Press Release
March 2, 2018

Dispatch from Crame No. 251:
Pahayag ni Sen. Leila M. de Lima ukol sa mga imbentong paratang laban sa kanya

3/2/18

Nakita ko po yung Feb. 25 Twitter post ni Nancy Carvajal hinggil sa pag-amin nung close driver/bodyguard ni Kerwin Espinosa na diniktahan lang sya na i-ugnay ako sa amo nya.

Simula na kaya ito ng tinatawag kong "truth telling" na matagal ko nang hinihintay?

Sana po.

Dati ko na pong alam at matagal ko nang sinasabi na gawa-gawa lang lahat ang pagsasangkot nila sakin sa iligal na droga.

Tungkol kay Kerwin Espinosa na hindi ko naman talagang kilala, alam rin po ni S/Supt. Jovie Espenido na wala akong kinalaman sa kalakaran sa droga at pilit lang nila akong sinangkot sa usapin ng mga drug dealings ni Espinosa. Hindi nya po siguro aaminin yan, sa ngayon. Pero alam ni Espenido ang katotohanan.

Ganun din sa Bilibid drug trade. Lahat ng mga paratang nila na diumano'y sangkot ako o kasabwat ako ng mga drug convicts ay malaking kasinungalingan at panlilinlang sa taumbayan.

All those so-called witnesses who testified and will testify, linking me to the illegal drug trade have been pressured, threatened or otherwise induced and coached into lying. Kailangan nilang magsinungaling para sa pansariling pag-iingat o pangangalaga (self-preservation) at para rin sa kaligtasan ng sarili nila at ng kanilang mga pamilya at manatiling buhay.

May mga trumabaho po sa kanila, sa utos na rin ni Duterte.

Matindi po ang kasalanan nila, hindi lang po sakin kundi lalong-lalo na sa sambayanang Pilipino.

Hindi man sila mapanagot sa ilalim ng batas ng tao, hindi ho sila makakalusot sa pagpapanagot ng Poong Maykapal. No one escapes Divine justice.

News Latest News Feed