Press Release
December 11, 2017

Closing Statement of Sen. Grace Poe PUV Modernization Hearing

Today, we learned that change does not come cheap. But it does so with the assurance of cleaner, safer, and more reliable transportation for millions of our commuters.

During the presentation, we learned that the government indeed has plans for modernization--ambitious, yes, impossible, no. However, we cannot deny that despite efforts at dialogue, there is opposition because of the following: the fact that the new routes have not been identified, the high unit cost and burdensome financing terms, the requirement of consolidation into transport cooperatives - all these big details that need to be ironed out before we require our driver-operators to scrap their old units in favor of new ones. Wala naman sigurong hindi natatakot sa pagbabago. Lahat tayo ay takot. Noong ginagawa ang LRT at noong unang lumabas ang FX at UV express, marami rin ang tumutol sa mga ito. Kaya naman po umaasa tayong tutuparin ni Secretary Tugade at nang kaniyang mga opisyal ang kanilang mga pangako:

Na kanilang rerespetuhin ang 3 years transition period tungo sa full modernization. May pilot areas muna at ang implementasyon ay magiging by phases;

Na hindi agad-agad tatanggalin ang mga lumang jeepney sa ating mga kalsada dahil Php 2.2 billion pa lamang ang initial na budget at 28,000 units pa lamang ang masa-subsidize sa 2018;

Na makakatulong nga ang konsolidasyon ng mga drayber at operator upang maging transport cooperatives para makatipid sila sa pamamagitan ng discounts sa fuel, spare parts, at sa presyo ng unit mismo;

Na i-eextend ng LTFRB ang prangkisa ng mga jeep mula sa 5 taon hanggang 7 years;

Na may kapasidad ang ating local manufacturers na gumawa ng mga bagong jeep...

Na may kapasidad rin tayong i-check ang compliance ng mga bagong units gamit ang parating na gagana nang MVIS...Undersecretary Tim Orbos commits to submit this compliance checklist to the Committee and hopefully to the drivers-operators bilang sila naman talaga ang pinaka-malaki ang isusugal dito;

Na magiging regular ang konsultasyon at dayalogo sa ating mga drayber-operator habang pinapatupad ang programa...

Na alalahanin naman ang mga PWD sa kanilang mga pangangailangan para sa pampublikong transportasyon, salamat na lang at nandito kayo at sinubukan ninyo ang mga prototype na hindi pa rin compliant.

Wala na ngang maayos na tren, mawawala pa ang jeep. The government must understand that this program threatens to leave a wake of disenfranchised driver-operators, and most importantly passengers.

Ngunit kailangan rin nating alalahanin na siyam sa bawat sampung jeepney sa Pilipinas ay nagbibinata na...But in terms of wear and tear, pa-retiro na talaga. Kaya naman po pinapaalala ko rin sa ating mga drayber-operator ang kanilang pangunahing pangako sa atin at sa mga mananakay: na bukas ang kanilang isipan sa modernisasyon...kaya lang natatakot sila na baka hindi nila makayanan.

Alalahanin po natin na kapakanan pa rin ng taumbayan ang dapat manaig...Binabalanse natin ang lahat ng ito...

Kung susumahin natin ang araw na ito, masasabi talaga natin na walang may ayaw sa modernisasyon. We will hold everyone accountable to their commitments expressed today - hindi lamang ang DOTr, LTFRB at iba pang implementing agencies kundi maging nang ating mga drayber-operator. Wala munang tigil-pasada. Sinsinin natin ang detalye. Upuan natin ito...

News Latest News Feed