Press Release
May 28, 2018

Closing statement of Sen. JV on the Dengvaxia Assistance Program hearing

More than the policy of the State to protect and promote the right to health of the people, the State recognizes the vital role of our youth in nation-building and to this end, shall promote their physical and social well-being, among others. These are our guiding principles in crafting measures which would affect the future of our country.

Totoo pong nagbigay pangamba ang isyu ng Dengvaxia na direktang naapektuhan ang ating mga kabataan. Matapos po ang mga imbestigasyon na ginawa ng Senado, hindi po kaila na may kapabayaan ang gobyerno. Ngunit, may kapabayaan o wala, obligasyon natin na bigyan ng ayuda ang mga pamilya at bata na apektado.

Ito nga po ang nais natin tuginan sa pagdinig na ito. Ang pondo na ating dinidinig ngayon ay para sa higit sa 830,000 na mga bata ang naturukan ng bakuna. Sa pamamagitan po nito, may karampatang ayuda ang bawat bata na magkakaroon ng karamdaman dahil sa bakuna. Ito po ang agarang solusyon ng Senado. Sisiguraduhin po natin na ang buong pondo na ating ilalaan ay mapupunta sa pagtulong sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

News Latest News Feed