Press Release
December 24, 2018

Sen. Bam on the full implementation of CHED's tertiary education subsidy (TES)

Napakagandang balita ito para sa mga pamilya ng TES scholars ngayong Pasko!

Pero sana gawing New Year's resolution natin ang 100% implementation ng Libreng Kolehiyo.

Siguraduhin natin na ang buong budget na allocated para sa TES ay mailabas sa lalong madaling panahon, kasama na rito ang mga scholarship para sa mga estudyante ng private Higher Education Institutions.

Tuparin din dapat natin ang 100% compliance sa Libreng Kolehiyo ng lahat ng state university at college.

Dapat walang SUC ang maniningil ng tuition o mandatory fees sa mga estudyante ngayong 2019.

News Latest News Feed