Press Release
February 15, 2018

Sen. Bam on SUCs refund of tuition and birth of his second baby
(Transcript of media interview)

Q: ... other SUCs, refund yung student sa tuition fee that was charged against them.

Sen. Bam: No, it was actually the miscellaneous fees, kasi Jasmine, yung batas natin, RA 10931, The Universal Access to Quality Tertiary Education Act which was signed into law by the President last August 3, was effective already in August of last year. And merong provision doon na hindi na puwedeng mangolekta ang ating SUCs ng kahit anumang bayarin sa ating mga estudyante. And we want CHED to implement this ASAP, as soon as possible. So what happened was, hindi na sila nangolekta ng tuition for the Second Semester of School Year 2017 to 2018, pero kasama sa batas kasi natin, hindi lang tuition- pati yung tinatawag na other school fees or miscellaneous fees. Now, klaro yun sa batas na tuition and other fees yung libre na. Pangalawa, during the time of the budget last December, talagang pinondohan namin itong second semester. Naging malinaw sa CHED at naging malinaw sa lahat ng executive agencies na yung gusto ng mga mambabatas ay i-implement na po yung batas natin as soon as possible. So we're calling on CHED to implement RA10931, the Universal Access to Quality Tertiary Education Act as soon as possible. Huwag nang antayin yung susunod na school year. Itong current school year pa lang, ibigay na sa mga bata yung tulong na gusto naman talaga nating ibigay sa kanila. The other thing is, we allotted 41B pesos for this law. Pundado na po iyan, nasa GAA na iyan, signed by the President, again, into law. So, funding is there, lahat ng batas andiyan na, kulang na lang talaga yung implementation. Kaya yung hiling namin ay i-implement na ito agad-agad. Now, last Monday, naghain tayo ng Sense of the Senate Resolution. Ang Sense of the Senate, ibig po sabihin noon, ito yung gusto ng Senado. And we were able to get 21 signatures. Actually we were able to get 22 signatures, kulang na lang yung kay Senator De Lima kasi hindi nahabol, but I'm sure she's supportive of this, so actually, unanimous ito. Lahat ng Senador pumayag na ipahiwatig ang pakiramdam ng Senado na dapat i-implement na yung batas ngayon. Hindi na hintayin yung susunod na school year, ngayon na, i-implement na natin.

Q: Ang isa sa mga reasons ng CHED, one- iyon nga, yung GAA na maging applicable ba on June of this year...

Sen. Bam: That's not true. Hindi totoo iyon, because during that time na ginagawa yung budget, kausap na namin iyong CHED. Kausap na namin yung mga employees ng CHED kung paano maging malinaw doon sa GAA na pasok itong second semester. They even helped us craft the language na nasa GAA natin ngayon upang masama ang second semester of School Year 2017-2018 doon sa popondohan. So, hindi rason iyan. Sa budget natin, kayang pondohan yung second semester ng SY 2017-2018, because yung karamihan naman ng School Year ay nangyayari sa taong 2018. And, ang pinpondohan ng GAA ng 2018, yung mga nasa 2018. So there's no legal reason why hindi itong pwedeng pondohan ngayong taong ito. At pangalawa at pinakaimportante, may pondo. Isipin mo, Jasmine, napondohan na natin ito, ayaw pang ibigay sa mga estudyante. Yun, para sa akin, yung pinakamasaklap. Iba siguro kung sasabihin nilang walang pera, pero merong pera. Naka pondo po ito, sobra sobra pa yung napondo ng Senado at Kongreso para sa batas na ito. So we're hoping they can really implement this as soon as possible.

Q: What do you think are the reasons why they're not implementing it?

Sen. Bam: Well, nagsulat na po tayo sa kanila, in fact, noong panahon pa ni Chairman Licuanan nagsulat na po tayo sa kanila, ngayon pong si OIC Popoy De Vera, nagsulat rin tayo sa kanila, nanghihiling po tayo ng audience para ma-explain nila sa amin. Uunfortunately, hindi pa po kami hinaharap ng CHED. Ang naririnig po natin, it's mostly administrative concerns. But, again, yung mga administrative concerns na iyan, hindi iyan kasalanan ng mga bata. Hindi iyan kasalanan ng mga magulang ng mga bata na kinakailangan pang umutang para lang makabayad ngayong Second Semester o kinakailangang kumuha ng pangalawang job, pangalawang trabaho, para lang makapagbayad nitong mga gastusin sa eskuwelahan. Nadiyan na po yung pondo, ito po yung pagnanais ng mga lehislador, yung gumawa po ng batas at yung nagpondo po ng batas, ang hiling lang po natin, simple lang - this is only 112 SUCs in the Philippines. Hindi naman siguro ganun kahirap na pondohan ang 112 na SUC. Pagkatapos naman silang pondohan, yung mga State University and College na mismo yung magsasagawa ng mga proseso para maibalik yung pera sa mga baya. We funded this already, it's a part of the law- ang hiling lang namin, simple lang. Ipatupad na yung batas at the soonest possible time.

