Press Release
August 13, 2018

Win transcrit ambush interview on Rural electrification
SENATE OF THE PHILIPPINES

Q: Sir, pa-explain naman po ang sa National Electrification Agency (NEA)? Magkano po ang budget nila at magkano po ang nabawas?

SEN WIN: Unang-una, makikita natin na ang pinakamahihirap na lugar, yun pa ang mga walang kuryente, only 30% ng ARMM ang may kuryente, 70% ay walang kuryente. Sila rin kino-consider nating isa sa pinakamahihirap na regions sa ating bansa. So napakahalaga nitong Rural Electrification Program na dapat ma-achieve natin ay 100% ng ating households ay may kuryente. Ang NEA is one of the agencies na na-assign na magkabit ng kuryente pero ang hinihingi nila ay napakalaki at kaya naman hinihikayat namin sila na gumamit ng bagong teknolohiya at i-engage ang private sector para ma-achieve natin ang 100% household electrification by 2022.

Q: Magkano po Sir ang nabawas? Magkano ang budget nila ngayon at ang para sa 2019?

SEN WIN: Ang request nila ay about 1.6 billion, ang ibinigay ay less than a billion. Of course, ang impact niya ay mas mababawasan ang number of sitios na kakabitan nila ng kuryente.

Q: Bakit po ganun Sir since mahalaga pala ang role nila for electrification, bakit binawasan?

SEN WIN: One of the major changes or probably the major change in the budgeting system is yung cash-based budgeting natin, kaya rin bumaba ang allocated budget sa NEA is because of the cash-based budgeting na gagamitin for 2019. One of the good features of this cash-based budgeting ay yung perang hihingin mo ay dapat gastusin mo within the year dahil nga maraming mga ahensya ang hingi lang ng hingi ng pera pero hindi naman magastos. So ang nangyayari, ang pera ng bansa ay natatali lang at hindi nagagastos. So isa sa mga features nito ay dapat magkaroon sila ng disiplina sa paggastos ng pera at sa pagba-budget.

Q: In favour ho kayo roon Sir?

SEN WIN: Ako, I'm in favour of it dahil nga it will instill discipline among agencies at yan ang nagiging sakit ng ating pamahalaan for the last 10 years--ang underspending, palaki ng palaki yan in fact, if you look at the utilization ng agencies, nasa 60-70% lang ang nagagamit.

Q: Yung NEA, hindi nya po nagamit ang budget?

SEN WIN: Hindi nya nagamit ang buong budget niya that's why under the cash-based system, binawasan siya.

Q: Magkano po ang budget niya this year?

SEN WIN: Yung for sitio electrification program is less than one billion.

Q: Pero ang hinihingi nila magkano po?

SEN WIN: It's about 1.6 billion.

Q: Going back po sa sinabi niyong gamitin ang technology at i-engage ang private sector so parang PPP po ba ito?

SEN WIN: Correct. Ngayon kasi, with new technology ay pwede nang pumasok ang private sectors sa rural electrification program. For example, marami tayong mga isla at remote areas na hindi na maabot ng electric wires so ang private sector na ang magpapatayo ng micro-grid, sila ang magpapatakbo at no cost to the government. It's like the PPP in the electric distribution sector.

Q: Anong response nila doon Sir?

SEN WIN: It's a special arrangement with the DOE, ang tawag dito ay qualified third party in which bibigyan sila ng permit para magtayo ng electric lines sa mga isla natin at sila na ang mag-o-operate nun, hindi ownership, kokolektahin nila ang bayad sa mga consumers so permit lang siya. It's already in place under the EPIRA, tumatakbo na siya. Ang nagiging problema lang ay mabagal ang implementation, may misunderstanding sa mga electric coops.

Q: Pero agree po ba kayo na dapat bawasan ang budget ng NEA?

SEN WIN: Hindi ako agree na bawasan ang budget sa rural electrification dahil makikita natin 2.7 million households ang wala pang kuryente in which 1.5 nitong 2.7 ay nasa Mindanao, ang home island ng ating Pangulo. Importante na tuloy-tuloy ang pagkakabit ng kuryente dahil napakahalaga nito sa paglaban din sa kahirapan ng mga pamilya.

Q: Anong chances na maibalik po ang hinihingi nilang 1.6?

SEN WIN: I think we will evaluate carefully kung ano ang mga projects at kung bakit hindi nila nagastos ang nabigay sa kanilang pera ngayong 2018 and we also have to be prudent dahil hindi rin naman sila pwedeng humingi ng pondo na hindi nila magagastos.

Q: Bakit hindi nila nagagastos Sir?

SEN WIN: I think may mga problema sa dokumento, the normal red-tape ang nagiging issue, so we will evaluate carefully but as a principle, huwag dapat bawasan ang pera sa rural electrification program dahil ito talaga ang pag-asa para magkaroon ng kuryente sa countryside.

