Press Release
May 8, 2018

Sen. Bam on TRAIN Law, China missiles and DOT corruption issue
(Transcript of media interview)

On the Senate Hearing on TRAIN and inflation

Bukas po mayroong hearing ang Committee on Economic Affairs ni Senator Gatchalian. We'll also file a resolution tungkol sa inflationary effects ng train; gusto po natin malaman kung ano po yung naging epekto ng TRAIN doon po sa ating mga mamamayan, sa amin pong pag-iikot sa mga iba't ibang areas at yung iba po sa inyo nakasama po sa akin, umaalma na po talaga ang taumbayan dahil sa presyo ng ating mga bilihin. Tumaas na nga po ang presyo ng bigas dahil sa mismanagement po ng NFA, tumaas na po yung presyo ng gasolina at nagtaas na rin po ang presyo ng iba't ibang mga bagay-bagay na binibili po ng ating taumbayan.

We're happy that this hearing is happening tomorrow, gusto po nating malaman yung pagtaas ng presyo, sobra-sobra na po ba ito doon sa kakayanan ng taumbayan. Sa amin pong pag-iikot, parang ganoon na po ang lumalabas; hindi na po kaya ng taumbayan yung pagtaas ng presyo dahil po sa TRAIN, dahil po sa pagtaas ng bigas at iba't iba pang mga nangyari po in the past few months. Gusto po naming malaman from tomorrow kung baka panahon na po na ipa-suspend na po muna natin yung excise taxes natin upang magkaroon naman ng breathing room ang ating mga kababayan, at kitang-kota po natin na talagang mabigat na po masyado itong presyo po sa ating bansa. Pangalawa, gusto po nating malaman kung iyong P200 per month na programa ng gobyerno, kung napapatupad po ba ito o hindi kasi ito po ang naging pangako po sa amin na mayroong tulong na maibibigay sa mahihirap nating mga kababayan kasabay po ng pagtaas ng presyo ng bilihin. Sa pagkakaalam po namin and we want to confirm this tomorrow, hindi pa ito napapatupad ng ating gobyerno, less than 20% palang ang nabibigyan nila ng tulong at dapat po 10 million families po iyan ang nabigyan starting in January.

So we want to find out kumusta po yung implementation nung financial assistance, kumusta po iyong pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kung ito po ba'y sobra-sobra na sa kakayanan ng ating mga pamilya na magbayad po para sa kanilang araw-araw na gastusin; ito po yung gusto po nating malaman bukas at palagay ko kung talagang sobra-sobra na po ito, there might be a need to review or even suspend ito pong batas na ito na napakalakas at napakataas ang naidulot sa pagtaas ng presyo ng ating mga bilihin.

Q: Sir nakita sa ginagawa niyong pag-iikot na may benefits naman daw ang taxpayers...

Sen. Bam: Iyong urban poor na kababayan natin, wala naman silang benefit. Unang-una kumikita sila sa informal economy. Wala naman pong take home adjustment ang ating sari-sari store owner, tricycle driver. Wala naman silang makikitang pagtaas ng take home. Pangalawa, kung mayroon pong may suweldo, minimum wage earners sila. At ang minimum wage earners natin, walang nakitang pagtaas ng take-home pay. Ang talagang natatamaan nito iyong pinakamahihirap sa ating bansa na nakakarami. Sila ang nakararami, sila ang dapat mabigyan ng ayuda. Ang tanong, ito pong bang financial assistance, nakakaabot po ba sa kanila? Parang hindi. Pangalawa, ang pagtaas ng presyo, ito ho ba talaga, kailangan nating gawin, na ang burden sa ating kababayan, napakatindi, sinabayan mo pa ng pagtaas ng presyo ng bigas.

Q: Sinong mga officials na pinatawag ng committee?

Sen. Bam: You'll have to ask the committee. Palagay ko Department of Finance, maybe the Department of Trade as well, iyong nagko-consumer price check. Maybe NEDA also. As we know, iyong inflation po ngayon, is all-time high. Noong panahon na nagde-decide ang Senado sa TRAIN, nabanggit ng DOF tataas lang daw ng 0.7 percent iyong inflation at nakita natin na lampas-lampas sa .7 percent ang itinaas ng inflation ng bansa.

