Press Release
February 15, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview
On TNVS and MRT issues
Feb. 15, 2018

Q: Ok ba sa inyo yung 65,000 na cap?

Poe: Alam mo ang totoo niyan kulang pa rin talaga. Marami pa rin ang nagrereklamo na hindi sapat yung serbisyo dahil kulang nga ng transportasyon. Pero sa ngayon payagan na muna natin na mairehistro na ang mga yan at saka natin buksan ulit. Ang malinaw dito, sinabi ni Chairman Delgra na after i-register nila yung 65,000 at may kakulangan, bubuksan naman nila ulit. Kaya lang ang dami kasing colorum ngayon na hindi pa narerehistro so unahin na natin na i-rehistro ang mga iyon.

Q: Ano ang nakikita niyong solution sa mga hatchbacks na 3 years papayagan silang bumyahe, then ano yung nakikita ninyong tama dito?

Poe: Yun naman ang sinabi namin, nagpapasalamat din sila na na-extend ng 3 taon. Siyempre mas mura din ang hatchback at yung kanilang amortization mas macocover nila kung talagang pagseseryosohan nila yung pagseserbisyo dito sa TNVS. Hindi natin malalaman pa kung mayroong extension after the 3 years. Sana magkaroon ng extension lalung-lalo na kapag nakikita naman na walang aberya at wala namang sakuna na makakasama. Siguro maaaring pagusapan uli iyan ng TNVS. Siyempre para sa akin yung mga napayagan na hatchback sana mas mapalawig ang kanilang pagkakataon na makapagserbisyo.

On MRT

Q: Sa MRT, on your part po kasi ano po ang pwedeng magawa kasi ngayon umaabot po tayo ng 3 trains nalang. Kahapon po 5 a.m. umabot po tayo ng 3 trains lang.

Poe: Talagang malaki ang problema diyan at alam naman natin iyon, dumadating na ang mga parts. Binibigyan natin ng pagkakataon ang DOTr na ikabit iyang mga parts na iyan pero siyempre hindi naman pwedeng isaksak na sabay-sabay iyan. So realistically siguro sinasabi nila end of February, bigyan naman natin sila ng hanggang March. Alam kong napakainit na ng ulo natin. Pero sa aming pagdinig, ilalabas na namin talaga yung mga may kasalanan nito kaya tayo nagka-abot abot sa ganito. Gustuhin man nating madaliin ito, ang totoo nito nagbunga ito dahil sa kapabayaan at sa pagiging kurakot umano ng mga hindi nagorder ng mga parts na kailangan natin. Pati yung mga Dalian trains, ako gusto ko na nga ipasauli yan e. Kailangan pang i-audit kasi kung isasauli natin at tayo ay magkakaso sa kanila, baka matalo pa tayo kung hindi makumpleto ang audit na sinasabi na talagang certifiable na hindi pwedeng gamitin ang mga ito. Napakalungkot ng sitwasyon ng ating mga pasahero dahil dito at talagang dapat may magbayad at makulong na.

Q: May mga pangalan na po kayo ma'am ng mga ilalabas niyo?

Poe: Oo naman, mayroon na.

Q: Sino ma'am?

Poe: Sa pagdinig.

Q: Going back to TNVS sa tingin ninyo enough na siya to meet the demand?

Poe: Hindi, sa aking pananaw ha. Agreeable din naman yung mga resource persons natin, kulang ang 65,000 pero sinasabi ko irehistro na natin ang 65,000 na iyon. Ang apela din ng LTFRB, huwag muna kayong bumili ng sasakyan para lamang sumali na TNVS kasi habang inaayos pa itong sinong mabibigyan ng prangkisa o sino ang mabibigyan ng permit, wag muna tayong padalos-dalos sa pag-invest kasi ang talagang layunin nito ay ride-sharing. Kung bibili ng fleet, kunwari ang isang mayaman bibili ng maraming sasakyan e mas lalong magkakagulo, taxi na yun hindi na yun ride-sharing.

...

Q: Distinction po ng ride-sharing at yung PUV, kelan po kaya natin makikita ang resolution kasi apparently wala pa po yung LTFRB, for your part po?

Poe: Para sa akin kasi ang ride-sharing talaga dapat malinaw na existing cars, malinaw na hindi pwedeng fleet. Pero may mga ibang bagay pa, yun nga ang sinasabi hindi pwedeng limitahan sa owner-driven. So yung mga bagay na iyon, LTFRB should really submit to us kasi ang Senate naman kasi, kami yung sa batas. Pero yung teknikal na depinisyon dapat yung mga eksperto kasi dapat sila iyon. Kung wala sila, kulang sila sa eksperto e di dapat humanap sila ng makakatulong sa kanila...

News Latest News Feed