Press Release
September 12, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW
at the Inauguration of MOL Magsaysay Maritime Academy

Q: On Trillanes

Sen. Grace Poe: ...desisyon ng mas mababang korte kung ano ang sitwasyon dito. Wala talaga dapat na pag-aresto ng walang warrant at isa pa, bakit mamadaliin? Hindi naman siya banta maski na kanino. Para sa akin, sa tingin ko naman nando'n talaga ang intensyon ng amnesty; if ever, teknikalidad ito. Kulang na nga kami sa Senado, mababawasan--'wag naman.

Q: 'Yung Q & A ni President at Chief Legal Counsel Panelo, do you have any thoughts doon sa discussion na tumakbo, do you think 'yung mga issues na kailangan ma-address po was addressed?

Poe: Siguro kung ano 'yung bugso ng damdamin nailabas niya. Importante rin na malaman natin 'yon. Pero siyempre bilang mamamayan, gusto ko pang mas malaman kung ano talaga ang nararamdaman ng ating Pangulo at ano ang mga kongkretong plano para naman itong problema, halimbawa sa inflation, 'yung pagtaas ng bilihin, ano ang puwede nating gawing agarang lunas. Hindi lamang sa pagpapaalis halimbawa sa NFA council o pag-aangkat ng bigas, pero mas detalyado pa sana. Siguro sa ibang pagkakataon.

News Latest News Feed