Gusto nating ma-review ito. Gusto nating makita iyong puwedeng gawin na tulong. For example, baka puwedeng mag-decide bukas iyong P200 hindi sapat. Palagay ko, iyong P200 hindi sapat iyan. Kasi in the next budget cycle, kung kinakailangan po, gawing P500 iyan, o gawing P400 o P500 iyan para makabalanse sa kababayan nating natatamaan ng TRAIN, then gawin natin iyan. Hindi tayo inutil na wala tayong magagawa para maibsan ang kabigatang ito. There are things that we can do, and hopefully after tomorrow's hearing, malalaman natin kung ano ang puwedeng itulak na makatutulong sa ating kababayan.

Q: I think you've mentioned recently that you also going tomorrow to present actual people.

Sen. Bam: Kasi iyong usapin ng TRAIN, usapin ng ekonomiya natin napakataas. GDP growth, investment grade ratings, puro ganyan ang usapin. Pero pagdating natin sa kababayan natin, iyong pinag-uusapan sa amin, mga nire-raise sa amin, iyong noon tatlong beses nakakakain, ngayon isa o dalawa na lang. Iyong noon, nakakabili pa ng bigas, ngayon hirap na hirap na silang makabili ng bigas para sa kanilang pamilya. Sa anumang usapin, iyong macro at micro puwedeng ipagsama. At makita natin kung anong burden ang naibigay natin at paano natin itong puwedeng pagaanin kahit paano. It could be through financial assistance, it could be suspension of some of the excise taxes. Palagay ko, ito ang kailangan nating himayin for the sake of our countrymen na nabibigatan sa pang-araw-araw nilang gastos.

Q: Sir paano ang mechanism for suspending, kasi I remember doon sa law, puwede lang i-suspend ang excise tax...

Sen. Bam: Actually, ako ang nag-suggest noon. Initially ang suggestion ko diyan, suspension kapag sumobra ka na sa acceptable inflation rate. That was really my suggestion to DOF early. Dinala nila iyon pero ginawa nilang price of oil. If they had agreed with me na based on inflation ang suspension, ngayon suspendido na iyan kasi sumobra na ang inflation natin.

Matagal ko na itong nai-raise, noong last year pa, bago pa ang botohan. Kailangan ng safeguards dito. Kasi pag nag-spiral out of control ang presyo, ito na nga ang nararamdaman ng kababayan natin. Kailangan natin ng paraan na i-suspend iyan o i-withdraw iyan. Baka ang pinakamadali, to be honest, ay taasan iyong ating financial assistance sa mahihirap. That could be the easiest because that's a budget item. Iyong P200 dagdagan naming ng budget, puwedeng gawing P400. Pero ang issue natin ngayon, iyong P200 per month per family, hindi pa siya napatutupad nang buong-buo.

I think what we need to do, is first to review it, and see kung anong steps ang kailangan nating gawin para iyong kabigatan na nararamdaman ng ating kababayan, maibsan kahit kaunti. And that could be many different ways. Hopefully, we can discuss this tomorrow and mapag-usapan ito nang maayos bukas.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: I think tomorrow we will be able to see kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin, anu-ano ba talaga ang components nito. Kasi may parte diyan, because of the exchange rate natin. May parte diyan, because of rice. May parte diyan, because of TRAIN. Iyong isang isyu kasi sa TRAIN eto, mataas na kasi ang presyo ng bilihin natin, pinataas pa natin. Kumbaga hindi naman ito parang pakiramdam ng mga Pilipino mababa ito, tapos nagka-TRAIN tumaas. From the beginning mataas na talaga ito. Iyan na ang pakiramdam ng tao tapos tinulak pa rin, pinilit pa rin na ipataas pa. Iyong mga tinira diyan gaya ng petroleum products, may epekto talaga iyan sa mga produkto natin. The question is, are we really collecting iyong goals natin sa TRAIN? Nakokolekta ba talaga natin? Is it worth it doon sa kabigatan sa ating mga pamilya, especially sa ating mahihirap na kababayan. Worth it ba iyon, iyong ginawa nating iyan. Palagay ko bukas, sana maganda ang ating usapan. Maging maayos iyong usapan at makita natin, ano ba talaga ang kailangan ng ating mga kababayan. Hindi lang sa macro, iyong kailangan mo sa GDP, pero ano talaga ang kailangan ng tao. And maybe we can find a way to help our countrymen habang nahahanapan natin ng paraan na tumataas ang koleksiyon ng gobyerno.

