Press Release
August 15, 2018

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III

On the MMDA's ban on single drivers to in EDSA

SPVS: Ang tingin namin ay yun ay isa sa hindi magandang idea para maresolve ang traffic. Dapat makapag-isip pa sila ng kung ano pa ang mga pamamaraan paano maresolve ang traffic, alisin muna nila yung illegally parked sa buong Metro Manila. Yun ang problema. Yun lang Zobel Roxas hindi nila maresolve. Paano ang mangyayari doon? Aalisin mo sa EDSA yung ibang sasakyan na isa lang ang nakasakay, siguradong magkakaroon ka ng problema una sa panghuhuli, pag may hinuli ka, ano ang mangyayari, magco-cause ka lang ng traffic.

Yung iba naman, isang ina, susunduin niya ang anak niya, isasama pa nya ang yaya nya ngayon kung maghahatid sa eskuwelahan. Napakaraming problema na mangyayari kapag pinilit nila yun. Maraming ibang paraan na pwedeng gawin, hindi yung ganun, nakakasama sa safety ng ibang mga tao dahil mapipilitang magsakay wag lang huhulihin. Nangyari na yan, pag-aralan nila yung nangyari sa Indonesia, tsaka sa isang bansa pa na sinubukan nila yan, hindi nagtagal yan. Inalis nila agad kasi nagkakaroon ng mga holdup, nagkakaroon ng mga problema, ang daming repercussions.

Q: May mga nagsasabing anti-poor ito?

SPVS: Yun na nga, anti-poor, anti-Senate President din, hindi ako nagda-driver, hindi ako nagba-bodyguard so mapipilitan pa ako ngayong kumuha ng driver. Ang taong bayan ang magsusuweldo nun, kaya nga ayoko.

On the Senate resolution urging the suspension of the single driver ban

SPVS: Para malaman ng MMDA at sa mga nag-draft nito na hindi kami sang-ayon, we think it is a bad idea. They should take heed.

On the proposed 2019 budget.

SPVS: Ang problema I cannot officially react sa sinasabi sapagkat hindi ko alam kung cleared na ganyan nga ang gagawin sapagkat sa amin, ang pagkaka-intindi ko, sa tagal-tagal ko rito sa national government from 1992 to the present, especially in the legislature, kahit kelan hindi pa nagkaroon ng incident na ibinalik sa Executive yung galing sa amin, na yung galing sa kanila, pinadala sa amin, ibabalik namin doon.

Hindi ganun ang solusyon. Ang solusyon dun, kung meron tayong gustong gawin, ay supplemental budget, hindi ibabalik. Hindi pa nangyayari yun sa buong history ng Pilipinas at hindi naman namin pwedeng dagdagan yung budget na binigay ng presidente. Nasa Constitution yun. Hindi pwede yung ganun. Pwede naman talaga kaming mag-amend, yun naman ang sinasabi namin. Kaya kami payag doon sa cash-based budgeting, sapagkat pwede kang mag-amend within the budget.

Q: (Unclear)

SPVS: Depende sa mga chairmen. As of the moment merong mga chairmen na alam ko hindi muna mag-he-hearing hangga't hindi malinaw kasi baka mas mabalewala sapagkat alam naman namin na kailangan dapat galing sa House of Representatives ang appropriation.

Q: (Unclear)

SPVS: Malamang. We have to ask the chairmen, I cannot answer to them.

On President Duterte saying that he is thinking of stepping down

SPVS: Sa pagkakakilala ko sa presidente, wala sa ugali niya yung nang-aabandon. Ang tingin ko baka nagsasabi lang nya in the heat of the moment dahil medyo mainit ang ulo, or medyo napupuno lang siya sa nakikita niyang matinding corruption sa gobyerno, ganun lang yun pero pag nakapag-isip-isip siya, hindi niya tutuluyan yun.

On the possibility of President Duterte really stepping down

SPVS: Hindi naman, I don't think so. Stable ang gobyerno natin, nasabi lang yun. Naniniwala ako na nasabi lang niya yun. Hindi dama ng puso niya ang sinambit niya.

Q: Stressed lang kaya siya?

SPVS: Lahat naman ng government officials, especially, stressed-out. Dapat talaga merong break na makapagpahinga kahit paano. Sa pagkakakilala ko sa kanya, na mula nung 1988 nakilala ko na siya, hindi ko nakita sa kanya yung surrender, hindi ako naniniwala na alam niya yung spelling ng surrender.

Frustration lang yun, hindi resignation. I don't think he knows the word surrender, hindi niya gagawin yun. I don't believe that he will do it. Nagsasabi lang niya yun siguro nga dahil pagod. As I said, stable ang gobyerno natin. May system, may structure ang gobyerno natin. Kahit sino ang nakaupo tatakbo pa rin yan.

On the disappearance of the shabu shipment.

SPVS: Kailangan talaga ng mas malalim na imbestigasyon diyan. That is the reason I am proposing the creation of the Presidential office of Drugs and Crime. That office can investigate, kayang gawin noon ang hindi kayang gawin ng resolution na in aid of investigation lang namin. Pero ito, pagka merong ganung klaseng opisina under the Office of the President, mas malaliman ang mga imbestigasyon na magagawa nya.

Q: (Unclear)

SPVS: Parang ganun, pwede rin. Depende sa structure na gusto ng Presidente pero in principle, I think it is one necessary unit in government right now. I will definitely support any investigation, but as I said we are confined to the investigation in aid of legislation.

Q: (Unclear)

SPVS: Close to that, in principle, parang ganun. Hindi naman kailangang kumuha pa ng mga panibagong departamento or maga tao para gawin ito. Yung present set-up natin, pwede na. Pwedeng i-pool ng Presidente yan.

Q: Sir magkakaroon po ba ng anti-drug czar?

SPVS: The anti-drug czar I think is the President.

News Latest News Feed