Press Release
May 4, 2018

Sen. Bam on China's deployment of missile systems on 3 PH-claimed reefs

Ang paglalagay ng missile sa pinag-aagawang teritoryo ay siyang sukdulan ng ilang buwang pagpapabaya at pagbalewala ng pamahalaan sa isyu ng China.

Hindi pinahalagahan ng Malacañang ang kasarinlan ng ating bansa kaya naisantabi na rin ang kaligtasan nating mga mamamayan.

Muli nating hinihiling na maging bukas na ang administrasyon sa mga kasunduan nito sa China upang patunayan na hindi natin isinuko ang ating teritoryo at iba pang yaman sa pagkakaibigang ito.

News Latest News Feed