Press Release
October 3, 2018

PRIVILEGE SPEECH OF AKBAYAN SENATOR RISA HONTIVEROS ON THE RATIFICATION OF THE EXPANDED MATERNITY LEAVE

Ginoong Pangulo,

Wala pong mapaglagyan ang aking kasiyahan ngayong araw na ito, After 26 long years, we are finally expanding our maternity leave law from the current 60/78 days to 105 days, or 3 and a half months. We are also providing an additional 15 days for solo mothers, and a provision for parental leave sharing of 7 days for fathers and alternate caregivers. This is truly a historic and landmark piece of legislation that we legislators in the 17th Congress can be proud of. This was one of the very first bills I filed and I thank all my colleagues who made this law possible.

Kay Nanay na nagtratrabaho sa pabrika maghapon at tatakbo pauwi para makapiling kahit ilang saglit si bunso at malalaman na nakatulog na pala siya sa piling ni Lola, para sa iyo ito.

Kay Mommy na pasimpleng nagpapump ng breast milk sa gitna ng work station ng call center, para may maiuwing gatas para sa anak, para sa iyo ito.

Kay Mama na pilit pumapasok sa trabaho, kahit hindi pa maganap na magaling mula sa hirap ng panganganak dahil natatakot masisante o mademote, para sa iyo ito.

At kay Papa na kulang ang pitong araw na paternity leave at gusto ng panahon para makapagbonding kay baby, para sa iyo ito. May 7-day daddy quota ka.

At sa ating lahat, sa bawat isa sa atin na nangangarap ng mas mapagkalingang mundo, para din ito sa atin. This victory is nothing short of historic and revolutionary. We just made the world a little bit better, a little gentler today.

News Latest News Feed