Press Release
October 8, 2018

Transcript of Sen. Bam's interview after filing of PUV Modernization Bill

Sen. Bam: Nag-file po tayo ng Senate Bill 2056, ito po yung makatarungang transition patungo sa modernization. Ito ay tumutugon sa mga issues ng ating transport sectors specifically yung ating mga kapatid na jeepney driver. Alam naman natin na mayroong modernization na ginagawa ang ating pamahalaan pero ang panganib nito sa ating mga jeepney driver at operators ay posible silang mawalan ng negosyo at pinagkakakitaan dahil may problema talaga yung modernization program ng gobyerno. Itong bill na ito sinisikap po na maghanap ng common ground, magkaroon pa rin ng modernization pero gawin itong makatarungan. Unang-una i-implement yung 5-year transition program. Hindi iyong in a few months posible na lahat sila mawala. Yung mga kababayan nating naghihirap ang sinasakyan po nila ay ang ating mga jeepney, kung mawala ang ating mga jeepney ay walang masasakyan yung ating mga kababayan at hindi talaga kaya na by March of 2019 lahat sila pinapabili ng two million na bagong sasakyan na gawa naman sa ibang bansa. Hindi talaga siya posible. Kaya ang hinahanap nating modernization ay yung makatarungan na kayang abutin ng ating mga jeepney driver operator at mabibigay pa rin yung hinahanap ng taumbayan na mas modernong transport sector ng ating bansa. Naghahanap po tayo ng makatarungang modernization at andito po tayo para suportahan ang transport sector at nag-file na nga po tayo, ang makatarungan transition tungo sa modernization.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: At the minimum kung may pinag-uusapang gantong klaseng bill dito po sa Senado siguro naman kailangan nilang i-postpone yung modernization na deadline kasi hindi po talaga kaya. Talagang hirap na hirap at umaangal na yung transport sector natin. Kada taas ng presyo ng diesel nawawalan sila ng kita. Naghahanap tayo ng paraan upang mas maging kaaya-aya itong modernization natin.

Q: Sir iyong subsidy na P80,000 mataasan po ba iyan?

Sen. Bam: Yes. masyadong mababa yung P80,000. Isipin mo P80,000 yung iba po dito 10 years or 8 years na yung mga sasakyan. Talagang ginamit nila iyan para mapakain yung kanilang mga pamilya tapos ipang papalit natin P80,000? masyadong mababa. Hindi natin mahihikayat yung ating mga jeepney driver na pumasok sa modernization kung ganoon kababa yung ibibigay para sa mga sasakyan na gumagana pa naman. Mahalaga dito mag usap at magahanap ng magandang solution.

Q: (Inaudible)

Sen. Bam: I think their postponing it, but you can ask Sen. Pangilinan he's the one who's handling that.

Q: What should the government do on oil price hike?

Sen. Bam: Matagal na nating panawagan iyan na huwag ng magtaas ng buwis ngayong Enero. Napag-usapan na namin iyan noon na iyang P2 malaking bagay iyan sa buhay ng ating mga jeepney drivers. Huwag nang ituloy iyan sa Enero, at i-rollback na yung mga itinaas ngayong 2018. Malaking ginhawa iyan sa mga Pilipino.

Q: Can the Congress do something about excise tax?

Sen. Bam: I filed the Bawas Presyo Bill few months ago, ang subject matter po niyan itong pag sususpend ng pagtaas ngayong Enero. Maraming paraan kung paano ito dapat isuspend.

Q: Gaano po kahirap yung pagtaas ng presyo ng bilihin?

EFREN DE LUNA (ACTO President): Talagang napakahirap dahil dati nakaka-anim na ikot kami at ngayon lumalabas nakaka apat na ikot na lang kami, napakalaking kawalan noon tapos sunod-sunod pa yung pagtaas ng presyo ng langis. Katulad ngayon tatataas na naman, kaya doon pa lamang sa pagtaas na iyon salat na salat na ang aming kita. Yung hinihiling nga namin na yung P8 maging P12 ang lumalabas hindi naman pang dagdag ng kita namin iyon, kundi tinatawag na pang-tapal lang doon sa taas ng presyo ng langis.

Q: Sinusuportahan niyo po ba yung Bill ni Senator Bam?

EFREN DE LUNA (ACTO President): Unang-una sinusuportahan namin iyan. Ang masakit dito parang minamadali ng gobyerno yung tinatawag nating modernization. Kaya po yung hiniling namin kay Senator Bam Aquino na gumawa ng bill na talagang may proteksyon sa mga hanay ng mga transport.

News Latest News Feed