Press Release
April 12, 2018

Sen. Bam on Dengvaxia report, increase in prices of rice and 2019 elections
(Transcript of media interview)

Sen. Bam: Well, unang-una, palagay ko mahalaga na ang mga pinuno natin sa ating bayan, laging malapit sa mga concerns ng ating mga kababayan. Dito, ang pinaka-concern nila ang presyo ng bigas na napakalaking parte ng budget ng ating mga kaibigan dito.

In fact, ang isang speaker kanina, nagsabi siya na practically isa o dalawang beses na lang sila kumakain sa isang araw dahil sa presyo ng bigas. At patuloy po natin itong binibigyan ng pansin sa Senado. Of course, ang pagtaas ng presyo ng bilihin, isa rin pong major concern sa maraming mga tao dito. Hindi lang yung mga tindahan, pero pati rin ang mga namimili. Ang kinikita nila sa isang araw, napakaliit na po ng kayang mabili. Ang pangatlong pinakamalaking issue dito ang posibleng paglipat ng mga residents dito. May isang malaking proyekto na pinag-uusapan, na baka kinailangan po silang palipatin. At siyempre ang nais po nila, within the city po ang kanilang paglilipatan. At sabi ko nga, ang ating pagtingin sa housing, dapat magbago.

Hindi lang namin nagagawang mga bahay, pero itong mga lugar na pinaglilipatan, dapat may kuryente, merong tubig, at malapit sa trabaho ng mga tao. Kasi kapag ililipat sila sa mga lugar na wala rin namang trabahong maibibigay, baka mas lumala pa ang kanilang sitwasyon. So may mga solusyon naman po rito. Mahalaga lang na binibigyan ng pagpapahalaga ang mga residente at ang mga tao. Hindi lang sila binabalewala at tinatanggal.

So may mga bills na silang na-raise, they talked about some Senate measures na kailangan po nilang itulak, at nag-commit naman tayo na either magpa-file po tayo, or susuportahan po natin ang mga panukalang naka-file na rin, para mabigyan ng proteksyon ang ating mga kaibigan dito.

Q: Sir, natanong po nila ang tungkol sa bigas. Tapos kanina sa pag-uusap sa kanila, sa tingin niyo, may committee (inaudible) ng NFA Rice. Kasi itong NEDA, ang sinasabi niya, parang gusto na nilang alisin ang commercial function ng NFA. Kayo po ba, sa tingin ninyo, paano po ito maa-address? Ito ba ang tamang solusyon?

Sen. Bam: Well, ang unang unang kailangang gawin ay kailangan magkaroon ng stock ang NFA. Isang taon na nilang hindi nagagawa ang trabaho nila, at isa na nga tayo sa nagpapabitiw doon sa NFA. Hindi po ang NFA Council, pero ang NFA mismo, hindi nila nagagawa ang trabaho nila. Kaya meron tayong kakulangan ng murang bigas sa ating palengke. Maraming bigas, pero napakamahal naman nito. Mabigat na po siya sa ating mga kababayan. They need to do their jobs. Kailangan po mapunuan ang 15-day stocking na iyon. Ngayon, may plano na mag-import, pero kahit ang importation na iyon, ilang araw lang po iyan sa pangangailangan ng NFA. Kailangan ng mga totoong reporma doon sa ahensiya para masigurado na meron tayong murang bigas para sa ating mga kababayan. More than a year na ito, so palagay ko lubos lubos na ang oras na para maayos ang problemang ito. Hanggang ngayon, nagtuturuan pa rin sila. Maraming mga rumors, mga nagbibigay ng impormasyon sa mga Senador, na merong mga kumikita dahil dito sa kakulangan ng murang bigas sa ating mga palengke. At palagay ko po, kailangan iyon ipagpatuloy sa aming imbestigasyon.

Q: (inaudible)

Sen. Bam: Maraming mga posibleng gawin. Kapag tinanggal niyo ang commercial function, magfo-focus po ang NFA doon sa mga relief operations, sa disaster. Ang pinakamahalaga po sa taumbayan, merong murang bigas sa ating merkado. At maraming paraan kung paanong puwedeng ma-achieve iyan. Ang kataka-taka lang sa akin ay naghintay tayo ng isang taon para mabigyan ito ng isang solusyon. Isang taon nang tumataas ang presyo ng bigas, ngayon lang natin binibigyan ng pansin. Dapat maaga pa lang, nabigyan na iyan ng pansin. Nung bumaba po ang stock ng NFA March of 2017, dapat may action na iyan. At nag-antay po tayo ng ganito katagal, nagtuturuan pa rin, wala pa ring malinaw na solusyon. Ngayon na mabigat na sa ating mga kababayan, ngayon pa lang po gumagalaw ang gobyerno.

Q: So sa tingin niyo, sir, dapat tanggalin ang commercial function ng NFA?

Sen. Bam: Maraming puwedeng solusyon, at napag-uusapan namin ito sa mga hearing. Na ang isa, tanggalin na ang NFA completely, ang isa, tanggalin na ang ibang functions ng NFA. Right now, ang pinakamahalaga sa taumbayan, magkaroon ng murang bigas sa ating mga palengke. At iyon siguro ang dapat unahin natin na bigyan ng solusyon.

Q: Na mag-restock sila?

Sen. Bam: Na mag-restock sila. At maraming paraan iyan. Importation is one, pero ang isa, hanapan nila ng paraan na bumili sa ating mga magsasakang Pilipino. May mga probinsya po, may mga subsidy programs na nagagawan nila ng paraan. Hindi ko maisip, isang taon na, wala pa rin silang solusyon dito. At iyon mismo ang trabaho nila. Kaya maraming nagsasabi, siguro may ibang interes kung bakit hindi nila nagagawa ang trabaho nila. At nagsisitaasan na ang presyo ng bigas sa ating merkado.

