Press Release
October 8, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Q: 'Yung sentiment po ng transport groups about modernization, what's your suggestion about it?

Sen. Grace Poe: Ito ang malinaw, ang LTFRB ay hindi nagbibigay ng pagkakataon para dito sa mga drivers natin na marinig, wala silang konsultasyon. Basta labas ng labas ng Memo Circular na hindi pa naman sila handa. Ang malinaw, ang gobyerno ay hindi pa handa na i-phaseout ang lahat ng mga public utility vehicles na non-compliant doon sa modernization requirement nila dahil hindi nga malinaw kung ano ang mga requirements nila. Ang sabi naman natin, sa modernization, kailangang ligtas at ito'y compliant sa Clean Air Act, 'yun lang naman. Bakit nila mamadaliin at tatanggalan ng trabaho ang ilang daanlibong mga drayber natin?

Q: Ma'am, anong nakikita ng committee na ire-recommend, 'wag madaliin?

Poe: Kasi gusto nila total phaseout na pagdating ng March 'pag walang mga kooperatiba, narinig na natin mismo kay Chairman Delgra na ipagpapaliban nila 'yon kasi ito muna--hindi pa nga malinaw kung papaano makaka-utang ng pera 'yung mga drayber para makakuha ng bagong sasakyan. Hindi rin malinaw kung ano ba talaga ang magiging requirement para doon sa sasakyan nila. Sa ngayon, hindi pa handa ang gobyerno, mawawalan ng masasakyan ang ating mga kababayan at mawawalan din ng trabaho ang marami.

Q: Clear ngayon na sa March wala munang phaseout?

Poe: 'Yun ang sinabi ni Chairman Delgra ngayon, na talagang hindi pa handa ang gobyerno na i-phaseout 'yan. So in principle, sinabi na niya na hindi puwede o hindi pa dapat maging total phaseout pagdating ng Marso.

Q: Are you convinced na parang ito daw modernization pinapaboran 'yung mga malalaking korporasyon at 'yung mga maliliit parang talagang baka ma-displace sila?

Poe: 'Yun pa ang isang nakakadismaya, ang nangyayari, ang nabibigyan ng mga unang prangkisa ay 'yung mga malalaking negosyante at korporasyon, walang masama do'n pero bigyan din ninyo ng pagkakataon lalung-lalo na ang mga maliliit, sila 'yung nawawalan ng prangkisa, sila 'yung nawawalan ng trabaho. Bakit inuna nila 'yung mga malalaking korporasyon? 'Yun ang tanong natin.

Q: Mapagbibigyan ba 'yung panukalang ibalik si Atty. Lizada as spokesperson ng LTFRB?

Poe: Ang isa pa, sana ibalik nila ang matinong spokesperson para naiintindihan natin kung ano ang nangyayari. Ang nangyayari sa LTFRB, parang ang gusto nila patahimikin ang may salungat na opinyon sa kanila, sabi ko ang trabaho ng spokesperson ay magsabi ng totoo at hindi para magtakip sa mga pagkakamali.

Q: 'Yung strike, sa tingin ninyo hindi na maiiwasan?

Poe: Alam mo pinapakiusapan nila na 'wag silang mag-strike. Ang problema, kung hindi naman sila pinapakinggan ng LTFRB at ng gobyerno, masisisi mo ba sila? Pero ang sinasabi ko sana pagbigyan nila ang ating mga pasahero, 'wag na muna sana hangga't maaari. Kaya LTFRB, pakinggan naman ninyo sila para hindi naman sila mawalan ng pag-asa, lumabas sa lansangan at mag-strike.

News Latest News Feed