Press Release
March 1, 2018

TRANSCRIPT OF POST-HEARING INTERVIEW OF SENATOR FRANCIS PANGILINAN WITH CEBU MEDIA, 01 March 2018

ON CHA-CHA

SEN. KIKO PANGILINAN: Maybe two or three hearings after that before we complete ang ating consultations on public hearings and then prepare the committee report. So ang timeline natin, we're looking at maybe by the end of March pero by then, we will have a better sense dahil meron pang ibang pupuntahan.

Q: What is your impression from today's hearing?

SEN. KIKO: Well, ang impression ko ay: 1. Ayaw nila ng constituent assembly. Kung mag cha-charter change man kinakailangan constitutional convention; 2. Maliwanag ang nais ng ating mga kababayan dito sa Region 7 ay dapat madagdagan ang pondo ng mga local, hindi dapat naka-concentrate ang kapangyarihan ng resources sa Luzon o kaya sa Manila. Yung iba nagsasabi na dapat daw dahil dito, dapat liberalism. Yung iba naman nagsasabi itulak lang ang pag-amyenda ng Local Government Code para mas maraming pondo ang mapunta sa ating mga kababayan sa mga kanayunan.

So eto ngayon, ang ilan sa mga nakita natin. There seems to be clearly may ayaw ng con-ass at mayroong, sabihin na natin, issue of mistrust kung ang mga politiko ang mag-aamyenda ng Saligang Batas.

Q: If you compare po sa first hearing dun sa CDO, may mga additional inputs po ba na...

SEN. KIKO: Well, mostly the same eh. Ang sentiment makikita mo ay split. Meron ding concern. Marami ang hindi pa nakakaalam sa usapin ng charter change. Hindi naiintindihan at hindi nauunawaan kung gaano o ano ba talaga ang mangyayari dito sa charter change na ito. Hindi din masyado nauunawan ang Federalismo. Information dissemination is also critical. So many are still unaware precisely what is this all about. Therefore it is really a challenge for us in the Senate, as well as ang media, to help us in disseminating information dahil sa huling banda, ang papasa neto ay ang taong bayan. Ang mahirap naman ay ang mag papasa eh hindi nila nalaman o hindi nila malaman, o hindi malalim ang pagkakaintindi sa mga amendments na ito.

Q: Clarifications pa po, ano po yung time frame na last...

SEN. KIKO: Well, preparation on the committee report, cause after this, the report will either say we support charter change, we don't support charter change. [Or] ang committee report will say it has to be con-ass. We would like to be it concon rather than con-ass. Then the committee can also say hindi dapat charter change- mas mabuti ng i-amyenda ang Local Government Code, dito na lang ilagay ang pondo. These are the issues na pe-pwedeng lamanin nung committee report na ito.

Q: After that report..., what is next?

SEN. KIKO: We will present it on the floor and we will debate it. Pag nakakuha tayo ng mayorya, isusubmit yan sa floor, mag-dedebate sa floor. We can either adapt it, amend it, reject it. So ayun yung mangyayari jan.

Q: When will be the joint position in...

SEN. KIKO: Wala pa. Wala pa ngang katiyakan kung ang House of Representatives ay papayag sa voting separately eh. Eh kasi kung sasabihin nila na voting jointly, hindi papayag ang Senado.

ON NFA RICE

Q: Senator, I understand you supported the move to investigate yung lack of NFA rice. Ano pa po yung mga progress or...

SEN. KIKO: Yes. Well, nakita natin yung maraming problema ang NFA na dapat maipaliwanag. Base sa datos na sinumite nila dun sa hearing, nung panahon na wala na yung NFA rice sa mga retailers- kasi yung NFA rice dapat yan binebenta sa mga retailer ng P25 at P30 tapos pinapatungan ng mga retailers ng P2 para maging P27 ang kilo, at P32 ang kilo. Dapat ganon ang gawain ng NFA. Pero ang nangyari dito, naglabas sila ng increase ng up to 245% increase sa paglabas ng NFA rice. Pero walang NFA rice sa merkado. San napunta? Sabi ng isang retailer dito sa region 7, sila ang pumupunta sa mga trader dahil yung NFA rice binili na nila nung wholesale ng mga trader. Hindi binenta sa retailer which is against the law. The NFA rice must be available to all accredited retailers ng NFA. You don't sell the NFA rice to traders outside dahil ang nangyayari ay nire-rebag, bibilin ng P25, bibilin ng P30 kasi yan ang benta eh. Yan ang binebenta sa retailer eh, pero ang ano ay... ibebenta ng P25, hindi sa retailer kung hindi sa trader. Tapos ang trader hahaluin sa commercial rice at ibebenta na P45 edi anlaki ng kinikita.