Q: Sir, on another matter po. Yung sa Dengvaxia po, sabi ni Senator Gordon, nagsusubmit na po ng report, mukhang (inaudible) po ni PNoy...

Sen. Bam: Well, unang una, hindi pa namin nakikita ang official committee report. But coming from the press con yesterday, palagay ko hindi naman psychic siguro si Former President Aquino, na malalaman niya na magbabago pala yung Dengvaxia a year later. I think talagang malinaw naman sa mga hearing na nung binili ito nung 2015, iba yung sinabi ng Xanofi Pasteur na wala itong negatibong mga puwedeng epekto sa ating mga bata. So, yun siguro ang nakapagtataka. Wala namang pinag-usapan na kumita, wala namang pinag-usapan na alam naman nila na ganito ang epekto, and yet, sila pa rin ang may pananagutan. So palagay ko, iyon ang isang bagay na concern namin. Kapag nakita namin iyan sa formal committee report, and palagay ko that's really a cause for concern. Ang isa lang sigurong maganda sa press con kahapon, nilinaw na ni-isang bata, wala talagang namatay dahil sa Dengvaxia. Sabi nga, puro possible death lang po ito. So, iyon ang isang lumabas sa press con yesterday, na wala talagang kumpirmadong napaslang na bata dahil sa Dengvaxia.

Q: Sir, given na yun, wala naman pong kompirmadong namatay, sa tingin niyo, may basehan yung mananagot?

Sen. Bam: Well, again, kapag sinabi mo kasing graft, ibig sabihin, may kumita. And wala namang napag-usapan during any of the hearings na nadaluhan ko. So, palagay ko, ito'y isang committee report na kailangan pa sigurong ipagdebate sa Senado.

Q: Sir, tingin niyo may bahid ito ng pulitika? Siyempre, ngayon, kahit naman malayo po yung 2019, napaguusapan na rin...

Sen. Bam: Well, alam naman natin na ang favorite punching bag ng administrasyon, ang mga nakaraang mga pinuno. So hindi naman ako nagtataka na ganun pa rin ang nangyayari sa issue na ito. At makikita natin iyan, hindi lang naman itong report, pero kahit ang ibang mga ahensiya, tila ginawang punching bag na talaga ang mga nakaraang mga pinuno natin. So, palagay ko wala namang nagulat doon.

Q: Kamusta po pala yung lineup ng LP for the 2019 Senatorial elections?

Sen. Bam: Well, pinag-uusapan. Palagay ko, importante at malinaw na kailangan ng oposisyon. Kitang-kita mo naman dito sa napuntahan nating kamustahan, kailangan ng mga tao na maninindigan para sa mga mamamayan, na magiging representative nila, at magiging boses ng taongbayan. Marami sa mga concerns nila, hindi na nakakaabot sa national press, hindi na nakakaabot sa Senado. Kailangan ng mga tao na titindig, at hindi matatakot na panindigan ang mga issue ng mga kababayan. At palagay ko po, puwede iyan sa susunod na opposition slate in 2019.

Q: Sir, ano yung challenges in forming this genuine opposition, given itong political climate?

Sen. Bam: Siyempre, ibang klima ngayon ang ating pulitika. Nakakatakot nga, sabi nung iba. Mahirap lumantad. Pero palagay ko, ang taumbayan, kapag talagang pinahihirapan na, at kapag talagang nararamdaman na po ang mga pasakit, kailangan talaga magsama-sama tayo. Siguro kapag nagsasama-sama ang taongbayan, kami pong mga pinuno, mas magkakaroon kami ng lakas na loob na lumaban at manindigan.

Q: Sir, sinu-sino po ba yung mga kasama niyo?

Sen. Bam: Maraming mga pag-uusap, so ayoko pangunahan. Pero magugulat ka kasi hindi ito yung mga traditional na mga pangalan. May mga ibang pangalan mula sa iba't ibang sektor, mula sa mga NGO, mga simbahan- iba iba. But ang mahalaga, lahat ng mga nagiisip na kailangan pa rin ng oposisyon sa ating bansa, yun ang dapat magsama-sama. Kahit sabihin nating in the past, hindi magkakaibigan, o hindi magkakapartido, ngayon siguro ang panahon na kailangan talaga tayo magtulungan at magsama-sama.

Q: May mga newcomers, sir?

Sen. Bam: Halo-halo.

Q: Eh galing sa *inaudible*?

Sen. Bam: Again, ayoko pangunahan, kasi the talks are still ongoing. Pero ang importante, lahat ng iba't ibang mga grupo, kung ano pa man ang naging ating past, iniwan na natin ang nakaraan. Ang importante po, nagsasama-sama tayo para magkaisa, na magkaroon ng genuine opposition dito sa ating bansa.

Q: Sir, we had an interview with Rep. Gary Alejano, sabi niya parang he's open na yung LP, Magdalo, ay Tindig Pilipinas. Kayo po ba?

Sen. Bam: Right now, ang magiging porma ng oposisyon, hindi lang isa o dalawang partido. Ito ang mga galing sa iba't ibang mga grupo, iba't ibang mga sektor. Kahit masabi natin baka in the past baka nagaaway-away, pero ngayon kailangan magtulungan at magsama-sama na rin. So ang bagong mukha po ng oposisyon, ang taongbayan. Hindi lang po yung mga politiko.

News Latest News Feed