman niya na magpapadala siya sana kung Thursday matutuloy yung hearing ng mga undersecretaries niya pero ako na mismo ang nagdesisyon at aapela ako sa Piston at sa ibang grupo, sa tingin ko naman ang layunin nila ay makaharap mismo si Sec. Tugade kaya ako na mismo ang nagdesisyon na kung Lunes siya available, hindi ko siya pinakawalan-sabi ko bigyan ninyo ako ng petsa kung hindi kayo pwede ng Thursday. Sabi niya Lunes daw available siya, kaya itutuloy natin ang public hearing kasama ang mga jeep para dito sa phaseout possibility ng December 11, Monday.

Q: Ma'am yung sa preparations for Christmas rush, okay ba kayo doon sa sinabi ng CAAP na walang dagdag na X-ray?

Poe: Well yung sinabi nila mayroon silang idadagdag na around 500 immigration officials, pero hindi pa sila nakakasiguro doon. Ang isa sa nais nilang magawa nga dito ay doon talaga nagkakaroon ng bottleneck sa pagpasok sa immigration pero pagdating sa runway-sa Communications Navigation Surveillance/Air Traffic Management System (CNS/ATM) para yung mga radar, para mas mabilis ang takeoff at landing-hindi pa po iyan magiging operational until August of 2018. Kaya until then, yung sinasabi nating dagdag pasahero na about 300 more passengers per hour ay sa next year pa magagawa.

Q: So yung air traffic ma-eexperience pa rin ng pasahero?

Poe: Mayroon pa rin, although may improvement na. Sa tingin ko kung magdadagdag tayo ng mga empleyado, mga immigration officials, at least yung bara doon sa loob ay hindi masyadong matagal. Ang isa pa ay yung exit taxiway na gagawin nila, uumpisahan nila iyan ng February kaya pagdating ng February, mayroong mga flight rescheduling kasi nga aayusin yung airport para pagdating ng next year mas mabilis ang takeoff and landing.

Q: Ma'am enough ba yun, yun lang ang preparation, enough ba yun for the entire Christmas rush?

Poe: Hindi pa rin, ako siyempre hindi rin naman ganun kalaking improvement. Talagang ang kailangan natin yung mga exitways para sa mga eroplano, kailangan natin i-utilize na yung high tech na ATM system pero hindi pa nga iyan magiging fully operational until next year.

Q: This coming Christmas, ma-eexperience pa rin, may mga sacrifices pa rin yung mga pasahero ma'am?

Poe: Malaking sakripisyo pa rin para sa ating mga kababayan talaga itong darating na Disyembre kasi hindi pa talaga handa rin ang DOTr at ang CAAP pagdating dito sa mga equipment na magpapagaan sa pagbiyahe na mas mapapabilis. Ang tanging sinasabi nila ay magdadagdag muna sila ng mga immigration officials para hindi masyadong barado doon sa airport.

Q: Ma'am may isang question lang ako, 'yung kahapon po si Atty. Gadon na-interview sa isang radio station, sinasabi niya na mayroong isang tycoon daw na kumakausap sa mga senador? May isang business tycoon, kinakausap 'yung mga senador, bibigyan ng 200 million ang mga senador?

Poe: Para saan?

Q: Bawat senador, basta i-acquit lang si CJ Sereno in the end.

Poe: Alam mo sa tingin ko kung sinuman iyon, unang-una hindi totoo, sa akin hindi totoo iyon, walang lumalapit para makipag-usap, at sa tingin ko, ang ating mga kababayan ay nagbabantay dito. Makikita ang pagkilos namin. Hindi magtatagumpay iyan kung iyon ang basehan kasi ang dapat talaga makita ay ang merito ng kaso at kung may katotohanan dito. Hindi pera ito at ako personally, lalabanan ko kung sinuman ang gagawa ng mga bagay na ganyan for or against dahil hindi nararapat.

Q: Kung sinuman ang mag-attempt, Ma'am?

Poe: Ano ito para ma-acquit?

Q: Para ma-acquit. Iyon daw ang sabi ng sources niya.

Poe: Alam mo, dapat niyang sabihin kung sino ang sources niya. Unang-una ang dami na niyang mga inconsistencies tapos ilalabas pa niya iyan.

News Latest News Feed