Press Release
January 28, 2019

MACWIE BILL:
PAGKILALA, PROTEKSYON AT PAG-ASENSO PARA SA MGA
 MANGGAGAWA SA IMPORMAL NA SEKTOR

Sponsorship Speech on the Magna Carta for Workers
in the Informal Economy by Senator Joel Villanueva

Ginoong Pangulo, mga kasama, isang malaking karangalan po para sa inyong lingkod bilang pinuno ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development na i-sponsor ang Committee Report No. 572 na naglalaman ng Senate Bill No. 2715 at may layuning ipagkaloob ang Magna Carta para sa mga kababayan nating manggagawa na kabilang sa tinatawag na "informal economy".

Lubhang makasaysayan po ang araw na ito dahil sa loob po ng mahigit 14 na taon, sa wakas, umabot po dito sa plenaryo ang "Magna Carta for Workers in the Informal Economy" o ang MACWIE Bill.

Kaya uunahin ko na po ang magpasalamat sa mga kasamahan nating nagpanukala nito ngayong 17th Congress na sina Senator JV Ejercito, Senator Sonny Angara at Senator Grace Poe.

Sadyang panahon na po para maisabatas ang Magna Carta for Workers in the Informal Economy Bill lalo na't hindi naman po bumababa ang bilang ng mga kababayan nating nasa informal sector, bagkus pataas po nang pataas ang bilang nila.

Noong isang taon, ang annual labor force participation po ng bansa ay nasa 60.9% ng 71.3 milyong mga Pilipino na 15 taong gulang pataas. Katumbas po 'yan ng 43.5-milyon na "economically active population" o yung pinagsamang may trabaho at walang trabaho.

Subalit ang mas mahalagang tanong po ay ito: Ilan sa 43.5-milyong manggagawa sa Pilipinas ang nasa informal sector? Kung susundan po natin ang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, sa mahigit 40-milyong may trabaho, 7.7-milyon lang po ang nasa formal sector, samantalang 33-milyon ang nasa informal sector.

Kung titingnan naman po natin ang bilang ng mga enterprise sa bansa, napakaliit na porsyento lang po ang bumubuo sa mga large at medium enterprise na may 0.9% lang, ang small enterprises ay 9.2%, at ang micro enterprises, kung saan matatagpuan ang karamihan ng mga informal workers, ay 89.9%.

Sino ang mga nasa informal economy?

Mr. President, the informal economy covers all economic activities by workers and economic units that are, in law or in practice, not covered or insufficiently covered by laws or formal arrangements.

Hence, informal employment refers to an employment arrangement in the formal or informal sectors or in households that have no formal guarantees on legal protection.

Sa madaling salita, sila po ang mga "unregistered, unlicensed and unregulated" na mga indibidwal o enterprise at kalimitang nag-e-empleo ng kanilang mga kapamilya o kamag-anak. Wala po silang proteksyon sa batas.

Sila po 'yung mga tindera sa bangketa na may tulak-tulak na kariton, 'yun pong mga nagka-carinderia, nagsasari-sari store, 'yung mga "padyak" at tricycle driver na nakaparada sa halos lahat po ng mga kanto natin sa buong Pilipinas.

Sa mga terminal naman po ng bus, sa mga pantalan, sa tapat po ng mga eskwelahan, malls at kung saan maraming kumpulan ng mga tao, andyan po yung mga kababayan nating "takatak", nagbebenta ng "samalamig", banana-que, fishball, goto at sari-saring mga street food.

Hindi ko pa po nababanggit, Mr. President, ang mga barangay health workers at ang mga rescue operation na walang mga benepisyo kaya sa panahon ng aksidente, pagkakasakit at kamatayan ay walang mapagkunan.

Mas marami pa po kung isasama natin ang mga agricultural worker at mga mangingisda, ang mga sakada, ang mga nasa construction, ang mga karpinterong arawan o pakyawan, ang mga homeworkers, ang mga nangangalakal ng basura.

Mr. President, 80% po ng ating mga manggagawa ang nasa underground economy. Hindi po kalabisan kung sasabihing babagsak ang ating ekonomiya kung titigil sa kanilang mga aktibidad ang mga manggagawa sa impormal na sektor!

Sa laki po ng kanilang bilang, hindi po ba dapat lang na bigyan natin sila ng pagkilala sa ating mga batas? Hindi po ba dapat lang na tulungan natin silang mag-transition sa "formal economy" kung saan makakatanggap rin sila ng proteksyon at mga karapatang tinatamasa ng mga manggagawa sa mga registered na mga negosyo at mga korporasyon?

Karapatan ng mga manggagawa sa impormal na sektor

Mr. President, the proposed Magna Carta provides that workers in informal economy will be entitled to all the rights provided for by law, including:

(1) the right to a living wage and equal remuneration for work of equal value without distinction of any kind;

(2) The right to basic services including affordable medical care, reproductive and other health services, low-cost housing, water, sanitation, electricity and transport;

(3) The right to equal access to education, skills training, and economic resources to develop self-reliance, especially of children and young persons, without any discrimination;

(4) The right to self-organization and to collectively negotiate with government and other entities in the promotion of their welfare and advancement of their interests, free from any political interference;

(5) The right to adequate standard of living for workers and their families, adequate food, clothing, shelter, and the continuous improvement of such standard.