On the DOT corruption issue

Q: Sir, confirmed na nag-resign si Tourism Sec. Wanda Teo, so indication ba yun na may nakitang irregularity doon sa...?

Sen. Bam: Kung totoo nga pong seryoso tayo sa corruption at seryoso po tayo na dapat walang irregularities sa ating mga government transactions, maganda na nga na nagbitiw siya dahil mayroon talagang irregularity yung nangyaring paglipat ng P60 million mula sa DOT papunta po doon sa block timer.

We're hoping na itutuloy ang hearing dito sa Senado. We would also like to commend COA for flagging this transaction. Mayroon talagang irregularities, so we're hoping na sa hearing mahimay natin kung paano ito nangyari at masigurado na wala nang ganitong klaseng transaksyon sa ating gobyerno.

Q: Sir, kaya lang ano yung assurance na hindi bibigyan ng another position sa government si Secretary Teo?

Sen. Bam: Sana wala nang i-recycle si President Duterte na mga government officials na mayroong sabit.

Ang mga government officials po natin na pinagbitiw o umalis dahil sa mga irregularities or lack of performance, dapat hindi na binibigyan ng ibang posisyon. Bagkus maglagay po tayo ng mga tao na kayang gawin ang kanilang mga trabaho, kayang panindigan ang mga kailangang panindigan sa mga ahensya at gawin ang tama.

So we're hoping no recycling of government officials. Maglagay po tayo ng mga taong kayang gawin yung trabaho para sa taumbayan.

Q. Sir, do you see any criminal liability on the part of Secretary Teo?

Sen. Bam: Well gusto po naming matuloy ang hearing dito sa Senate, para mahimay po natin ang mga transaksyon doon po sa mga nangyari. At the minimum, siyempre delicadeza na yung perang mula sa iyong ahensya hindi dapat mapupunta sa mga kapatid mo. Iyon pa lang medyo may irregularities. Palagay ko yan ang naging isang matinding rason kung bakit siya pinagbitiw o bakit po siya nagbitiw sa DOT. Pero doon po sa hearing, makikita po natin if it's more than that.

Q: We're talking of P60 million.

Sen. Bam: Malaking bagay po iyon, malaking pera po iyan, yung atin pong tourism agency mayroon po yang pondo para sa mga marketing, para sa kanilang mga ads and commercials, dapat napupunta po iyan sa mga TV shows at napupunta po iyan sa mga radio programs na talagang makaaabot sa pinakamararaming Pilipino.

Dapat po nasusulit ang bawat piso na ginagastos ng ating bayan.

Maganda rin po siguro ang ginawa ni Senator Binay na magsagawa ng hearing; we hope it will push through, and we hope we can get to the bottom of this para masigurado po natin na hindi na po ito mauuulit muli.

Q: Ano yung nakita niyong irregularity na, Sir?

Sen. Bam: Sa pagkakaalam ko kasi ang block-timer ang nagbabayad sa estasyon, not the other way around. So iyon pa lang, kataka-taka na at baka kailangan nga pong ma-eksplika sa hearing kung paano nga nangyari.

Q: So marami din dapat ipaliwanag ang mga opisyal ng PTV4?

Sen. Bam: Opo, and again wala itong personalan. Dapat lang na alamin paano nangyari itong transaksyong ito na hindi po naging pabor sa ating taumbayan at paano matitigil ang ganitong gawain.

Q: Sir, ano sa tingin niyo yung paglabas ng issue tungkol kay former Tourism Secretary Jimenez?

Sen. Bam: Yung timing nung pagturo sa isang secretary ng nakaraang administrasyon, pasok siya doon sa pattern na kapag mayroong nagkakaproblema dito sa current administration, may itinuturo doon sa previous administration. Palagay ko hindi na rin nagulat si Secretary Jimenez doon sa pangyayaring iyon. We hope that hindi na po yung pagtuturo sa nakaraan yung gagawin, sana po sagutin nalang ng deretsa yung mga issues na ito.

