Press Release
December 8, 2017

Sen. Bam on dengue vaccine
(Transcript of media interview)

Iyong pinakapananaw ko dito, unahin natin ang mga bata. Siguraduhin natin na iyong sinasabi nilang 10 percent sa 700,000 na at risk - mahanap, matukoy, maalagaan, masigurado na ligtas sila.

Pangalawa, iyong hearing sa Monday, mahalaga talaga kasi pupunta ang DOH officials, pupunta ang mga eksperto para ipakita talaga sa atin ang mga datos at facts.

Ano ba talaga, paano ito nangyari, sino ang kailangang managot dito at ano ang mga steps na kailangang gawin para ang mga kabataan natin ay ligtas at hindi na mapeperhuwisyo ang pamilyang Pilipino.

News Latest News Feed