Q: Okay. Ang isa sa mga reasons pa nila, hindi pa sila nagcocome up with - they're coming up with an IRR. What is your comment, what is your reaction on that?

Sen. Bam: Well, ako, dalawa. Unang una, August pa iyan. Ilang buwan na iyan- September, October, November, December, January, February. Mag-aanim na buwan na, wala pa ring IRR. Siguro naman, anim na buwan, that's enough time to come up with an IRR. Pangalawa, they already implemented a version of this, kasi nag-libreng tuition na because of the Congressional insertion that the Senate and Congress did for 2017. So hindi na ito, technically, bagong bagong proseso, kasi meron na silang prosesong naisagawa last year. Pangatlo, problema iyan ng ahensiya, hindi iyan problema ng mga bata. Gusto mong tulungan iyong mga bata, gusto mong tulungan yung mga magulang ng bata, gagawin mong rason, kasi mabagal kaming gumawa ng IRR. Hindi iyan katanggap-tanggap, that's not acceptable. So at the minimum, hindi na nga nahabol yung second semester, mag-refund na lang sila. Anyway, kung mangako silang we will refund kapag ready na kami, at least may pinanghahawakan yung mga estudyante. And again, Jasmine, napondohan na namin ito. May pondo po, hindi po nagkukulang yung pera. So I think tama lang na hindi na nga nila nahabol itong second semester, ang habulin nalang nila, mangako na lang sila na magrefund sila kapag naayos na nila yung mga proseso.

Q: So just to clarify, ang eligible sa refund ay iyong Second Semester of 2017-2018?

Sen. Bam: Yes, yung ibang mga 2017-2018 na Second Semester, Jasmine, nagsimula ng November, yung iba nagsimula ng January. Pero yung bulk or yung majority ng Second Semester, ginawagawa iyan in 2018. So, ang pakiramdam natin, pasok po, at nakalagay po iyan sa GAA, pasok po itong Second Semester doon sa pinondohan na GAA for fiscal year 2018. Magkaiba kasi yung Academic Year sa fiscal year. Ang fiscal year po natin, January to December. Ang academic year natin, iba. Iba- hindi siya nagta-timing talaga. Pero in the sense na yung Second Semester, ongoing iyan, ngayong taon iyan nangyayari, hindi iyan nakalipas na- ongoing pa iyan, yung karamihan po, magtatapos na po iyan ng Marso, tingin namin, puwede itong mapondohan ng 2018 budget.

Q: Okay. Sir meron lang kayong listahan ng mga SUCs na allegedly na nag-charge ng tuition fee?

Sen. Bam: Yes, well, alam mo, I cannot blame them, because kung wala naman silang pondong nakukuha sa CHED, wala rin silang pondong nakukuha sa mga estudyante, wala silang pondo. Hindi nila kaya mag-operate. Now, my point is this- itong batas na ito, isang taon at kalahati na po natin itong ipinaglalaban. Obviously, alam ni CHED na mangyayari't mangyayari ito kasi many of us the Senate had pushed this, made this our main agenda. Ito po yung main agenda natin. So alam na nila, from the start, na we will push through with this bill. Every step of the law, habang ginagawa, kasama namin sila. Kahit nung Bicam, kasama namin sila. Witness sila sa lahat ng mga pinagusapan sa Bicam. And yet, so many months later, hindi pa rin sila handa. I think kailangan naman siguro kung meron tayong batas na ganito kahalaga, reporma na ganito ka- revolutionary, kailangan mo talagang paghandaan iyan. At ngayon po, yung hinihiling na lang natin, dahil, again, may pondo naman, kung puwede sana, ilabas yung IRR at nakalagay po diyan na yung dapat na hindi na binayaran ng mga estudyante ngayong Second Semester, irerefund po nila kapag handa na po sila. And of course, we're hoping na in the next few months, magawa na po nila ito.

Q: Okay. What is your next plan of action, Senator?

