Press Release
February 7, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Q: Konti ang gumaganang tren ngayon ng MRT

Sen. Grace Poe: Yun nga yung nakakabahala at nakaka-frustrate sa ating mga kababayan, kung dati talagang dapat 12-15 trains, ngayon 7 na lang so ang pagiintay mo dumo-doble tapos hindi lamang yung pila ang dumo-doble, pati pa yung posibilidad na masiraan, kaya hindi talaga umaayos ang problema diyan kaya lang, mismo na ang Secretary ang nagsabi, binigyan niya ang sarili niya ng palugit hanggang end of February, pagdating daw ng mga parts, so tingnan natin pagdating ng end ng February kung talagang totoo na kasi ilang beses na nilang pinangako na maaayos iyan. Tinaasan pa nga yung pamasahe noong nakaraang administrasyon pero imbes na bumuti ang serbisyo ay sumama pa.

Q: Pero nilipat na kasi yung maintenance provider from BURI, 'di ba ang sabi yun ang problema so apparently mukhang hindi yung BURI ang problema?

Poe: Ang problema kasi nung sa BURI ay hindi nila siniguro ang imbentaryo ng mga parts. Kaya pag-takeover ng government dun sa services ay wala naman silang mapagkuhanan ng piyesa kaya masisira ng masisira. Pero ako--hindi ako eksperto at maraming hindi eksperto dito pero--sa tingin ko naman malinaw na ang mga train na galing China sa Dalian ay hindi compatible, bakit natin pipilitin. Kung ang tren mismo ay overweight na, hindi pa nakatungtong sa mga riles e bakit natin pipilitin. 'Di ba sabi nga natin para tayong nagsuot ng sapatos na size 6 kung 7 naman ang paa natin. Kung hindi talaga kasya 'wag nang pilitin. Magumpisa na tayong mag-order ng mga bago at isoli natin dahil nagawa iyan ng Singapore sa Dalian, sinoli sa kanila.

Q: So ma'am bibigyan ng until end of February si Sec. Tugade, in case by March wala pa rin yung pangako nila, ano yung pwedeng gawin

Poe: Tanungin natin kung naiintindihan ba talaga nila yung trabaho nila o baka mas may kailangang nakakaintindi diyan kasi ilang beses na yung pangakong napapako. Siya na mismo--binibigyan natin ng pagkakataon na siya na mismo ang maglahad ng kanyang deadline so gawin nating basehan ang kanyang sariling salita.

Q: So kung hindi niya ma-meet yung deadline it means he is, parang hindi siya competent for that position?

Poe: Or perhaps he should find people who can explain it better to him who are confident kasi mukhang yung mga nakakaintindi ay nagreresign. Tanungin na rin natin kung totoo bang merong interes ang Sumitomo o ang Japan na mag-takeover. Anong ginagawa nila, tuloy-tuloy na ba ang paguusap niyan kasi hanggang sa ngayon hindi pa rin malinaw kung sino ang papalit sa maintenance.

Q: So if hindi niya ma-beat ang sarili niyang deadline ma'am should he resign or should he consider resigning?

Poe: I think it will send out a strong message to all of us that perhaps there's difficulty in really understanding the scope and the demands of the job. Siguro hindi lang naman ako isang makakapagdetermina niyan. Hayaan mo na ang tao ang maghusga. Pagdating ng February at hindi pa rin gumaan ang sitwasyon at sila na mismo ang nagbigay ng kanilang sariling palugit e siguro dapat talaga ay magisip-isip tayo tungkol dito.

Q: And even the President should consider?

Poe: Siya lang naman talaga ang mayroong kapangyarihan na magdesisyon ukol dito. Sana, hindi naman sa sinasabi natin, marami namang mga iba na napapailalim kay Sec. Tugade pero siguro dapat ang appointment sa mga technical na bagay katulad nga nitong train ay huwag political considerations kundi by competence and track record.

Q: Yung PLDT--to surrender frequency to government for third telco player?

Poe: First of all I think na mayroon naman talagang nakalaan na frequency for a third player. Hindi ko alam kung ito'y hawak ng sino man pero ang importante kasi ganito, pwede tayong magka-third player at yun ang gusto natin na magkaroon ng competition. Kung magkaroon ng foreign investments sa ating bansa, bakit hindi? Kaya lang ang batas natin kailangan nating amyendahan kasi sa ngayon hindi pinapayagan sa telco ang foreign-controlled corporations. Kung mai-aamend natin, yun ang dapat nating tutukan, yung amendment ng economic provisions para mapayagan ang more competition at ang foreign investments na maglilikha ng maraming trabaho sa ating bansa. Doon nakatutok ang aking komite, sa pagbibigay ng franchise. Kailangan ay nakasaad doon at ilalagay namin na kayo ay lumikha ng trabaho. Trabaho na magbibigay ng sapat na sweldo.

Q: Ma'am nag-file kayo ng reso urging Filipino scientist ang mag-initiate ng research

Poe: Oo dapat bigyan natin ng funding ang sarili nating mga scientist na sila ang mag-explore kasi parang napapaubaya sa iba e dapat tayo ang makinabang.

News Latest News Feed