Press Release
November 13, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview
at the First Philippine Aviation Safety Day

Nov. 13, 2018

Question: Ma'am you mentioned about the Xiamen incident and MIAA said hindi pa sila nagbabayad in full, ano pa ba ang update dito and are you going to have a follow up hearing?

Sen. Grace Poe: Hindi na kailangan ng hearing, kailangang singilin na talaga ang Xiamen. May kakayanan naman silang bayaran 'yan, bayaran nila agad. At nasa airport authority 'yan na i-pressure sila, huwag payagan ang mga airline nilang mag-land diyan or magtake-off hangga't hindi nila nababayaran ang kanilang multa.

Q: How do you think the National Transport Safety Board (NTSB) will help in future incidents like Xiamen?

Poe: Siyempre importante. Kasi ang NTSB magkakaroon ng independent na mga indibidwal, hindi konektado halimbawa sa airport authority o sa CAAP, para ang imbestigasyon nila walang kinikilingan. 'Yun ang importante, na may independent investigating body.

Q: Ma'am about the fare hike, kasi parang nagkakaroon ngayon ng hilahan, dapat ma-implement ang P10 fare hike o ibaba sa P8 fare...

Poe: Kasi ganito 'yan, parehong nakadepende ang trabaho diyan, trabaho ng mga jeepney driver at ibang mga PUV drivers at trabaho rin ng mga mananakay dahil kailangan nila 'yan para makarating sa pupuntahan nila. Ang sinabi ni Secretary Tugade, dapat mabilis ang pagdedesisyon ng LTFRB pagdating sa fare hike or decrease kasi nakasalalay din 'yan sa presyo ng krudo. Minsan 'pag desisyon nila na taasan ay bumaba na ang presyo; kapag babawasan naman nila, tumaas. Kaya dapat, ano ba naman na mayroon silang proseso na within a day or two, they could implement a decision. That's really an LTFRB responsibility but they need to do it rather quickly and to address the situation.

Q: Do you agree with Secretary Tugade's proposal to have a fare matrix on adjustments, immediate adjustments?

Poe: Absolutely. But the important thing about the matrix is that it will address it immediately.

Q: Ma'am you mentioned earlier that the development of airports in the Philippines is questionable, can you expound on that?

Poe: No naman. There are a lot of proposals, marami nang nagbibigay ng proposal na pagandahin ang airport pero napakatagal magdesisyon ng DOTr kung sino ba ang pipiliin nila. At minsan kapag pumipili pa sila, kuwestiyonable. Nakita natin ang airport sa Cebu, napakaganda. Kapag nagdedesisyon lang ng mabilis ang ating gobyerno at binabantayan nila na hindi tayo lolokohin, ang produkto nito ay nakakapagbigay ng biyaya sa napakaraming pasahero. So sana naman, bilisan nila ang desisyon kasi ang kapangyarihan ay nasa kanila.

...

Q: Ma'am pinatakbo na nila ang Dalian train and we recall that you're against running these Dalian trains, anong take niyo kapag pinatakbo nila ito...

Poe: Hindi, from the very beginning I was in support of having new trains and initially masaya talaga ako na nagkaroon tayo ng mga train. Pero noong dinala ang train dito ng walang kasamang makina at hindi pa nila nate-test...sabi ko huwag niyong patatakbuhin 'yan ng hindi pa ninyo nasusubukan. So, maraming salamat na lang at nasubukan nila. At maraming salamat na rin na kahit na lumipas ang tatlong taon, ngayon napapatakbo na. Pero huwag nating kalilimutan na may mga nagkasala dito; na overpriced ito, na hindi ito gumana kaagad; na matagal na naghintay ang ating mga kababayan bago ito napatakbo but definitely this is something that we paid for and I am glad that this is now being utilized.

Q: Ma'am on the issue naman po ng LRT-1, LRT train na supply kasi it's the governments side doon sa pag-aacquire ng new trains for LRT-1, hanggang ngayon wala pa rin.

Poe: Oo nga...

Q: Puwede ba tayong magkaroon ng hearing about that?

Poe: Definitely, pagdating sa budget hearing kailangan ang DOTr ay mag-eksplika kung bakit natatagalan sila sa pagbigay ng desisyon. Kasi 'di ba, katulad nga nitong Mega-Consortium na ito, kailan ba talaga mag-uumpisa, mayroon na bang approval ng NEDA? I think 'yun na lang ang hinihintay.

Q: Ma'am on the telco, they promised, DICT and NTC promised that they'll be transparent pero mukhang kinukwestyon ang Mislatel ngayon.

Poe: Oo nga, gusto nating matanong din, kaya ko naman hindi muna in-adjourn ang hearing na iyon dahil kailangan talaga sila bumalik para magbigay ng update. Paano napili 'yun? Kasi 'di ba sabi nila dinadaan daw nila sa isang parang computer-generated system para maging fair, so tingnan natin kung bakit 'yun ang nanalo.

Q: Disqualified ma'am yung dalawa kasi wala silang sinubmit na documents.

Poe: Tatanungin ko bakit hindi sila nagsubmit kung interesado sila dati.

Q: Ma'am, as we speak right now because sunud-sunod po ang pag-rollback natin, do you think this should warrant a decrease in fares kasi may nag-file po kanina na ibalik sa P8 from P10?

Poe: Oo, alam mo dapat talagang ikonsidera 'yan ng LTFRB at kung magbibigay sila ng desisyon, desisyunan nila agad. Baka mamaya ngayon sabihin nila bawasan natin, 'pag bawas nila, let's say after one month ay tumaas na naman ang presyo. Dapat diyan tama, may fare matrix at ang susi diyan ay dapat mabilis ang desisyon.

News Latest News Feed