Q:....

SEN. KIKO: That would be anti-graft. And kung malaking halaga yan. It is a corruption and a graft case. Tapos yung smuggling, sabi dun sa NFA hearing, tinanggal na ng NFA ang mga inspector nila sa mga port. Oh, eh papano ito? Kayo, NFA ang nagsasabi na magdadala kayo ng total of 250 metric tons or rice, thousands of metric tons, meron sa port of Cebu, meron sa Port of Manila, meron sa Port of Batangas, iba-ibang halaga yan. Kung wala nang NFA sa port, paano nila malalaman na 20,000 ang dinala doon. Eh kung 25,000 ang dinala doon. So smuggled yung limang libo? Eh wala sila don. Hinihintay nila. Tinanggal nila. So ano to? Is this because they want to support smuggling? Because dapat ang NFA lang ang mayroong permit na binibigay sa mga importer eh. At nandun nakalagay ang halaga, eh paano nila malalaman yung pumasok na halaga sa import at hindi mas marami at mayroon na nag-smuggling kung wala na sila sa port.. So these are some of the mga issue na hiningi natin ang paliwanag ng NFA. Meron pang isa, yung isang concern namin, sinabi namin na ... taga region 7, eh wala na raw NFA rice, binenta na raw sa mga trader, at yung mga trader naman pinupuntahan ng NFA retailer. Para makabili sila, para sa kanilang mga stalls. Eh bakit napunta sa ano? Ang sagot ng NFA administrator ay baka naman daw ... o ebidensya. Eh pag ako yun, ako yung NFA administrator, sasabihin ko, we will look into this and we will investigate. Kung totoo nga yung mga regional directors ay involved dito sa pag benta. Hindi ba? Sa halip na sabihin na, eh wala namang ebidensya.

Q: Is that economic sabotage?

SEN. KIKO: Yung smuggling. Pag smuggling, economic sabotage yun.

Q: Yung pag benta?

SEN. KIKO: Uhm, well I don't know the figures. We will have to look into it.

Q: Sir, si Senator Grace Poe, she mentioned na sana mag resign na lang si administrator...

SEN. KIKO: Ang ano ko dyan is, unless he is able to explain, cause we asked him. Binigyan natin siya ng chance na magpaliwanag dun sa mga pinaparatang sa kanya. And the explanation is unacceptable. Yes maybe he should resign. So let us wait for his explanation. If he was not able to explain it, dapat siguro magbitaw na lang siya. Who can do the job better take over it.

Q: Ano na po ba yung status sa investigation regarding yung sa issues sa NFA rice?

SEN. KIKO: Pinapaliwanag natin si NFA administrator dun sa mga disparity: Nasaan napunta yung NFA rice? Bakit two days na lang ang ating buffer stock? Paano nangyari na ang report nila sa NFA Council nag-increase sila ng NFA presence sa merkado through the retailers by 245% pero wala naming makitang NFA rice sa merkado? San napunta ito? So ayun yung mga hinihintay natin na ipapaliwanag niya at isusumite yung mga supporting documents.

Q: Yung mga ... sir? Only region 7? And other areas of ....?

SEN. KIKO: Well we only got the manifestation from Regions 7, 8 and 9 kay Mayor Alegado. She was there in the hearing. But I'm told na wala nang mahanap na NFA rice sa merkado. Ang NFA rice is P27 pag 25% broken and P32 kung 15% broken. Kaya mura yan kasi nga walang tax yan. Gobyerno ang nagpasok niyan, at sa halagang mas mura dahil hindi nagbabayad ng buwis. Kaya kayang ibenta ng mas mura. Kaya mababa. Ang nangyari ngayon, hindi ganon yung situation. Wala nang NFA rice, at ang malungkot dito ay ang pinakakawawa dito ay ang ating mga kababayan dahil ngayon ang presyo ng commercial rice P44 or P45. So that's P27 + another P15 na isang kilo tapos ba-biyahe pa siya para bumili sa palengke another P15. So dun pa lang lumaki na yung gastos ng mga kababayan lalo na ang mahihirap at eto ay hindi tama.

News Latest News Feed