Press Release
September 21, 2018

Sen. Bam on the anniversary of Martial Law declaration

Gutom at kahirapan ang tatak ng Martial Law.

Sa ilalim ng diktadurya, ang mga Pilipinong pinahirapan, ginutom at pinatay ay ninakawan pa.

Habang nagpayaman ang mga nasa puwesto, gumapang sa hirap ang mga pamilya dahil sa malalang pagtaas ng bilihin at kakulangan ng pagkain, lalo na ng bigas.

Ngayong nauulit ang bangungot ng nakaraan, oras na para magising sa katotohanan na kailanman, hindi sagot ang martial law sa problema ng bayan.

Pagkakaisa, pagtutulungan ang kailangan. Isantabi na ang pulitika at unahin ang bayan.

News Latest News Feed