Press Release
March 13, 2018

TRANSCRIPT OF POST-HEARING INTERVIEW OF SEN. FRANCIS PANGILINAN, MARCH 13 CHA-CHA HEARING

Sen. Pangilinan: ... marahil nakikita nila na mahalaga sa ating demokrasya ang ituloy ang eleksyon, at marami dito ang nag kekwestion nung motibo ng mga panawagan para magkaroon ng postponement ng election. Wala tayong narinig na sumosoporta, hindi lang nabanggit ni Senator Pimentel pero dun sa kanyang submitted position paper, hindi din siya pumapayag sa deferment ng May 2019. So ayun ang medyo komplikado ngayon dito. Saan natin ilalagay ang tamang takdang panahon para baguhin ang saligang batas dahil kasama sa usapin nga nito ang magkakaroon ng panibagong eleksyon kung eto ay maaprubahan. Yung pederalismo, yung mga kandidato etc. habang palapit na, mga less than, a little over a year na lang, a year and a few months na lang ang ating May 2019 elections.

Q: Sir, yung isang panukala nung isang scholar ... (inaudible) ilagay yung .... (inaudible) Na hindi pwede talaga pwedeng tumakbo si Pangulong Duterte, hindi ....

Sen. Pangilinan: Well, syempre nakikita natin ang concern, eto ba ay katulad ng mga nakaraang pagkakataon na ginamit o nagkaroon ng puwang para malift yung term extension, o ang term limits kahit sa Pangulo. Hindi lang sa Pangulo, pati nga sa miyembro ng Senado at miyembro ng House of the Representatives. So laging issue yan na eto ba ay Federalismo, o eto ba ay para mapalawig ang termino ng mga nakaupo. So..

Q: Pano matitiyak iyon? Na hindi magagamit?

Q: Are you in favor here? To put a ban on the sitting president to be able to run again under the... (inaudible)

Sen. Pangilinan: Well I have to study it but obviously, the current constitution provides that, I don't see why it should be lifted. Ang saligang batas ngayon ay mayroong prohibition ng re-election, one term lamang ang acting Pangulo and ako I don't see any reason why we should tinker with that.

Q: How about Sir for Senators and House members?

Sen. Pangilinan: Same, same, kung kami ang magpapasa diyan hindi tayo papayag na gamitin natin ang ating pagiging Senador or Kongresista para magpasa ng mga mungkahi na kami mismo ang makikinabang. Hindi ito tama, ito ay makasarili, at dapat ito ay tutulan ng ating mga mamamayan kung ito man ay imungkahi ng iba.

Q: In favor din po pala kayo sa proposal consultative committee to regulate politcal dynasties up to the second degree?

Sen. Pangilinan: We are already preparing our Committee report, ako po ay tinalaga bilang acting, well, bilang chairman ng komite para sa bill na ito, yung anti-dynasty bill. Tapos na yung draft, ipapa route na natin ito and hopefully we'll be able to sponsor it at sana kung hindi next week, at least ma ifile na ito para pagbalik natin sa June, ay maumpisahan ang sponsorship ng anti-dynasty bill dito sa Senate.

Q: More or less pareho rin ba kayo?

Sen. Pangilinan: Ang lumalabas ay up to the second degree ang prohibition, whether sabay sabay or sunod sunod.

Q: Do you think they should be the priority instead of an overhaul kasi kanina pinag uusapan yung mga pre-conditions .. (inaudible) We should focus for now on this pre condition is like the political dynasty?

Sen. Pangilinan: We are doing that, at least on the part of the Senate and on the part of the committee on electoral reforms tinutulak na natin itong anti-dynasty provision, 'yung ibang mga provision at ibang mga rekomedasyon ay susuriin pa natin.

Q: ...

Sen. Pangilinan: Tignan natin, pati nga sa Senate kinakailangan din natin na itulak ito nang husto. We will see. Sa atin ang mahalaga inumpisahan natin, sana, magkaroon ng suporta.

Q: Sir kung yung deadline... (inaudible) kaya ba ng congress yung ... (inaudible)

Sen. Pangilinan: It's too tight. And I don't think... hindi dapat siguro madaliin ito, kung Charter change ang pinag uusapan at pwersahan na October 2, sa palagay ko malaking disservice ito sa ating mamamayan. Hindi naman dapat minamadali, para bagang ano ba ito, atat na atat nating ipasa ito, para may pakinabang tayo dito? I think October timetable is too short for us to be able to get... assuming that we go to Charter change and have it presented to the public by October this year with far reaching effects and a major overhaul ng ating sistema ng pamamahala. Masyadong minamadali, masyadong mahirap.

Q: ... (inaudible) when is supposed to submit it by July so ... (inaudible) because he wants to wait for the findings of the consultative committee?

Sen. Pangilinan: What do you mean of?

Q: Kung ano po yung timetable sir

Sen. Pangilinan: Kelangan kong konsultahin ang ating mga kasamahan sa senado, although some are already saying, ilan sa mga senators already said na baka dapat antayin na din natin ang recommendations ng committee. Eh 'pag June yan, so July... we will have to adjust then ang ating pag p-presenta ng ating committee report.

Q: Pero kayo would you prefer to wait for the consultative committee's recommendation?

Sen. Pangilinan: I'd like to hear them out, I don't have, kumbaga, out of courtesy dito sa hakbang ng Pangulo. Magandang makita din ang inputs nila.

News Latest News Feed