Press Release
June 5, 2018

Sen. Bam on TRAIN Law and other issues
(Transcript of media interview)

Q: Sir, yung nabanggit nyo po sa tungkol sa jeepney drivers?

Sen. Bam: Yes, nung nakaraang Biyernes po kasama natin si Senator Poe doon sa hearing ng Public Services sa Legazpi, at dun po pinag-usapan yung hinaing ng ating jeepney drivers at operators na hanggang ngayon, wala pa rin yung Pantawid Pasada Program po na mahahanap natin sa Train Law.

Isa rin po itong programa gaya ng Unconditional Cash Transfer na hindi pa rin na iimplement nang ganap sa ating bansa. Ito po yung mga programa na pambalanse o pambawi dito po sa mga mahihirap nating kababayan na natatamaan po ng pagtaas ng presyo ng bilihin. So nag-file na po tayo ng batas para i-suspend yung excise tax sa petroleum products. Ito pong hindi pagpapatupad sa mga programa tutulong sa ating mahihirap nating kababayan, isa rin itong rason para i-suspend itong Train Law.

Ang panukala natin dito, suspends the excise tax on petroleum products based on inflation rate. Kung lumagpas po sa inflation rate range, meron pong pagsuspinde sa excise tax on petroleum products, pag roll-back sa lahat ng dinagdag ngayong 2018. Ito po yung nakapasa sa Senate version at yun po yung lagi kong ginigiit. Pero pagdating sa bicam, hindi ko po alam kung bakit hindi ito tinanggal. Kung hindi yan tinanggal, baka ngayon po suspendido na yung excise tax on petroleum products natin.

So I'm hoping po na makakuha tayo ng suporta dito sa mga kasama natin sa Senado at Kongreso upang ibalik po ang safeguard na ito, at makakuha na po tayo ng roll back dito sa pagtaas ng presyo ng ating diesel, kerosene, at gasolina. Panawagan din natin na yung mga programang tutulong sa mahihirap dapat pinapatupad. Habang di pa ito ipinapatupad, dapat itigil muna po itong pagtaas ng presyo sa ating bayan.

Yung UCT para sa 10 million families at itong Pantawid Pasada, ito yung tutulong sa ating jeepney drivers at operators sana maipatupad na at the soonest possible time.

Q: Sir, paano kung hindi maibigay yung mga UCT etc.. ?

Sen. Bam: Unang-una, ito ang reason kung bakit tayo nag-no sa TRAIN. Nung tinanong ko to nung period of interpolation, "Handa na ba ang gobyerno na tumulong sa ating mga kababayan?" - Ang sagot ho nila, at "to follow" itong pagtulong na to. E sabi ko, paano ka boboto sa batas na ito kung to follow ang tulong, uunahin mo yung pagtaas ng presyo ng bilihin?

Nandito na po ito, so ang panawagan natin ay bilis-bilisan no? At some point nabanggit ho nila by March, e ngayon po Hunyo na, wala pa rin.

In the last hearing that Senator Gatchallian had dito sa Senado, lumalabas na only about 2.6 million ay nabigyan palang ng tulong ng DSWD out of the 10 million. Siguro by now, nasa 3 million na yan. Pero hindi po ba yung pinakamaayos at pinakamainam na paraan nung panahon itinaas nila ang presyo ng bilihin dapat handang-handa na po ang mga programang ito. After all, ito po yung mga programa na binanggit ng DOF na kailangan ng Train Law upang hindi ito maging anti-poor. Kasi kung wala ang mga programang ito, ang tinatamaan po ng Train Law ay yung mahihirap nating mga kababayan. So until this UCT at Pantawid Pasada Prgrams ay hindi pa napapatupad, ang Train Law po ay talagang mabigat at mahirap po sa ating mga kababyaan naghihirap. At ito ay ramdam na ramdam na ng ating mga kababayan, sa kaiikot namin sa buong Pilipinas - mga mangingisda sa Rizal, mga informal settlers sa Quezon City, yung Jeepney Operators sa Legazpi, ito po yung patuloy na pinag-uusapan at number 1 problem sa ating bansa.

At siguro po ang hinahanap sa atin ngayon ay aksyon at hindi debate kaya sana po magkaisa po yung Senado at Kongreso gaya ng pinagkaisahan po namin yung Free Tuition at BBL, may kakayanan naman na ipasa ang mga bagay-bagay kung talagang gusto po natin ito. Sana po magkaisa kami, show independence and leadership on this issue at gawa po natin ng paraan upang magkaroon ng mekanismo na ma-rollback itong pagtaas ng presyo dito po sa pagtataas ng buwis sa ating petroleum products.

