Press Release
November 28, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Q: Si Justice Bersamin na ang CJ ngayon, may observation na parang hindi na-observe 'yung seniority rule na sinasabi ni Presidente?

Sen. Grace Poe: Siyempre prerogatiba palagi ng Presidente 'yan. Marami namang magagaling sa Supreme Court pero ako ay masaya rin dahil sa tingin ko si Justice Bersamin ay magiging epektibo dahil mayroon siyang: Unang una, sa tingin ko magaling siya, tapos 'yung kanyang mga kasamahan kasundo rin niya at sa tingin ko naging patas naman siya sa maraming mga kaso na dumaan sa kanya.

Q: 'Yung doon sa mga sinasabi na plano ni Presidente na nationwide na Duterte Death Squad na vigilante group against the NPA

Poe: Kailangan kong malaman kung ano ba 'yung konteksto no'n pero nakakabahala 'yon so siguro, minsan kasi ang Presidente nagsasabi ng mga ganyan pero alam naman natin na mayroon tayong batas na sinusunod so 'yun pa rin ang mananaig at alam naman natin na sa kahit na anong sitwasyon may proseso.

News Latest News Feed