Press Release
August 15, 2018

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M Drilon

Q: Binanggit po ulit ng President ang plano na mag-re-resign daw siya.

SFMD: Yung pagbibitiw po sa isang tungkulin, pangulo man o isang mababang kawani ng pamahalaan, ay personal po iyan, kaya hindi kailangan ng basehan. Resignation is a personal decision and it's up to the holder of the post to continue or to resign for whatever reason he has. There is no need for any ground; it's personal.

Q: Wala siyang ma-violate?

SFMD: Wala siyang maba-violate na anumang batas, o anuman sa Saligang Batas. Uulitin ko lang, ang pagbibitiw sa pwesto ay personal na decision ng sinumang humahawak ng pwesto.

Q: Meron din ba siyang option na mamili ng papalit?

SFMD: Wala pong option sa ating Saligang Batas. Kung magbitiw po ang Pangulo, ang Pangalawang Pangulo ang mag-assume ng position.

News Latest News Feed