Press Release
November 29, 2018

Sen. Bam on the guilty verdict in Kian delos Santos case

Tagumpay ito ng katarungan laban sa dahas.

Mahalagang hakbang ito sa pagkamit ng ganap na katarungan para kay Kian at sa lahat ng inosenteng biktima ng war on drugs.

Sa desisyong ito, kita natin ang lakas ng taumbayan kapag tayo ay mapagbantay at nag-iisang boses para sa mga kababayan nating inaapi't walang laban.

Subalit huwag nating kalilimutan, hindi lang ang tatlong pulis ang pumatay kay Kian.

Pinatay siya ng isang marahas na polisiya kung saan dehado ang mga maliliit at mahihirap.

Hindi ito dapat matapos dito, dapat may magbago, dapat wakasan ang karahasan.

News Latest News Feed