Press Release
February 23, 2018

Ambush interview with Sen. Joel Villanueva re Bora woes, divorce, dismissed Coke workers, deployment ban, 'endo'

ON BORACAY ENVIRONMENTAL ISSUES

Q: Re review on the process of the application of environmental compliance certificate

Senator Joel Villanueva: Nagfile po tayo ng Senate Resolution No. 646 at nilalayon nating tignan at imbestigahang mabuti iyon pong nangyayaring patakaran ng ating DENR-- iyon pong pag-iissue nila ng environmental compliance certificate. Gusto rin nating makita kung ilan sa mga establiyementong ito po ang tahasang lumalabag sa ating mga batas at tulungan natin ang DENR kung kailangan nila ng tulong sa pagapapatupad. But, we have to find out kung ano nga ba ang ginagawang pagpapatupad ng batas ng DENR. 300 po ngayon 'yung pinageexplain, baka mas madami pa. 'Yung sewerage system talagang malaking problema. You're talking about 2 million tourists every year at least na bumibisita sa boracay, so you could just imagine the waste at yung mga basura na naroroon at kailangan ay mayroon tayong proper waste disposal. Ang isa pang nakikita natin at gusto nating tignan ng mabuti ay 'yung idea ng pagkakaroon ng moratorium muna, kung kinakailangan, na wala munang additional establishments unless nakacomply talaga, ang local government din doon. Ang bottomline po nito ay gusto nating pangalagaan yung isla, sagipin yung isla. I think even the locals there would admit na may mga pagkukulang po sila at kitang kita rin po natin 'yung pagkukulang ng national government sa pag-iimplement ng batas and so we will go there on March 2. We will have a committee hearing at muli ang bottomline nito ay kung paano po natin masasagip yung isla. Masisisiguro rin na yung mga maapektuhang 90,000 local employees o workers doon sa isla ay 'di naman basta basta na lang na mawalan sila ng trabaho. So, we have to have at least contingency measures if in case may mga isasara na establishments and of course dapat managot 'yung dapat managot.

Q: Mayroon po ba kayong mga iinvite na mga business owners from Boracay?

SJV: The Committee is chaired by Senator Cynthia Villar and I was told that she will be inviting 'yung mga associations ng mga establishment po doon. Of course yung DENR will be there, the local government units will be there. In the morning of March 2 we were told that we will be having an inspection, we'll go around and look at it and siyempre 'yun na nga yung sewerage system 'yun talaga ang kailangang pagtuunan ng pansin. Enough ba 'yung pondong inalalaan natin sa bilyon bilyong nakukuha ng ating gobyerno sa tourism sector na inambag ng isla ng Boracay? Ano ba yung naibabalik natin from the national local government's end? Gusto po nating makita iyan.

Q: Sir, kasi may mga lumalabas po na report na yung DENR po pinagaaralan nila na isailalim po sa state of calamity itong Boracay

SJV: There's a possibility and we want to see it for ourselves and importante ay una lahat tayo ay aware na may problema at maraming uma-admit ng kainilang kakulangan at weaknesses dito sa problema na kinakaharap ng isla ng boracay. Pangalawa, importante na i-layout natin ano ba ang mga solutions mga options available for us at from there hasain natin ang bawat isa sa atin lalo na yung nangangailangan ng immediate response from the national government

ON DIVORCE BILL

Q: Reaksiyon na pasado na ang Divorce Bill sa committee level sa House?

SJV: Nalulungkot ako dahil parang napakabilis, mabilis pa sa alas kuwatro ang pagpasa nitong bill na ito ngunit makakaasa po kayo na sa Senado paguusapan ng husto ito, at siguro hindi po Joel Villanueva 'yung pangalan ko kung papayagan kong pumasa po ito doon sa Senado. Pero we're not an extremist, we are looking at this objectively. Iyon pong annulment for instance, it has become anti-poor. Ang sa atin lang maging pantay po itong proseso na ito na hindi po anti-poor. Yung marriage po it's a scared thing and pasensya na kung babanggitin ko yung sinabi ng bibliya na, 'What God has put together, let no man put asunder'. But of course, God is not in the box which means na 'pag binubugbog ka na ng asawa mo, hindi na healthy 'yung relationship, nagkakaroon na ng masamang epekto sa mga anak, kaya talagang mayroon na tinatawag na annulment but it cannot be like a drive thru of a fast food chain na anytime you feel like leaving your husband or leaving your wife ganoon na lang po iyon. Tayo pong mga Pilipino yung salitang sagrado po sa kasal ine-embrace po natin at pinahahalagahan bilang pamilyang Pilipino so I think hindi dapat mawala yung ating pagpapahalaga sa sagradong sakramento ng kasal.

