Press Release
January 26, 2019

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW
Public Services Hearing
University of Science and Technology Southern Philippines, Cagayan de Oro City
Jan. 26, 2019

Q: Narinig niyo po yung mga concerns especially ng transport sector, ano po ang pinaka-immediate na action po na i-a-address natin?

Sen. Grace Poe: Ang unang-una ay kailangan talagang kausapin 'yung LTFRB na suspendihin ang Joint Administrative Order ng mga penalties dito sa mga public utility vehicles na ii-impound. Ang problema kasi ang ibinabayad nila; halimbawa, ikaw ay isang bus parang P1 million, 'yung mga iba naman nagbabayad ng P200,000, 'yung iba P50,000. Saan kukuha ng pambayad 'yung mga drivers natin ng ganyan? Ito ay iligal sapagkat hindi ito ang batas, ito ay Joint Administrative Order lamang noong dating DOTC na hanggang ngayon ay ipinapatupad, so kailangan nating ayusin ito dahil hindi na po ito makatao, mapang-api na ang ganitong klaseng administrative order.

Q: You mentioned also na gusto mo 'yung pantawid pasada na direct na mapunta sa mga drayber at hindi na sa operator?

Poe: Oo, kasi ang ibang mga operator hindi nila naibibigay sa drayber. Tapos dati kasi ang paraan is ang Department of Energy parang may binibigay silang card, basta drayber ka bibigyan ka nila niyan. Ngayon dito sa Cagayan de Oro parang 10 percent or less lang sa mga drayber ang nakakatanggap so ibig sabihin 'yung subsidiya na parang dapat lumalabas P5,000 at least per year, sayang rin 'yon 'di ba?

Q: Ma'am, ang PUV modernization po, statement niyo po dito. Problema ng mga maliliit na operators and drivers na ma-phaseout bigla ang mga sasakyan nila.

Poe: Alam mo, ako kasi importante sa lahat ay roadworthiness. Dapat ligtas ang mga pampasaherong sasakyan pero hindi naman mayayaman ang mga drayber natin at saka hanapbuhay nila 'yan so kung ang sasakyan nila ay malinis at roadworthy, huwag munang palitan 'di ba kung ito pa naman ay gumagana ng tama. Ang dapat ayusin 'yung korapsyon sa LTO, kasi minsan kahit na ang sama ng buga ng usok bibigyan pa rin nila ng permit. Obviously hindi roadworthy 'yon pero 'yung mga maaayos bakit nila pahihirapan? Uutang sila ng one point something million, paano nila babayaran 'yon? Baka mamaya tumaas lalo ang krimen sa ating bansa 'pag naghirap ang ating mga kababayan.

Q: Are we going to support their call also na 'yung moratorium po for modernization?

Poe: Actually sinabi--alam mo si Secretary Tugade minsan sinasabi niya 'o i-extend natin,' five years daw ngayon pero depende sa ihip ng hangin, minsan pinapalitan nila.

News Latest News Feed