Press Release
February 15, 2018

Win ambush interview on Political Dynasties
SENATE OF THE PHILIPPINES

Q: Kanina napag-usapan ang political dynasty issue and then some experts are saying na it's about time na magkaroon na ng definite na batas tungkol dito. What's your stand on this, Sir?

SEN WIN: Looking at the political dynamics of our country at marami nang studies na lumabas, the most recent one I read was in AIM at sinasabi sa mga research na ito na marami sa mga dynasty ay mahihirap ang mga lugar nila at dahil nga isang pamilya ang nagkokontrol sa isang lugar, hindi na nagiging maayos ang lugar dahil sila-sila na lang. Wala nang mga bagong ideas at incentives para ayusin ang mga lugar nila.

So the output of the research is saying na sa mas maraming mahirap na lugar ay dynasty ang namumuno doon. I think, it's really about time to talk about this and give full disclosure. Ako may mga kapatid din ako sa ano [politika], and whatever the Congress or the Senate will formulate in terms of anti-dynasty, alam ko marami sa aming mga public servants ang susunod at sasang-ayon.

Q: Sir, hanggang saang level po ba ang degree of consanguinity ang dapat na i-consider at least na i-ban? Yung ibang experts kasi Sir, they say atleast 2nd degree pero as far as you are concerned, dapat ba na isa lang?

SEN WIN: I think ang pwede nating tingnan is until 4th level of consanguinity, pwede nating tingnan yan considering na marami sa ating mga lugar, malalaki rin ang mga pamilya at well-entrenched na ang mga pamilya. What we want here is to give a chance to others who are qualified and experienced para mabigyan din sila ng chance na mamuno at tumulong.

Q: Pero okay po ba Sir sa inyo ang idea na payagan ang sunod-sunod na pagtakbo ng magkakamag-anak basta't huwag lang sabay-sabay kasi yun daw ang parang pwedeng i-consider?

SEN WIN: Maraming modelo at konsepto na pwedeng sundan. Ang pinakaprinsipyo dito ay mabigyan ng pagkakataon ang ibang mga kasama natin na maging public servants o lingkod bayan din. Ang importante rito ay mabigyan ng opportunity ang mga taong magagaling at may mga experience so I think that is the concept. As to the details kung up to anong degree, or kung pwedeng sunod-sunod or sa ibang probinsya or kung papayagan ba, yan ang pag-uusapan. The basic concept is dapat mayroong equal opportunity.

Q: Fair po ba ang sinasabi sa ibang mga studies na kapag marami at nasa iisang pamilya lang ang namumuno mas nagiging subject to poverty, mas nagiging mahirap?

SEN WIN: May mga studies na ganoon especially in Mindanao.

Q: Pero does it apply in Metro Manila?

SEN WIN: I would not say it applies in Metro Manila because it is the growth center, ibig sabihin, kahit sinong mamuno dito Metro Manila will grow. Metro Manila will improve because this is an economic center. Forty-percent (40%) of our GDP comes from Metro Manila so iba ang situation ng Mindanao. Sa Mindanao, mas kailangan mo ng mas maraming taong tutulong, mas kailangan mo ng mga taong independent of their family leanings na tutulong because ang Mindanao ay nahuhuli when it comes to economic development.

Q: Hindi po ba kayo maaapektuhan kasi kayo Senator, Mayor si Mayor Rex, Congressman si Wes?

SEN WIN: Definitely, maaapektuhan kami. In fact, marami ang maaapektuhan. Marami sa Senado ang maaapektuhan. Kami rin, as a family, maaapektuhan but we welcome this development because we always believe that in one point in time, may mga bagong mukha na magagaling, mas experienced at we welcome that development. We believe that opportunities should also be given to those who want to serve.

Q: Sir, kasama rin yung ibang relatives mo dyan sa posisyon mo? Tama po ba?

SEN WIN: Yes, kasama rin although kami 2nd degree but nevertheless, whatever degree that will be discussed, ang importante dito ay mabigyan ng pagkakataon ang ibang magagaling at younger generations na mamuno.

Q: Sa inyo po Sir okay lang pero in reality, are you positive na lulusot ito?

SEN WIN: It will be difficult in reality. It will be a challenge because over the years ang dynasties ay lumalaki ng lumalaki dahil walang batas eh. So walang pumipigil ngayon sa mga pamilya na lumaki yung kanilang hawak sa kanilang pinamumunuan. So natural talaga yan, in fact, I read the statistics na ang dynasty ngayon is almost 70% of all elected officials because wala ngang batas na pumipigil. So naturally for these families na lumalaki sila. We also have to take into account ang generation, second at third generation na ngayon ang namumuno so habang lumalaki ang pamilya, mas marami rin ang pumapasok sa pulitika. I know for a fact na in some provinces, third and fourth generation na yung nakaupo doon so palaki na ng palaki.

Q: Dito po sa Senate, medyo open-minded ang amendments noh?

SEN WIN: Open-minded. Of course here in the Senate, we are looking not only on our jurisdiction but we're looking at it at a macro-scale. Buong Pilipinas ang tinitingnan natin in relation to development. Hindi na tayo Congressman na Valenzuela ang tinitingnan, kundi [Senador] na buong Pilipinas ang tinitingnan. Kaya nang pumunta tayo sa Muslim-Mindanao area, tiningnan natin ang sitwasyon at nakita natin na kailangan talagang magkaroon na ng anti-dynasty provision not only in Muslim-Mindanao but the entire country. Hindi naman fair kung isang region lang ang magkakaroon ng anti-dynasty. I think it will be fairer and more equitable kung buong Pilipinas ang magkaroon, para pantay-pantay.

News Latest News Feed