Q: ibig sabihin po ba nito medyo maliit yung porsyento na papasa ito sa senado? Kasi si Senator Tito Sotto sabi niya medyo tagilid daw ito sa senado.

SJV: You know, I cannot speak for my colleagues but it's definitely over my dead body.

ON DISMISSED WORKERS OF COCA COLA

Q: Mayroon pong rally kahapon yung mga Coca Cola dismissed workers na natanggal dahil daw po sa impact ng TRAIN law?

SJV: Una, bilang pinuno ng committee on labor and human resources development, kailangan masiguro muna natin na tama ang proseso na ginagawa ng kumpanya sa pagtatanggal ng kanilang mga empleyado. Pangalawa po, importante na ang pamahalaan natin na as we cautioned during the deliberation ng TRAIN ay handa tayo sa mga maaring maganap na epekto nitong mataas na buwis na ipinapatong natin.

SJV: But you know during our studies at that time noong sa sugary beverages talagang tayo na lang talaga yung pinakamura dito, parang dalawa bente singko yung high fructose corn syrup and mahalaga na maintindihan ng ating mga kababayan na that particular part let me talk about that particular part it's a health measure eh. Napakaraming may diabetes dito sa atin, napakataas ng sugar intake ng ating mga kababayan lalo na 'yung ating mga kabataan na walang pakundangan uminom ng softdrinks. At alam natin na hindi ito maganda sa katawan natin and at the end of the day, kulang yung facilities natin sa health sector at sa hospitals natin all over the country, and that's the reason why na yung part na makokolekta from this particular item, dapat dalhin talaga sa health sector.

SJV: When it comes to the job security ng ating mga kababayan importante na may programa ang ating pamahalaan kagaya ng pagdinig natin na iyan ang ating pinuntirya dahil ayaw nga natin na maging polisiya na magexport tayo ng laborers kung 'di natin kayang protektahan, kagaya ng nangyari kay Joanna demafelis. So, it is the duty of the government and of the state to have that kind of policy na mayroon talagang naghihintay na trabaho para sa mga kababayan natin dito it's been growing. Filipinos who go abroad right now it's about 6,000 Filipinos who go abroad every single day and it's unacceptable it means we really have to do more insofar as job creation is concerned in the country.

ON DUTERTE EYEING DEPLOYMENT BAN IN OTHER COUNTRIES

SJV: Well, how can we allow our OFWs to go to a country that implements kafala system at tinawag ko ngang kafala ng mukha ito dahil yung kafala ay modern day slavery scheme-- Itinatago yung cellphone, itinatago yung passport, pina-padlock yung ating mga kababayan and if this is happening not only in Kuwait but even in other countries right now, as I've mentioned in the last hearing, dapat may red flag na 'yan dapat ang POEA, ang DOLE even the Department of Foreign Affairs should caution and recommend the deployment ban of our kababayans.

Just for example, in Kuwait, klarong klaro doon sa mga household service workers and for me very, very, very passionate ako doon na talagang magkaroon ng deployment ban ang mga household service workers. But now, when you talk about engineers , doctors, even skilled workers na mga magaganda naman ang kontrata, maayos na kontrata. Habang tuloy sila, siguro pag-aralan mabuti baka naman sa sector na iyon baka pwede nang i-i-lift.

ON END ENDO BILL

Q: Kumusta na po yung 'endo' bill sa senado ngayon

SJV: When you talk about the 'endo' bill we have finished that matter in the committee level. we are in the technical working group we have been consulting and coordinating with the stakeholders.

Narinig na natin nang husto halos araw araw 'yung daing ng ating mga kababayan sa labor sector of course we want to listen din sa ECOP, sa PCCI, sa mga employers dahil importante dito, we need to strike a balance and that's what I promise to bring in the plenary sa senado-- isang balanseng panukalang batas na naglalayong protektahan ang ating manggagawa but at the same time hindi to dissuade ang mga investors natin na mamuhunan dito sa Pilipinas dahil kailangan pa rin natin ng mag-create ng trabaho without sacrificing or compromising young protection ng ating mga manggagawang Filipino.

Q: Maipapasa po kaya ito ngayong 2018?

SJV: That's what I am hoping for and siyempre gustong gusto po natin na itong mga evils ng 'endo' ay matigil na lalong lao na sa mga sector na 'yung mga saleslady, 'yung mga nasa kumpanya, 'yung 555 scheme na after 5 months tatanggalin and few months later iha-hire ulit at walang benepisyo pa rin. And siguro tignan natin nang husto lalong lalo na 'yung gobyerno, dahil ang gobyerno ang number 1 violator ng 'endo'. 'Yan ang unang una natin tignan. Right now there's about 600,000 employees na job order, walang security of tenure kaya iyan ang una nating tignan ng mabuti.

News Latest News Feed