Q: Di po Sir ay may distinction ang sitio sa barangay?

SEN. WIN: Sa electrification ang pianka malaking unit ay Barangay and it goes into sitios. So makikita mo meron din Barangay Electrification Program at may Sitio Electrification Program so tina-target ngayon ay sitios dahil sila ang pinaka maliit na unit for electrification.

Q: Target kung kelan magkakaroon ng electricity ang countryside?

SEN. WIN: Ang target ay mabigyan ng kuryente ang lahat ng 2.7 million families for 2022. Ang marching order ng pangulo by 2022 ay dapat lahat may kuryente.

Q: Ilan percent ang possible na mag su-suffer sa budget cut?

SEN. WIN: About 300 sitios ang mag su-suffer next year because of the budget cut.

Q: Would they be able to deliver on their promise?

SEN. WIN: Correct, ang pinaka mahalaga dito kung ano yung ni-request nila sa 2018 dapat kakabitan na lang nila. That's the first important matter, pag nakabitan na yan in 2019 ito ay mga bagong sitios na rin. So we have to evaluate and update our records kung nakabitan na nila yung mga sitios for 2018.

Q: Target nila?

SEN. WIN: Every year may target yan, meron tayong 19,000 sitios na wala pang kuryente so every year yun yung target nila sa next five years. On the average ang target nila a year is about 1,200 sitios every year. Sa household, hindi ko matandaan, basta ang alam ko lang ang walang kuryente is 2.7 million households. That's all over the country already.

Q: Absence ng electric lines, ilan percentage?

SEN. WIN: Kanina, yun yung pinapa-breakdown natin sa Department of Energy (DOE). Out of the 2.7 million households ilan doon yung walang linya, ilan doon yung nasa isla, yun ang hindi pa nila tapos gawin so they promised to finish this hopefully before the 4th quarter ends. Para by budget season, kasi ito ay isa sa pinaka malaking expense ng pamahalaan, yung rural electrification program, were spending close to 4 billion pesos every year. Kaya ito ay isa sa mga hinihimay ng mga Senador pagdating sa budget season so dapat masagot nila kung saan napunta yung pera for 2018.

Q: Compromise in mind?

SEN. WIN: I think the principle here ay dapat magastos yung pera at lumiit yung under spending ng pamahalaan. We have to make sure that departments are disciplined in terms of asking for money and budgeting for that year. Sa ngayon, it's a very good principle because it's going to cure the problem of under spending.

Q: Cash base system?

Ako I am for cash base system, I see the logic of a cash base system because this is meant to really solve underspending and bumilis yung spending natin especially for projects dahil yan talaga, in a 6 year term ng administration dapat mabilis talaga ang pag gastos.

Q: According to Congress illegal daw yun dahil wala pang enabling law to implement cash base budgeting?

SEN. WIN: I think we have to study carefully if ito ay illegal or not, but the mere fact it was put forward by the Department of Budget Management (DBM) there should be a legal basis.

Q: Compromise?

SEN. WIN: I think the compromise here is for the departments is to spend as quickly as possible. So for example, they spend two projects in one year bibilis siya so lalaki pa yung pwede niyang hingiin. Kasi ngayon, my analysis of it kaya lumiit is because hindi nila nagagastos.

Q: May history po ba talaga na mabagal?

SEN. WIN: In fairness naman sa kanila, most government agencies naman talaga ay mabagal yung pag gastos, NEA, hindi siya considered mabagal pero madaming underspending na nangyayari kasi nationwide siya. We're talking about 121 electric cooperatives na binibigyan nila ng pondo para magkabit ng linya so meron talaga logistical issues sa pagkakabit ng linya.

Q: Re-enactment budget? Since nag suspend na ang house ng hearing nila?

SEN. WIN: I hope wala nang re-enactment dahil kung re-enacted yan hindi na tayo makakagawa ng infrastruktura. Ang capital outlay comes from the budget and kung ma re-enact yan hindi magkakaroon ng capital expenditure. Actually ang intention naman ay well and good and we have to find a good formula to move forward.

Q: Resurgence of pork barrel? May sinabi si GMA na lahat ng Congressman ay magkakaroon ng budget?

SEN. WIN: Pork barrel is illegal, bawal na ang pork barrel, bawal na ang post-enactment mechanism na ginagawa before. I don't know kung ano ang ibig-sabihin ni Speaker Arroyo tungkol diyan, that needs to be clarified.

Q: Will that amount to pork barrel?

SEN. WIN: Kung post-enactment, siya pero for example allocation tapos ginawa after the budget has been enacted, illegal yun. Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin niya at ano yung eksatong detalye.

Q: May caucus daw kayo later? Will that be about the budget?

SEN. WIN: It's about the remaining year kung ano yung schedule at andiyan din yung budget. I think the caucus will only compose of the majority hindi pa all Senators.

News Latest News Feed