Press Release
February 5, 2018

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar (Livelihood caravan in Tondo)

Q: On livelihod caravan

Villar: We are doing some more pathway para magawa namin ang aming toilets. Kasi bawat pathway, isang septic tank. We are building more urban gardens per street. We are stocking again our aquaculture with more fish, 10,000 fingerlings para tuloy-tuloy ang hanap-buhay ng mga taga Baseco na merong silang isda, meron silang gulay. We will continue with our mangrove planting. Syempre kapag may mangrove, mas maraming fish. At protection nila iyan in case of a typhoon surge in Manila Bay. Nagpapasalamat tayo today kasama natin si MMDA Chairman Lim, kasi sila ang kapartner namin sa clean up together with DPWH. Everyday they give us personnel. Three times a week, nandito kami sa Baseco. Three times a week, nandoon kami sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park. This is part of the Manila Bay clean up under the continuing madamus issued by the Supreme Court, mandating 13 government national agencies and all the 178 lgus around Manila Bay to clean Manila Bay.

Chairman Lim: Ito ay napakagandang programa na dapat suportahan hindi lamang ng mga ahensya ng gobyerno, pati ng mga pribadong kumpanya sa labas na may kakayahang tumulong. Sabi ko nga kanina, dito hindi lamang natin nililinisan ang kapaligiran natin. Binubuhay natin muli ang mga lugar na namatay na dahil sa pang-aabuso ng ating mga kababayan sa mga hindi tamang gawain noon. Napakaganda dahil may livelihood component din ito. Itong fingerlings nirestock natin, at ang mga gulayan. Maganda ito para may pakinabang din ang mga kababayan natin sa parteng ito. There's something in it for them para talagang makipagtulungan sila nang lubos sa proyektong ito.

Q: Ang suplay daw po ng bigas nagkukulang na sa Marikina po, wala na daw mabiling NFA rice?

Villar: Alam mo ang NFA talagang may mandate iyan to make sure na may buffer stock tayo sa rice and they can do it in 2 to 3 days. Magi-import sila every year at saka mamimili sila sa mga farmer natin at a definite price. Nagtataka lang ako, napakalinaw naman ng mandate, bakit nagkaka-tsismis nang ganyan. Kasi kung ginagawa ng NFA ang kanilang trabaho, hindi dapat magyayari iyan. Kaya minsan ang mga usapan na ganyan hindi natin pinakikinggan kasi minsan ginagamit iyan para ma-justify ang pagtaas ng presyo. They are creating something like a shortage para magpanic ang mga tao, bumili ng much more than they need kasi nagi-stocking sila kapag nagkaganoon, magtataas ng presyo. Ako ay nagsasawa na sa mga issue na iyan kasi malinaw na malinaw naman iyan na dapat ay mandate iyan ng NFA. Ngayon po nirereview natin ang mandate ng NFA. Ano ba talaga ng role nila dito? At tigilan na ang mga usapan na iyan. Ang gusto lang nila tumaas ang presyo kaya may usap-usapan na ganyan. They are creating artificial demand so that the prices can go up. I'm very sad. Siguro magpa-file na naman uli ako ng resolution to investigate. That's the only thing we can do. I hope the price monitoring tyeam ng DTI at DA should be working double time to make sure na ito ay hindi tsismis and they can control the prices. Another reason na ginagamit nila is iyong ating ipinasa na TRAIN. Hindi naman affected ang agriculture ng TRAIN, except for transportation cost. They said it's just 5 percent of the cost, it's not the major cost. Bakit sinasabi nilang dapat itaas nang presyo? I hope DTI will do price monitoring actively to prevent this at nang hindi gawing reason iyong TRAIN para magtaas ng presyo to make profits.

Q: Pero ang actual prices ngayon mataas na ng 2 to 3 pesos ang commercial rice?

Villar: Kasi ang atin lang short sa rice ay 5 percent of demand, and we have determined something like 500,000 metric tons, which the NFA is allowed to import. Kaya ako hindi ko nakikita kung saan nagkakaproblema.

Q: Saan po naggagaling itong mga tsismis?

Villar: Alam mo naman tayo, marami tayong rice smugglers, marami rin tayong rice cartel. Kaya minsan kapag may mga ganyang tsismis, parang maiisip mo, pinalalabas nila iyan para magkaroon ng artificial demand. Kasi syempre ang mga tao nagkakaroon ng takot, nagi-stock. Kapag nagi-stock tayo, you create a demand na nakakasira ng ating law of supply and demand. Kaya minsan kapag nakakakita ako ng news na iyan, meron na naman bang gustong mag-manipulate ng prices kaya lumalabas ang mga ganyang news?

Q: Kailan po kayo magpafile ng resolution?

Villar: This week. Alam mo pagod na pago na ako kaka-investigate about rice. In fact, hindi natin maprevent ang rice smuggling, kasi wala naman tayong kinakasuhan. Nagpasa na kami ng batas declaring large-scale agricultural smuggling as economic sabotage, which is non-bailable. Wala namang kinakasuhan. Kaya ngayon inaactivate ko po ang PHILMEC at PHILRICE para turuan ang mga farmer to produce more through better seeds and mechanization nang sa ganoon magproduce na tayo ultimately ng ating kailangan at a low price para matapos na iyang smuggling na iyan.

News Latest News Feed