Sen. Bam: Well, I think the ball is the court of CHED now. Hinihintay namin yung official response, the sense the Senate has already made, all practically unanimous resolution saying that they should fund, kailangan na nilang pondohan itong Second Semester, we have some colleagues in Congress who are going to push the same sa Kongreso. Kapag napasa na po iyan ng Kongreso, parehong Kongreso't Senado na yung nagsasabi, pondohan niyo na ito. So if the ball is in their court, na kung hindi pa sila gagalaw diyan, we'll have to see if we'll go to the courts for this. But I think this is already enough of a message, siguro naman, lubos na lubos na itong mensahe na ito. 22 Senators na yung pumirma diyan. And of course, every year, kailangan rin silang humarap sa amin para pondohan namin yung mga budget nila. All we ask is simple - we said, gagawin nating libre ang edukasyon sa Pilipinas. Kung sinabi natin iyan, gawin talaga natin iyan. Huwag na nating pahintayin yung mga bata ng June or July of this year. I-implement na po natin iyan, meron pong pondo. In fact Jasmine, sabi ko nga, this is one of those few times na nagkaisa ang Senado't Kongreso, na ngayon na maraming mga kontrobersiya between the two Houses and even within the Houses themselves, this is one of those times na nagkaisa ang minority, majority, opposition, administrasyon- lahat ng kulay, lahat ng partido nagsama-sama para sa edukasyon. Wag naman natin biguin yung mga estudyante't kanilang mga magulang. Ituloy po natin.

Q: Okay, last na lang po, Senator. I'd just like to clarify- sino ang eligible para sa refund? Kasi there are some students who would claim na eligible sila for a refund, when siguro more than 4 years na sila sa school, irregular students sila - meron ba tayong parameters diyan or is CHED responsible for identifying it?

Sen. Bam: There are parameters in the law- Filipino citizen, undergraduate course, first degree holder - that will cover 95 to 99% of the students. Meron kaming napuntahang SUC sa Ilocos Sur, meron silang foreign students because magaling sila sa Medicine, so obviously hindi kasama yung mga foreign students. If it's your second degree, meaning naka-graduate ka na from somewhere else, hindi ka na puwedeng mag-avail nito. And merong residency requirements yung mga schools natin, as long as pasok sila sa residency requirements, they should be able to avail of this. Now, ang alam namin, merong mga SUCs, dahil na rin sa pangangailangan, nangongolekta ng miscellaneous expenses or yung tinatawag na other school fees. Pero yung mga iba, sumunod po sa batas, hindi po sila nangolekta at all kasi alam nila, merong probisyon na nagsasabi, bawal na silang mangolekta ng kahit ano mang mandatory fees sa mga estudyante. Pero doon po sa mga nangolekta, and again, I don't blame them, kasi kung wala ka nga namang pera, paano mo patatakbuhin yung eskuwelahan? Our wish, our plea, yung aming panawagan, yung CHED, i-refund na kaagad sila para marefund rin nila yung mga bata.

I think that's very clear. Pagdating sa batas na naipasa, kailangan talaga tuition and school fees, wala na pong kinokolekta. Ito pong pag-collect natin ng refund, hopefully it will refund lahat ng kinolekta, whether its tuition or miscellaneous. Kung kinolektahan kayo, according to our law, dapat wala nang kinokolekta sa inyo. This refund, for all the eligible students, kung mayroong nakolektahan sa inyong miscellaneous or tuition kasi may reports pa rin na may kinolektahan ng tuition, dapat pong i-refund iyan ng inyong SUC.

Q: On a different note, doon po sa inyong baby. How was it sir?

Sen. Bam: Masaya, we're quite happy na umabot siya ng Valentine's Day. Our first child, si Rory, was born on December 25, Christmas Day. Itong si Coco naman, Valentine's Day. So hindi mo puwedeng palampasin iyong kanilang birthday. My wife is okay, she's undergoing some recovery, but si Consuelo Victoria, Coco ang nickname, she's seems to be very healthy. Matakaw na matakaw sa breast milk ng kanyang nanay, extremely chubby ang cheeks manang-mana sa tatay.

Q: Bakit ho Consuelo Victoria?

Sen. Bam: Named after two lolas. Timi's paternal grandmother is Consuelo and my maternal grandmother is Victoria so pinagsama namin. Iyong first namin lola rin, Anna Aurora, so mga lola rin. Para may equality, lahat ng lola covered na namin.

Q: Any celebration with the Aquino family regarding the arrival of Coco?

Sen. Bam: Everyone's congratulating us on Whatsapp, Viber, all these platforms and text. Lahat nagko-congratulate. I think right now, we just wanna make sure that she's healthy, get over all the tests kasi 48 hours pa ang mga testing na iyan. We're very thankful to the Lord and to the friends na nagdasal na maging safe ang delivery ni Timi.

Q: Nag-paternal leave ho kayo ngayon. Hanggang kailan kayo naka-leave?

Sen. Bam: Until next Wednesday, so seven working days. Ako susulitin ko iyang paternity leave na iyan just to make sure that Coco and my wife are okay.

News Latest News Feed