Press Release
October 3, 2018

Transcript of SNBA interview
03 October 2018 Senate

Question: Reaction on Mocha's resignation

Sen. Nancy Binay: Syempre unang-una nirerespeto natin ang desisyon niya na magbitiw sa pwesto niya bilang Asec. ng PCOO. It's her personal decision, so we just have to respect that.

Question: Do you think it's about time considering na ang dami na niyang mga blooper, mga false na nagawa, just to save the agency?

Binay: Pero parang hindi naman yata iyon ang dahilan niya kaya siya nag-resign, 'diba?

Question: Budget daw, para lumusot na kaya siya nag-sakripisyo.

Binay: Ako naman, ang tinitingnan kong perspective ay sayang iyong opportunity to prove everybody wrong. Parang ito iyong pagkakataon na ipakita niya sa lahat na she deserves to be called Asec. Mocha Uson but hindi niya ginawa iyon eh, she opted na magresign na lang. So I guess respetuhin na lang natin ang desisyon niya na magbitiw sa pwesto.

Question: Do you think it's better for PCOO na mas matatahimik, one less na nagda-drag sa controversy?

Binay: Tingnan natin. Siguro better to ask Sec. Martin Andanar kung magiging kakulangan ba o mas makakabuti sa ahensiya na wala na si Mocha doon sa PCOO.

Question: But considering ang mga sablay ni Mocha in the past months, and the past few years, do you think makakabuti sa PCOO na umalis na siya?

Binay: Siguro kasi nakita naman natin 'diba na may mga instances na napipilitan si Sec. Martin Andanar na sumalag doon sa mga ini-issue kay Asec. Mocha.

Question: Parang may pa-tutsada siya sa mga bumabatikos sa kanya, magka-campaign daw siya against trapo, epal, mga nag-criticize sa kanya.

Binay: I think we just, ano, ganoon naman talaga eh. May karapatan na mag-kampanya kung sina iyong iboboto o hindi iboboto.

Question: But do you think it's better na hindi siya nag-resign? Sinabi n'yo kanina sana she could have proven her worth.

Binay: Hindi kasi parang iyong...well unang-una bahagi noong pagiging kawani ng pamahalaan is, talagang 'pag budget season everybody gets asked, whether Asec 'yan or Director 'yan, ganyan talaga ang proseso ng budget eh. Karapatan ng House of Representatives na hanapin siya, dahil 'di ba we are all answerable to the people kasi pera ng bayan ang gagastusin ng opisina niya. So sayang lang because ito iyong opportunity na ipakita niya sa lahat lahat ng sinasabi niyang nagbabatikos sa kanya, na kaya niyang sagutin kung anuman ang mga paratang na binabato sa kanya during the budget deliberation. Kasi I think hindi naman personal iyong mga itatanong sa kanya eh. It's work-related, it's part of her function as an assistant secretary.

Question: (follow up)

Binay: Naku naman sa pinagdaanan ko, ano. Parang, hindi ba, na-black and blue na nga ako, hindi na nga nawala eh, nag-stay na iyong black. It's part of the job, iyong babatikusin ka, sisiraan ka. So, 'diba, ganoon talaga eh.

Question: Sabi niya mas magiging fierce or i-escalate niya ang kanyang mga attacks.

Binay: Teka sandali, bakit ninyo ina-assume na ako ang aatakihin niya? You know, she has the freedom to do that for as long as no government funds are being spent doon sa gagawing pag-atake, because 'di ba may mga instances din kasi na kumbaga isi-circumvent mo iyong...kasi pwede namang hindi siya Asec pero may program siya sa isang government station so hindi rin natin alam.

Question: (follow up)

Binay: Ako siguro based sa pinagdaanan ko noong 2013, at the end of the day, ang mga kababayan natin na boboto, alam naman nila kung ano ang paninira lang at ano ang katotohanan. So I trust the wisdom of our voters.

Question: With her resignation sa tingin ninyo matitigil na ang controversies sa PCOO?

Binay: Eh kasi ang controversy naman sa PCOO hindi lang nakasalalay kay Asec. Mocha, 'di ba. Ang dami pang issue na bumabalot sa ahensiya, for example iyong noong SONA, 'di ba mayroon silang pinost na picture na iyong supposed to be mukha ni Tita Helen Gamboa nilagay nila na ang caption si Susan Roces. Or iyong Norwegia sa kanila din, 'di ba? So maraming kailangan ayusin. And I think I support ang position ni Senate President, I think it's high time ibalik natin doon sa dating setup iyong Office of the Press Secretary para talagang may isang, kumbaga accountable officer.

Question: Tama ba na ang point niyo is, kahit ano pang sabihin ng isang blogger gaya ni Mocha, at the end of the day iyong mga tao pa rin ang pipili kung gusto nila o hindi ng official kahit anong paninira?

Binay: Oo kasi 'di ba, kunwari, bilang isang kandidato, kasama iyon eh, once you enter that arena, you have to be prepared na may maninira sa iyo, may babatikusin ka, lahat ng pamimintas, that's part of the territory. Whether it's Mocha or another person, you just have to prepare for that scenario.

Question: Mas bagay siyang blogger?

Binay: Pero, 'di ba, anyway ang positive side at least nag-decide na siya na mas gusto niya maging blogger kaysa maging Asec.

Question: That's better?

Binay: Better? Baka best to ask her kung saan sa kanya better.

Question: Filing of candidacy

Binay: Iniisip ko 9 o'clock kasi Bi-9, o 'di ba?

Question: Na-finalize na slate?

Binay: Wala pa, UNA lang.

Question: Hindi ka sasama sa PDP? Coalition?

Binay: Hindi, may partido kami eh. Siguro pagkatapos ng filing ko malalaman kung anong coalition sasamahan.

Question: Pero definitely kayo sa UNA slate, ilan ang ilalabas ninyo sa senatorial?

Binay: Baka dalawa.

Question: Kayo ni?

Binay: May isa eh, baka si..pwede ko na bang i-announce? Baka si Atty. Dan Roleda.

Question: SIno iyon, ma'am?

Binay: Atty. Dan Roleda. UNA iyon. Dating konsehal sa Manila. Nakakasama ko siya. Kaso lang noong nag-occupy siya ng government position, hindi ko pa siya kilala noon. So mas alam ko siya bilang abogado.

Question: So dalawa kayo na official UNA? Tapos coalition na lang after? Like NPC?

Binay: Yes. Or LDP, PMP, NP, NPC.

Question: PDP-Laban hindi?

Binay: Ah...pwede din. Sabi ko nga sa'yo pwede din lahat?

Question: (inaudible)

Binay: Ah hindi, iniisip ko pa. Kailangan lang may personal significance.

Question: Dalawa kayong tatakbo, package deal kayo?

Binay: Baka dapat ganoon.

Question: Bakit 'di na lang kayo mag-isa? Paano kung ayaw i-adopt, kayo lang ang gusto? Kawawa naman.

Binay: Hindi ko alam. Pagu-usapan pa, saka next week pa iyon, marami pang mangyayari.

News Latest News Feed