On China's missile deployment in the WPS

Q: Sir, on the militarization sa West Philippine Sea.

Sen. Bam: We're filing either today or tomorrow, a resolution looking into the Chinese bases in our territory. Gusto po naming kumpirmahin kung mayroong missiles doon or wala at kung paano po nangyari ito.

Ibang sitwasyon po yung may kinuhang teritoryo sa atin, iba yung militarized na po yung lugar na iyon. It's very clear in our Constitution na yung foreign military troops, military bases, labag po iyan sa ating Konstitusyon at hindi po pwede iyang mangyari sa ating bansa kung wala pong treaty between the two countries. Sa pagkakaalam ko po wala long treaty between the Philippines and China allowing for these troops and military armaments to be in those areas.

So mahalaga na matuloy iyong hearing dito sa Senado. Mahalaga na malaman natin ano ba yung aksyon ng ating gobyerno pagdating dito.

Mayroon bang deal na nangyari between China and the Philippines kaya mayroon pong missiles ngayon sa ating teritoryo? O nagulat din ba ang administrasyon noong nalaman na mayroon nang militarization sa mga teritoryong iyon?

Mahalaga din po kung ano yung aksyon natin ngayon. Ako po bilang isang Pilipino parang ang hirap tanggapin na ang ibang bansa mayroong military armaments at missiles sa ating teritoryo na sa kahit anong oras pwede pong itutok at pasabugin po ang ating bansa.

So ano po ang naging usapin ng Tsina at Pilipinas ukol dito sa militarization, nagkaroon ba ng usapin previously, kung wala tayo ba'y nagulat nalang? Kasi kung nagulat po tayo dito, parang makwe-kwestyon mo yung friendship natin sa China.

Hindi po dapat iyan ginagawa ng mga magkakaibigang bansa na bigla-bigla ka na lang lalagyan ng mga missiles doon sa iyong teritoryo. We hope that our proper committee will hear our resolutions here in the Senate at mabigyang linaw po ang taumbayan ukol po sa militarization ng teritoryo po natin.

Q: Sir, acceptable ba yung reason ng Palace na hindi naman derektang nakaumang sa atin yung missile and at the same time sinisi yung previous administration at tsaka yung US.

Sen. Bam: Well alam naman po natin na yung previous administration nilabanan po yung pagkuha ng teritoryo natin. Sana ganoon din po ang paglaban ng current administration pagdating po sa pagkamkam ng teritoryo po natin.

Yung hindi po nakatutok... Paano po natin alam na hindi yan nakatutok dito? Pangalawa, sa isang pindot nakatutok na po iyan sa atin.

More than anything else unconstitutional po ito. Paulit-ulit po, may mga bagay na nangyayari na labag sa ating konstitusyon.

This is a constitutional matter kung mayroon pong foreign troops at military bases sa ating teritoryo, kailangan po niyan ng pagsang-ayon ng Senado sa isang treaty. Kung hindi ako nagkakamali kailangan pa iyan ng national referendum. So kailangan pati taumbayan mag-aagree sa pagpayag na mayroon pong ibang bansa na may mga troops at mga armas dito po sa ating bansa.

Hindi sumusunod sa tamang proseso at labag na iyan sa ating konstitusyon. Ang tanong, sino ang dedepensa sa ating konstitusyon kung ang gobyerno mismo hindi ito magawa. Sino ang matitirang titindig para sa ating konstitusyon?

Q: Sir, ano po yung implications ng statement ni President that China will protect the Philippines?

Sen. Bam: Well, unang-una paano natin alam iyon? Verbal ba iyon, was it a verbal agreement between our president and the president of China? Ano yung papeles natin na nagsasabi nun? Sa pagkakaalam ko kailangan po niyan ng formal treaty. sa kahit ano pong usapin ng bases, usapin ng armas, usapin ng foreign military troops, kailangan po niyan ng treaty at kailangan alam po ng taumbayan iyan.

There should be no secret deals between two countries, especially when it comes to territory, sovereignty and our safety.

So posible nga po iyon pero ano po ang pruweba natin diyan? Ano yung proof natin na iyon nga ang mangyayari? And at the end of the day, ang kapalit ba nun ang teritoryo natin?

