Press Release
October 5, 2018

WIN TRANSCRIPT AMBUSH INTERVIEW | INFLATION | MASSIVE RECRUITMENT | PRRD'S HEALTH | DILG: DISQUALIFY CANDIDATES

INFLATION

SEN WIN: Dapat gawin kaagad yung Pantawid Pasada Program (PPP) dahil isa sa pangunahing dahilan ng inflation ay ang pagtaas ng langis na pumalo na sa 80$ per barrel sa international market. So dahil sa pagtaas ng langis, ang natatamaan ay ang pamasahe ng ating kababayan at transportation costs. So ngayon, meron tayong 180,000 vehicles na nag e-enjoy ng PPP at nakakuha na ng Php5,000. Ang aking mungkahi ay mapataas ang binibigay na subsidiya, from Php 5,000 to Php 6,000 dahil tumaas na ang presyo ng langis at dapat i-expand pa itong PPP sa mga tricycles dahil definitely, pag tumaas ang presyo ng krudo, ang pamasahe ng tricycle ay tataas din at ipapasa din sa sumasakay ng tricycle. So sa mga PUVs, dapat kasama na rin ang tricyles sa nabibigyan ng subsidiya.

Q: trend ng inflation?

SEN WIN: Ang trend from my analysis, bumabagal siya, from 6.4 to 6.7. Hopefully bumagal na ito in the next few months. Ang hindi natin controllado diyan ay ang presyo ng langis from outside dahil nag i-import tayo ng langis. Almost 100% ng langis imported, so hindi natin ma-control pero sa mga ganitong presyo, ang in-expect ko lalaki din ang supply ng langis at hopefully pag lumaki ang supply ng langis bumaba sa 80$ per barrel ang langis. Pag bumaba yan ng 80$ then you can see some relief sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin.

Q: actions from BSP?

SEN WIN: I expect maybe another 50 basis points until the end of the year but tinitignan natin ngayon, it's a very volatile situation, ang situation ngayon talagang gumagalaw, kaya kailangan natin ma-monitor ng mabuti ang situwasyon sa Middle East pagdating sa langis dahil yan talaga ang isang malaking dahilan kung bakit tayo nasasaktan sa pagtaas ng presyo sa mga bilihin.

Q: possible civil unrest due to the continuing rise of inflation?

SEN WIN: In the Philippines, impossible yan, I don't think there will be any civil unrest. Unemployment numbers natin bumaba siya, our economy remains to be one of the strongest in the region but of course yung mga ganitong aberrations, mga bagay na hindi talaga natin ma co-control tulad ng mga pangdaigdigang sitwasyon pagdating sa lasing but fundamentally malakas pa tayo. We have our international reservesm they are still good for 6- 8 months, fundamentally were still very strong.

Q: weaknesses of the [TRAIN] bill?

Definitely we now have to talk about the TRAIN law, we need to go forward with the TRAIN law come 2019. Kasi meron pa tayong second round kung saan magtataas pa tayo ng excise tax on fuel. So ito yung isang bagay na kailangan mapagusapan ng mabuti at mapagaralan ng mabuti. The end of the year is fast approaching at mag dadagdag tayo ng excise tax this 2019 so dapat mapagaralan kung itututloy pa ang pagdagdag ng presyo ng excise tax. Next year it will be revenue neutral, ibig sabihin lahat dapat ng kolektahin at bayaran dapat nagawa na natin for 2018. So in 2019, dagadag revenue ito na pwede natin i-postpone or suspend dahil tumataas na presyo ng mga bilihin.

MASSIVE RECRUITMENT

Q: massive recruitment sa Valenzuela factories?

SEN WIN: Last weekend umuwi ako sa Valenzuela and I talked to the people in charge sa mga negosyo at mangagawa namin at nabalitaan ko na meron mga recruitment na nangyayari na hindi naman ginagawa sa mga nakaraang panahon. Itong last 30 days, may mga organizers na pumapasok sa mga factories at pabrika at pinipilit silang gumawa ng union. Nakakaalarma ito dahil gusto natin tuloy-tuloy yung trabaho, yung pag nenegosyo, at yung pumapasok na grupo na gusto gumawa ng gulo, maapektuhan nila diyan ang mga trabaho ng tao. Naalarma lang kamidahil sa tagal namin dito sa Valenzuela, itong huling 30 days lang namin nakita itong aggressive recruitment.

Q: Connect sa pinalutang na--?

SEN WIN: Ako tingin ko konektado ito sa intelligence information na lumlabas na meron mga grupo na binubuo para i-destabilize ang government. Feeling ko, itong recruitment na ito ay konektado sa destabilization plot.

Q: how many people?

SEN WIN: It's hard to estimate kung ilan na ang kanilang napasukan but definitely we're very certain na may grupong pilit na pumapasok sa mga pabrika.

PRRD'S HEALTH

Q: state of PRRD's health?

SEN WIN: Ang tingin ko diyan dapat antayin natin ang resulta, the President has been transparent sa sinabi niyang nagpa testing siya at pumunta siya sa hospital at nagpatingin siya sa doctor, let's wait for the results.

Q: publicize the results?

SEN WIN: First of all, we hope the best for the President, alam natin marami siyang ginagawa para sa bansa natin and despite the many problems our country is facing, he is doing his best. I would really advise to wait for the results to come out- -dahil sinabi na ni President ang pagpunta niya doon [hospital], and susunod diyan ay ang resulta ng pagpunta niya doon. He was quite transparent about him being in the hospital, so the second move is to announce, to tell the public kung ano yung resulta ng pagpunta niya doon.--let's wait and hope for the best for our President, let's wait for the results, mahirap mag speculate lalo na pagdating sa health dahil mga specialista lang ang pwede magsabi kung ano ang talagang kalagayan ni Presidente.

DILG: DISQUALIFY CANDIDATES

Q: DILG asking Comelec to disqualify candidates?

SEN WIN: They have to file cases, they have to prove that these elected officials sa drug list ay guilty at merong klarong ebidensya na kasama talaga sila sa drug trade. Of course we don't want candidates na kasali dito sa illegal drugs o sa pagbebenta ng drugs but they would have to file cases, they have to prove in court na itong mga taong ito ay kasama nga sa illegal drug trade--but they have to do it now, of course they cannot prevent these people from filing. It's their right to file without any cases, without restraining order to prevent them, mag fi-file at mag fi-file sila.

News Latest News Feed