Q: Sir, nagwa-warning ngayon yung economic team ni Presidente, sabi niya mapipigilan daw ang economic growth kapag sinuspend iyong TRAIN Law.

Sen. Bam: Hindi po totoo iyan, ang naibanggit po nila may mga programa kagaya ng Free Tuition na hindi daw matutuloy kung hindi daw po matuloy itong excise taxes on fuel, kung tutuusin yung target po ng excise tax on petroleum products ay P70 billion, magkano po ba ang budget ng gobyerno for 2018? P3.3 trillion po ito, di hamak malaki doon sa koleksyon na hinahabol po ntain sa TRAIN. Magkano ba yung underspending? P390 billion in 2017, probably this year may underspending pa ulit iyan. Ang kailangan po talagang bigyan ng tutok ay yung efficiency ng ating mga ahensya nawawala po yung underspending, yung koleksyon ng BIR, koleksyon ng Customs, ito po dapat yung nilalagyan ng reporma, hindi yung nagdadagdag tayo ng presyo ng bilihin. Hindi dapat hino-hostage ang mga government services dahil lang po sa TRAIN Law. May mahahanap po tayong pondo, the Committee on Finance will be able to look for the funds to make sure these important programs will continue, ang mahalaga po ngayon tugunan natin ang pangangailan ng taumbayan, ang rami pong nagsasabi nalulunod na po sila dito po sa presyo ng bilihin. Ang hinahanap po sa aming lingkod-bayan ay hindi na po debate, hindi na po yung pagtuturo-turo kung sino po yung may kasalanan, ang hinahanap po sa amin ay aksyon. This is chance for us to come together, address this problem as soon as possible at mabigyan po natin ng lunas iyong mga kababayan po natin.

Q: Doon sa random drug test ng PNP about sa 349 nag-positive, indication ba yun hindi effective yung war on drugs ng Duterte administration? Hindi takot yung mga pulis mismo?

Sen. Bam: Well, matagal na pong pangako ng PNP iyan na maglilinis sila ng kanilang ranko, naibanggit ko na rin po in the past bago po tirahin yung maliliit na drug addicts and pushers sa ating lansangan, dapat po unahin po nila yung paglilinis ng kanilang sariling ranko. Habang may mga masasamang elemento po sa PNP, hindi po talaga magiging successful yung ating laban po sa droga. This is an indication na marami pang kailangang gawin sa paglilinis po ng PNP, and I hope they take it seriously habang naka-focus po yung buong mundo dito sa drug war na nangyayari sa ating bansa, gawin po nilang priority, in fact if I remember correctly nsabi po iyan ni Bato noong time po niya na magiging priority yung paglilinis ng PNP kasabay yung pagtugis sa mga komunidad, I hope seseryosohin na po nila iyan at hindi lang itra-transfer sa ilang parte ng Mindanao at papa-push upin o papagalitan, dapat po talaga seryoso yung paglilinis doon po sa ranko ng PNP natin.

Q: Yung pag-kiss ni Presidente doon sa OFW?

Sen. Bam: Well, alam niyo po I shared the same reaction as many of the netizens and our female legislators na hindi po siya akma na gawin po ng isang presidente yung paghalik ng ganoon. Marami pong na-shock at nag-react, and I share in that reaction.

Q: But the woman was (inaudible)

Sen. Bam: Alam mo hindi naman siya pinilit, and I think she already talked about that, si Ms. Kim. Pero then again dahil kaya mong gawin, gagawin mo ba dapat ito? Just because you can do it, doesn't mean you should do it. I'm hoping like many of our fellow countrymen na sana maitigil na yung ganitong klaseng mga ginagawa, at ako po bilang isang tatay, dalawa po yung anak ko na babae, kahit po ako nung nakita ko po yung video hindi naging maganda yung reaksyon ko rin dito gaya po ng marami sa atin.

Q: Sir, gimik raw yun para pasayahin yung crowd. Anong klaseng gimik (inaudible)?

Sen. Bam: Alam mo kanya-kanyang gimik po kami sa pulitika di ba, pero may mga gimik na okay, may mga gimik na hindi okay.