Case Study (Remedios Camposanto)

Mr. President, ilang metro lang po mula dito sa kinatatayuan natin ay isang manggagawang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinutukoy ko po ay walang iba kundi si Aling Remedios "Medy" Camposanto. Tindera po ng daing at tinapa. Sampung taon na po siyang naka-puwesto d'yan sa covered walk malapit sa main gate ng Senado.

Pitumpung taong gulang na po si Aling Medy ngayon. Kung tutuusin, dapat retirado na siya. Araw-araw, bitbit po n'ya ang dalawang bayong ng mga produkto n'yang isda. Bumibyahe po siya mula sa bahay n'ya sa Rosario, Cavite.

Wala po silang social protection benefits tulad ng SSS, Pag-Ibig at Philhealth at hindi rin sila sakop ng ating Labor Code. Kaya si Aling Medy, hindi po makakaranas mag-pensyon.

Ang laborer at anak naman po ni Aling Medy ay hindi rin sakop ng minimum wage, overtime at holiday pay, at iba pang mga benepisyong itinatadhana ng Labor Code. Lalong hindi po siya sakop ng "Occupational Safety and Health Standards Law" dahil hindi naman sila sakop ng mga ginagawang labor inspection ng DOLE.

Ang masaklap pa, ilang beses na po diumanong na-demolish ang kanyang pwesto noon. Ang pasasalamat lang n'ya ay pumayag ang Senado na makapagbenta siya d'yan po sa labas, sa may covered walk po natin. Swerte rin po ang mga empleyado natin dito sa Senado dahil paglabas nila ng opisina, may mabibilhan na silang panghapunan at mura pa.

Pagbabago sa tulong ng MACWIE

Marami na pong pag-aaral ang nagsabi na interdependent ang informal at formal economy. Kaya lang, sa maraming pagkilos ng gobyerno noon at maging hanggang ngayon, tila gusto natin silang lipulin dahil sa mga ginagawang demolition, sidewalk clearing operations, pagkumpiska ng kanilang mga paninda, motor, at mga kagamitan sa pagnenegosyo.

Tingnan n'yo po itong larawang ito [shows a photo]. Bago mag-demolition, buhay na buhay ang economic activity sa lugar pero sa maraming dahilan, kailangang mag-clearing operation; ngayon wala ng makapag-negosyo at makapag-trabahong informal sector d'yan.

Ito rin po [shows a photo]. Ilang beses ko na pong nakasabay sa high-way ang parehong sitwasyong ipinapakita sa larawang ito kung saan ang mga opisyales ng isang LGU dito sa Metro Manila ay hila-hila ang mahigit kumulang dalawampung tricycle - pinagdugsong-dugsong ng isang lubid para walang makawala papunta kung saan man sila i-e-impound.

Hindi po ba dapat ay may maayos na pagbalanse ang LGU para mapangalagaan ang karapatang maghanapbuhay ng mga mamamayang nasa informal economy at pangangailangan ng kaayusan?

Salamat na nga lang po at may ilang LGUs na may progresibong pananaw at nagsasagawa ng regular na "night markets" para sa mga informal sector vendor at nagtatalaga ng lugar kung saan pwede magbenta o di kaya lugar kung saan lang pwedeng magbyahe ang mga tricycle. Ang kaayusan po ay ang paglalagay ng klarong sistema at programa, hindi po ang pagkukumpiska sa kanilang motor, gamit pangkabuhayan o mga paninda.

Sa aking pananaw magandang tingnan ang halimbawa ng Bangkok, Thailand sa pagbibigay puwang para sa kanilang informal sector sa pamamagitan ng mga naglalakihang night markets na naging tourist attractions pa nga. At hindi rin po lingid sa ating kaalaman na malaki ang maiaambag sa ating ekonomiya kung sila ay bibigyang puwang para lumago, makakapagbigay po ng trabaho at alternatibong kabuhayan sa nakararaming hindi makapasok sa mga pagawaan.

Ang pagsasabatas po ng MACWIE ay pagtalima ng ating bansa sa International Labor Organization Recommendation No. 204 na nilagdaan, kasama ang Pilipinas, noong 2015.

Mr. President, it's very hard to imagine that while we are exerting our efforts to amend the Labor Code of the Philippines to make it attuned to the times, there are workers in this country who will never enjoy these reforms.

They will never enjoy these reforms unless we give them recognition within our legal framework and unless we bring them from informal employment into the mainstream of the Philippine economy.

Layunin po natin sa Committee on Labor na tapusin na ang mahabang panahon kung saan ang trabaho o kabuhayan ng malaking bilang ng kapwa natin Pilipino ay hindi kinikilala o binibigyang halaga.

ISABATAS NA PO NATIN ANG MACWIE.

God bless us all.

News Latest News Feed