Kasi ayaw po natin maging kapalit yung teritoryo po na klaro naman po sa mga Pilipino na atin at klaro rin po sa buong mundo dahil nanalo na po tayo doon sa international court na atin po iyong teritoryong iyan.

Q: Sir, kung mayroon mang kasunduang nilabag ni Pangulo, ano kaya iyon?

Sen. Bam: Unang-una gusto nating malaman kung mayroon nga bang kasunduan o wala, sa pagkakaalam ko kung ano mang kasunduan dapat kasama ang Senado bilang mga representante ng taumbayan. Alam ba natin ahead of time na magkakaroon ng militarization yung mga lugar na iyon? Kasi kung alam po natin iyan ahead of time at wala po tayong ginawa, problema po iyan.

Kung hindi po natin alam iyan, paano pa tayo naging "best friend" ng China kung may gagawin sila, hindi man lang ipinaalam sa atin na maglalagay po sila ng mga armas diyan.

In the past, I think, even the Palace had said that they would insist na walang armas, na walang militarization in those territories; sana po talagang sundan po nila na gagawin po nila ang lahat na hindi po militarized ang mga areas na mayroon tayong dispute sa China.

Q: So mayroon nga Sir, na may nilabag ang Pangulo?

Sen. Bam: Baka. Kailangan nating malaman muna kung ano yung naging kasunduan. Mayroon ba o wala? I think at this point yung mahalaga sa hearing magkaroon ng transparency dito sa ating dealings with China.

Dapat po alam ng taumbayan ano ba talaga ang laman ng kasunduan. Ano ba ang binigay at ano ang kapalit?

The people need to know at palagay ko po yung hearing dito po sa Senado, isang magandang venue po iyan para malaman talaga ng taumbayan kung ano ba talaga ang deals natin sa China. Dapat walang secret deals sa China.

Q: Sir, possible din kaya there's an unholy alliance between the President and the Chinese leaders?

Sen. Bam: Again in our Constitution, kung mayroon mang pagpayag ng military bases, foreign troops or armas dito sa ating bansa, kailangan po napapasailalim iyan sa isang treaty na dadaan dito po sa amin sa Senado. If at the minimum, kailangan po ng kasunduan niyan na kasama po ang Senado, kasama po ang taumbayan, and clearly magkakaroon po ng debate kung itong pagbibigay natin ng teritoryo, pag-allow natin ng armas diyan, pabor po ba sa Pilipino o hindi? Sa tingin ko po, hindi na po pabor na nawala ang teritoryo natin, hindi pabor sa atin na nilagyan po iyan ng mga missiles at armas.

Q: Sir di ba we have an MDT with the US, and just the proceedings from the argument, kung ihain ng Presidente na magkaroon ng MDT with China, do you think it'd be acceptable at this point?

Sen. Bam: Well after the fact, kumbaga magmu-Mutual Defense Treaty ka nilagyan ng armas yung lugar, anog klaseng respeto iyon? Ang isang treaty ay mula sa dalawang panig na may respeto sa isa't isa, hindi pwedeng ikino-correct mo nalang yung mga ginawang mali in the past. So kailangan po nating mayaman kung ano nga ba talaga yung naging usapin dito sa mga armas na ito, kung tayo ba ay nagulat o tayo ba ay sumang-ayon, at ano po yung next steps po natin dito?

Q: Do you think there's a quid pro quo because instead of calling for the pullout of the missiles, they're justifying it?

Sen. Bam: Gusto nating malaman kung ano yung mga usapin po ngayon sa ating dalawang bansa, kung bakit tayo pumapayag nalang na militarized po ang ating teritoryo, and clearly from the point of view of the Filipino and the point of view of the whole world, yung ibang teritoryo po diyan ay teritoryo po natin iyan. Kasi yung nilagyan po ng armas, some areas there are the subject of our case sa international tribunal na klarong-klaro po sa buong mundo at klaro po sa atin na teritoryo po natin iyan. So in short kung pumapayag po tayo magkaroon ng missiles doon sa teritoryong iyon, talagang pinamimigay na talaga natin yung ating authority sa lugar na iyan at sa palagay ko po maraming Pilipino ang hindi po papayag na ganun-ganun nalang na maibigay ang ating kasarinlan.

News Latest News Feed