Press Release
October 26, 2018

GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
After speech at OktubaFest
Tacloban City
Oct. 26, 2018

Question: Can I get your comment on the reassignment of Bureau of Customs Chief, TESDA na ngayon, hindi ho ba kayo na ano dito na parang may recycling lang.

Sen. Grace Poe: Hindi ko nga maintindihan 'yun. Maaari talagang hindi nalalaman ni Comm. Lapeña ang nangyayari doon sa baba pero siyempre command responsibility. Ngayon, nagulat lang ako na parang ang bilis ng balasa. Ano kaya ang kakayanan niya sa TESDA? Baka naman mayroon, hindi natin alam kasi nga napakabiglaan, nakakagulat lang.

Q: Ano ito, parang may pattern, inaalis tapos binabalik.

Poe: Parang ganoon na nga ang lumalabas.

Q: But do you think the President is really serious in his campaign against drugs?

Poe: I think he's very serious about his campaign against drugs that's why frustrated din siya na ganoon ang nangyayari. Siguro, alam niya na baka hindi talaga alam ni Lapeña ang nangyayari sa baba kaya he's trying to find somebody who might be more competent, in terms of investigating those things or arresting...so 'yun siguro ang dahilan. Hindi ko alam, hindi ko naman siya nakakausap.

Q: But you're giving him the benefit of the doubt that he has something to do with this...

Poe: Who am I giving the benefit to?

Q: Former BOC Chief Lapeña

Poe: Yes of course, he has to be given the benefit of the doubt. Tingnan na lang natin kung sa imbestigasyon lalabas talaga na may kinalaman siya. Pero sa tingin ko talaga, lalong lalo na kapag alam mo 'yan ang pinakaayaw ng Presidente, hindi mo 'yan papayagan. So yung mga nakakalusot siguro 'yung doon sa baba.

News Latest News Feed