On TRAIN 2

Sen. Bam: Iyong BPO sector, iyong semiconductors, iyong mga locators sa PEZA. These are all industries which are bringing in billions, creating thousands of jobs sa ating bansa, huwag natin silang perhuwisyuhin. I think iyon ang pinaka-minimum. Huwag tayong gagawa ng batas na may potensiyal na makasama sa mga industriyang ito.

Itong TRAIN 2, pagdating dito, mahaba-habang debate iyan. If you ask me, bago tayo pumunta sa TRAIN 2, asikasuhin muna natin ang TRAIN 1. Kasi marami na po sa TRAIN 1, marami sa kababayan natin, umaalma na sa presyo ng bilihin.

Q: Sabi sa TRAIN 2, di naman daw apektado ang consumers?

Sen. Bam: Apektado kasi iyon ang mga trabaho. Kung titingnan niyo po, presyo, trabaho, ito ang No. 1 at No. 2 issues ng taumbayan. Honestly, every week ako nag-iikot sa iba't ibang parte ng Pilipinas. This is the No. 1 issue, it's not the West Philippine Sea, it's not the judiciary, it's not the kiss of President Duterte. Iyon mga iyon, napag-uusapan lang iyan dito sa media, pero pagpunta mo sa mga konunidad, ang pinag-uusapan nila, presyo ng bilihin, di na nila kayang tustusan ang kanilang gastusin, iyong wages, and of course, iyong trabaho. Maraming naghahanap ng trabaho. Bilang lingkod bayan, ito ang bigyan namin ng oras, ito ang bigyan namin ng focus kasi ito ang talagang pangangailangan ng ating bayan.

Q: So i-oppose niyo ang pagtalakay sa TRAIN 2 hangga't hindi naaayos ang problem sa TRAIN 1?

Sen. Bam: Honestly, we should tackle TRAIN 1. We filed this bill, again napasa na natin ito sa Senado, we passed that safeguard already. Isipin mo, in January of 2019, may isa pang round iyan ng pagtaas ng presyo. Akala ng mga tao, TRAIN 2 iyan. Hindi po, TRAIN 1 pa rin iyan. In January of 2020, may isang round pa iyan ng pagtaas ng presyo. Papayag ba tayo na napakataas na, dadagdagan pa natin. I don't think it's logical sa akin. Sana ma-tackle muna natin ang pag-suspend, pag-rollback, bigyan natin ng kaunting lunas ang mga tao. Then in that atmosphere, we can start tackling TRAIN 2 na mas maayos at makita natin ang balance na hinahanap ng ating mga industriya.

Q: Sabi ni Sen. Zubiri, dapat daw manggaling ang initiative to suspend sa Lower House.

Sen. Bam: Actually, may mga counterpart na ho diyan. There are congressmen who have already filed it. I'm hoping much like BBL, much like free tuition, puwede nating pagkaisahan itong pag-suspend. We need to be able to come together for this kasi ito ang hinahanap ng taumbayan natin.

Q: Aside from you, may counterpart na kayo sa Lower House?

Sen. Bam: There are a few. Dito ako pa lang. But if you look at the public statements of our colleagues, there are at least 8 or 9 who have already said na may mga kailangang i-review sa TRAIN 1. Hopefully, ang pangamba na iyon, iyong concern na iyon maging aksiyon. Hopefully, it will mean supporting the bill. I actually had a privilege speech about this few weeks ago. Tatlong bagay ang tinukoy natin, pag-address sa presyo ng bigas, panigurado na iyong unconditional cash transfer, at ngayon Pantawid Pasada, masiguradong ma-implement na. Pangatlo, magkaroon ng mekanismo na puwedeng i-rollback itong presyo. Because, ang pinakamasaklap kasi dito, patuloy ang pagtaas. Logically, habang patuloy ang pagtaas, bakit natin dadagdagan pa. I think habang patuloy ang pagtaas ng presyo, may mekanismo na puwede itong ibaba. I think it's reasonable and logical. Hindi naman iyon masyadong kakaiba. After all, that safeguard was already found in the Senate version. I'm hoping that we can pass this. Iyong batayan natin ng pag-rollback, three months lumalampas ang inflation rate sa acceptable target range. So far, nakaka-three months na tayo. Meaning, kung napasa ang safeguard na iyon, we would already have caused for the suspension of the excise taxes. Iyon ang gusto nating ibalik. Hopefully, the Senate can come together, show its independence, come together and push this.

News Latest News Feed