Press Release
May 23, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Q: ... na kailangan nila ng fare hike. At the same time meron na ring petition yung mga PUJ, 'di ba P1 and P2 do'n yung mga aircon. So paano natin iku-cushion yung effect..

Sen. Grace Poe: Para sa akin, sana kung pwede pang ipagpaliban ng kaunti, kasi sabay-sabay yung pagtaas ng presyo ng transportasyon at bilihin. Hindi naman siguro nila ikakalugi, siguro pwedeng pag-isipang mabuti ng DOTr. Kasi ganito iyan, 500,000 ng mga kababayan natin ang gumagamit ng LRT, so 500,000 iyan, marami pa sa kanila mga empleyado talaga. So kung tataas ng 25 percent o 30-plus percent ang pamasahe, malaking dagok iyon sa kanila.

Q: So paano siya dapat i-address, paano siya dapat i-implement?

Poe: Siguro naman by tranche ... kasi ang isa pa nating tinitingnan, ang pagtaas ng...,epekto nga dito sa krudo. Kapag sumipa ito ng $80 per barrel, mayroon talagang alternatibo na isuspinde muna yung buwis sa krudo para hindi na masyadong mabigatan din yung ating mga kababayan, sana gawin.

Q: Ma'am, segue lang po, yung sa CA hearing, in-assure ni Chairman Abas na magkakaroon ng credible elections sa 2019, medyo na-appease kayo doon, sabi nila okay naman daw ang PCOS.

Poe: Oo, alam mo si Chairman Abas ang una niyang appointment, noong nakaraan pang administrasyon, tapos mismong Presidente natin ngayon ang nag-appoint sa kanya na chairman. Ang inaasahan natin ay maging patas siya, nonpartisan, kasi alam mo mayroon ngang isang ginawang halimbawa sa aming discussion sa CA, maaaring napakaganda ng batas mo, pero kung ang mga nagpapalakad hindi naman magagaling ay sayang lang.

News Latest News Feed