Press Release
September 21, 2018

DEMOKRASYA AT DIGNIDAD, IPAGLABAN!
MENSAHE SA IKA-46 NA ANIBERSARYO NG DEKLARASYON NG BATAS MILITAR

May Marcos noon; may Duterte ngayon. Hindi maikakaila ang mga pagkakapareho nila. Parehong nagdeklara ng Batas Militar. Parehong abusado sa kapangyarihan. Parehong nagpapatay ng libu-libong Pilipino. Parehong ginipit ang mga kritiko. Parehong sinikil ang demokrasya. Parehong diktador. Parehong ipokrito at bantay-salakay: malupit sa mga ordinaryong mamamayan at maliliit na krimen, pero pareho din namang nagparaya sa mga kamag-anak, kaibigan at mga tuta nilang nananamantala sa kaban ng bayan at paghihirap ng mamamayan. Magaling manggipit at pumatay nang walang kalaban-laban, pero tagapagtanggol at tagapagtakip ng kasalanan ng mga "big-time."

Sa ilalim ng kani-kanilang pamumuno ay bumagsak ang ekonomiya, nagtaasan ang presyo ng mga bilihin, nawalan ng trabaho ang marami, at may higit pang bilang ang hindi tiyak ang hanapbuhay at pabahay. Parehong berdugo ng mahihirap. Parehong pahirap.

But Duterte is not simply Marcos Version 2. In just a matter of a little more than two (2) years into his presidency, Duterte has proven to be a worse monster than his idol. He is a foul mouthed, chronically lying, incurably misogynistic, criminally minded, and shameless fascist and tyrant. No wonder he copies everything that Marcos did, wala kasi s'yang sariling matinong pag-iisip, kundi sunod-sunuran lang din sa mga mapera, makapangyarihan at maimpluwensyang naglagay sa kanya sa kapangyarihan.

Panahon na naman ng mga ulupong. People who think they are above the law.

So, what do we do now? How do we ensure that the lessons under Marcos dictatorship will not be forgotten, and that the tragic experiences we are suffering under the current tyranny of Duterte will be stopped?

The simple answer: We fight! We fight with what's remaining in our democracy. We fight with what's intact in our dignity. Demokrasya at dignidad. Yan ang ating gagamitin sa laban. Yan din ang ating ipaglalaban.

Ipaglalaban natin ang mga natitirang institusyon at espasyong malaya: pamamahayag, kolektibong pagkilos, at pagboto. Buong tapang nating ilantad ang mga kasinungalingan, panlilinlang, katiwalian, at karahasan ng pamahalaan. Buong giting tayong magsasama-sama at hindi lulubayan ang paghanap ng katotohanan at hustisya sa lahat ng kabuktutan at mga kasalanan nila sa bayan. Buong husay nating ipapakita sa halalan at lahat ng mga lehitimong paraan ng pagpapanagot sa nasa kapangyarihan na may dangal ang Pilipino, na tayo ay isang bayang maka-Diyos, mapagmahal sa kapwa, at nagmamalasakit sa kapakanan at kagalingan ng lahat.

And, we will never get tired of fighting. We will never stop exposing the true Marcosian and Dutertian agenda of perpetuating themselves in power in perpetuity. We will remain relentless in fighting authoritarianism anytime and all the time. Lalabanan natin ang diktadurya sa anumang porma at anyo nito.

Never forget! Never again!

LEILA M. DE LIMA

Custodial Center, Camp Crame

21 Setyembre 2018

News Latest News Feed