Press Release
December 18, 2017

Transcript of Sen. Cynthia Villar's press conference

Q: On food security

Villar: ... It is the family farms that feed us, not the corporate farms. They produce 80 percent of what we eat. Kaya sinasabi ko sa mga tao, very important, it is the responsibility of everybody to help our farmers na kumita nang sa ganoon huwag nilang iwanan ang kanilang mga family farms kasi kapag iniwan nila iyon, lahat tayo walang kakainin. It's the secret to our food security. Kaya it's not only the resposibility of government, it's not only the resposibility of your public officials. It's the responsiblity of everbody to help our farmers na kumita kasi doon nakasalalay ang ating food security, which is the need of everybody.

Q: Magkano po ba ang kinikita ng farmers sa ngayon?

Villar: On the average, ang ating farmers P150 a day, or P4,500 a month. And it takes 6,300 to feed a family of 5. Ibig sabihin, malayo pa sila sa basic need nila.

Q: Ang increase dapat 1500?

Villar: For food iyon ha. Kailangan mo pa yung sa gamot, at baon sa pagpasok ng iskwela.

Q: Kanino po uling study iyong by 2050?

Villar: UN FAO, 33 years from now.

Q: Hindi lang rice? Lahat?

Villar: Lahat.

Q: Sa Pilipinas ganoon din ba kalapit kasi dito marami nang farmers ang nagtatransform into others...

Villar: Hindi naman, maliit lang talaga ang kita. Hindi naman kailangang lahat ng anak mo mag-farming. At least isang anak mo, mag-stay sa farm at ituloy ang farming.

Q: Magkano po ang kailangan ng isang farmer para maka-survive?

Villar: Mga 8,000, double income. May model tayo na pwedeng gawin to double their income. Like iyong coconut farmer, ang income nila ngayon, mas mababa sila, P50 a day. That means P1,500 a month. But merong kind of coconut seedlings na kapag itinanim mo, magiincrease and yield from 40 nuts a year to 150 nuts a year so magti-triple agad ang income niya from 1,500 to 4,500. Tapos merong isang study na kapag inintercrop mo ng coffee at cacao iyong coco farm, you increase your income by P10,000 a month. So P4,500 plus P10,000 at least, P14,500, tapos ang problema. It's a model that we have to do. Sabi ko sa PCA, you have to do that model para masolve natin ang problem ng ating farmers.

Q: Kasama ba ito sa hybridization program?

Villar: Meron talagang seedlings na hindi pa hybrid, iyong ordinary seedlings na maganda, triple ang yield so iyong P1,500 magiging P4,500.

Q: Bakit hindi nila ginagawa iyon ngayon?

Villar: Hindi ko nga maintindihan, ewan ko. Kaya nga aayusin natin. Kasi, chicken and egg. Binigyan ng pondo, inunderspend so tinanggal ang pondo. Hindi mo mabigyan ng pondo dahil baka hindi naman gawin. Kaya iniexplain ko sa kanila para kapag binigyan sila ng pondo, gawin nila.

Q: Kaya may ultimatum kayo?

Villar: Ganun kasi ang sinasabi ng DBM tuwing magka-cut ng budget kasi they underspend. Sinasabi ng DBM, binigyan kita ng budget, hindi mo nagasta, hindi mo siguro kailangan. Iyon ang reason kaya never, never underspend.

Q: Magkano nga po ba ang budget sa hybridization?

Villar: Hindi hybridization, better seedlings. Kasi ayokong gawin iyong hybrid kasi hindi naman kailangang hybrid, better seedlings lang, like sa rice may tinatawag na inbred seed na dinivelop ang ating PhilRice na kasing galing ng hybrid, mura pa. Hindi naman palaging hybrid ang answer, better seedlings lang. Iyon ang dapat itanim. Huwag nang itanim yung kung ano-anong seedlings kasi 40 nuts a year iyong mahinang seedlings, ito 150 nuts a year.

Q: Iniimport pa ba angseedlings na iyon?

Villar: Hindi, ginagawa lang dito. Kailangan lang iyongtechnology ituro. Maski sa rice dito rin, PhilRice. At sabi nila sa PCA meron na silang study, they just have to implement.

Q: Kailangan ng funding?

Villar: Oo, pero every year naman may funding iyan. Huwag itanim iyong pangit na seedlings. Ang itanim iyong mas better na seedlings.

Q: Kailangan din ba maging mas masinop sa pagkain?

Villar: Dapat madevelop ang technology ng farmer for them to be more productive and profitable. Kasi based on the study of the Philippine Institute for Development Studies why they are not earning and why they are not profitable, mainly because of the lack of technology. It's very important. Seedlings is technology, producing the right kind of seeds.

Q: Gaano tayo ka-behind compared sa neighboring countries?

Villar: Malaki. Nandiyan naman, ayaw lang gawin. Nandiyan ang technology hindi lang ginagawa. We have to do it now. Sabi ko nga, may model na. Kailangan lang gamitin mo iyong right seedlings na nandito naman, plus mag-intercropping ka. Nandito na rin ang technology sa intercropping.

Q: Bakit hindi ginagawa?

Villar: Siguro may problema din tayo sa baba ng ating mga agency na meron din silang negative, anything new ayaw. Parang hindi sila naniniwala. Diba maraming Pilipino ang ganoon. Katulad nung sinabihan mong mag-mechanize, sasabihin, hindi, mahirap mag-mechanize mawawalan kami ng trabaho. Sabi ko kapag hindi kayo nag-mechanize, we cannot be competitive. Maghanap na lang tayo ng trabahong ibibigay sa inyo kaysa hindi tayo competitive. Katulad po ng sagot sa akin, bakit mo tataniman ng ganyang seedling, dadami ang coconut, mumura ang coconut. Hindi kako, kapag dumami ang coconut, mag-process tayo ng ibang produkto. Like kayo iyong coconut ninyo itinatapon lang ang tubig. Bumili tayo ng equipment para iprocess natin ang coco water. Tapos diba moda na ngayon ang coco sugar? Kung kailangan nyo lang ay equipment, iba ang gagawa ng coco sugar, iyong iba coco water. Hindi kayo mawawalan ng trabaho. Kailangan ang shared facilities program to be able to do coco sugar and coco water. So dapat kukumbinsihin nyo sila nang ganoon. Akala nila kapag dumami ang coconut, mumura ang coconut. Hindi, you produce more product. Nagpunta ako sa international fair ang sunrise industry ngayon ay coco water and coco sugar. Eh di pwede nilang iproduce iyon.

News Latest News Feed