Press Release
January 26, 2018

Sen. Bam on Marawi rehab and Bangsamoro Basic Law
(Transcript of media interview)

Sen. Bam: Maiisip mo na napakaraming nating bayani sa ating bayan, of course, the AFP at mga kapatid nating Muslim na tumulong sa AFP. Malaking sakripisyo talaga ang ginawa nila rito. Kaya at the soonest possible time, kailangan matayo uli ang Marawi.

Kaya ang Task Force, ang tawag Task Force Bangon Marawi. Kailangan nating ipakita na ang five square kilometers na ito ay hindi magiging simbolo ng karahasan at ng extremism sa ating bansa kundi isang simbolo na nagkakaisa ang Pilipinas na matulungan ang area na ito at nang hindi na ito maulit.

Of course we're here for the BBL, but I am also a representative on the committee for Marawi rehabilitation. Mahalaga na magka-hearing din kami dito at makausap ang mga taong tagarito kung ano ang best way para maibangon natin ang lugar na ito.

One part of the river, iyong kabilang side, nakita naman natin medyo okay pa, pero talagang lugar dito across the river, it's five square kilometers, totally devastated. Kailangan nating hanapan ng solusyon at paraan na lahat tayo ay nagtutulungan para maitayo natin ulit ang lugar na ito. I think it will not just a symbol for our Muslim brothers and sisters, but for the Philippines and for the world, na may kakayahan tayong ipaalis ang masasamang elemento at maitayo ulit ang siyudad na na ito. Make it a symbol of peace, make it a symbol of brotherhood, kailangan makita natin iyan. In this case, kitang-kita naman na lahat kami dito nagtutulungan. I think this is one area na lahat tayo puwedeng magkasundo, puwedeng magtulungan, even internationally, ipasok natin dito ang mga gustong tumulong internationally. Let's find a way to bring back peace here at maibangon uli ang Marawi.

Q: You share the same sentiment ng majority na kailangan ang BBL para hindi na maulit ang nangyari sa Marawi?

Sen. Bam: Yes. In fact many of us in the minority, Senator Risa and I, have filed our own versions of BBL. I filed the BTC version, iyong version ng Bangsamoro Transition Commission, at gusto nating makita itong napasa na at the soonest possible time. I think the timetable ni Sen. Zubiri na March, we're hoping we can get this passed as soon as possible. Unahin na natin ito. Urgent na po at pressing iyong mga issues na kailangang mai-address ng BBL.

Q: Mainit na ang Kamara at Senado on Charter change, would you rather unahin ang BBL rather than Cha-Cha?

Sen. Bam: Yes I think so. In this case, mayroong tayong commonality, mayroon tayong puwedeng pagkasunduan. I know that this is a priority also of Congress and even the Executive, nabanggit na rin ito ni President Duterte. This is one of those times, medyo rare na rin ito ngayon, so let's take the opportunity na puwede tayong magkasundo at talagang buuin natin ang BBL. Let's make it something that we can all be proud of. Coming from the tragedy here, makita natin na isa itong long-term solution sa mga concern natin na immediate na talaga. I hope everybody can come together and support the Bangsamoro Basic Law. Magtulungan po tayo rito.

News Latest News Feed