Press Release
February 27, 2019

Transcript excerpts from Headstart interview with Sen. Francis "Kiko" Pangilinan

Q: On your challenge for Hugpong candidates for a debate... they said there has to be a clear set of guidelines.

A: Siguro first, marami kasi sa mga kandidato ng administrasyon ang hindi sumasama sa mga televised debates. At naniniwala tayo na tungkulin nilang ipaliwanag, halimbawa, 'yung mga incumbents at pati na rin 'yung mga sumusuporta sa administration: 'yung TRAIN Law. Bakit pinasa ito... Ano ang epekto nito sa ating mga kababayan... Bakit magkakaroon pa ng TRAIN 2? Dahil ito ay minumungkahi pa rin ng gobyerno. Dapat kasama sa debate. Dapat pinag-uusapan ito. Hindi 'yung 'yun nga, puro song and dance, etc. 'Yun ang dahilan. We believe that for the voters to have real interest dito sa mga kandidato, dapat pinag-uusapan 'yung issue nila, 'yung issue nung mga botante -- 'yung hanapbuhay, trabaho, presyo ng bilihin, TRAIN Law. 'Yun ang starting point. So sabi natin dahil hindi sumisipot sa mga televised debates 'yung marami sa mga kandidato dahil umiiwas, we issued that challenge. At sinagot naman. Ngayon sabi nila ba't walang rules? Kasi sabi nila anytime, anywhere they're willing to debate. Eh 'di anytime, anywhere. Nagtakda tayo ng oras...

Q: Sa Plaza Miranda...

A: Sa Plaza Miranda. Nung February 25, 12 noon. Eh kasi nga anytime, anywhere so nagpakita kami roon. Pero okay, sabihin na nating kinakailangan nga ng rules para maayos, we're willing. Today we will contact some of the senators from Hugpong. Tutal nakakasama naman natin sa Senado nitong mga nakaraang taon, we will contact them. Sige, pag-uusapan natin ang rules, para maituloy na ang debateng ito.

Q: So you're really intent in having them engage you in a debate?

A: Yes, and because they are also willing. Of course wala naman tayong magagawa kapag sinabi nilang ayaw nila. Pero sabi nila dapat may rules, willing tayo.

Q: Some people see this particular tact from the Otso Diretso slate as a form of negative campaigning. But of course this is not prohibited under the law but do you think this may also backfire later on?

A: I don't see how it could be a negative campaign when we're only asking for a debate so our citizens, para ang ating mga kababayan ay malaman ang posisyon ng ating mga kandidato sa mga issue. Admittedly, when we participated in the debates, our eight candidates have performed very well. Sabi nga ni Chel Diokno, ang Senado ay hindi naman labanan ng tarpaulin eh. Hindi naman gagawa ng tarpaulin sa Senado. Ang ginagawa sa Senado nagdedebate sa mga isyu na malapit at may epekto sa buhay ng ating mga kababayan. Kaya't ngayon pa lang dapat malaman natin, sa pamamagitan ng debate kung mayroon bang kakayahan at dapat bang iboto ang mga kandidato, whether Otso Diretso or administrasyon.

Q: That's true. But if you go by the surveys and historically how the Filipinos vote, a good number of voters really don't know the specific platforms, it's all about name recall.

A: Well, I think it depends. Kasi kung halimbawa, ang ABS CBN at GMA 7 sa joint primetime debates at isyu ang mga pinag-uusapan, palagay ko 'pag nalaman ng taumbayan, pag nagkaroon ng malalim na impormasyon ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga debate at ng media na napapaabot sa kanila, I think hindi magiging usapin lang ng kung sino ang pinaka-sikat. Hindi lang magiging usapin ng sino ang pinaka-marami ang tarpaulin. Magiging usapin na ng sino ang makakabuti para sa bansa, at sino ang hindi magiging mabuti sa bansa. Pero kinakailangan yung impormasyon ay umabot sa ating mga kababayan kaya napakahalaga ng debate.

Q: What do you think would be the primary issue that should define this particular campaign? For example in 2010 the issue was corruption, coming from the administration of Gloria Macapagal-Arroyo. Now in 2016, at least based on the surveys then, actually the issues were gut issues talaga eh, education, jobs. But you had someone like President Rodrigo Duterte presenting ang issue which was focused on crime. And that became part of the conversation if not the main conversation. Now, in 2019 what would it be?

A: Then we will hold this government to account for its promises. I think that should be one of the issues. Sabi na-fulfill na raw lahat ng mga pangako pero palagay ko 'yung pinaka number one na pangako, na matatapos ang kriminalidad at iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan, ay hindi natupad. Mas maraming takot ngayon. Mas maraming nakararanas ng robbery at kriminal activities sa kanilang mga bahay-bahay ngayon. Araw-araw ang patayan. Takot ang ating mga kababayan. Mukhang sumosobra na itong impunity dahil hindi lamang mga adik, kundi mga pari, mga negosyante... and ngayon nga itong banta sa mga obispo. Bakit nagkaganito? Nasaan na 'yung rule of law? Nasaan na 'yung law and order? Actually ang number one isyu sa ating mga kababayan ngayon ay trabaho, mataas ang presyo ng mga bilihin, pabahay. So nasaan na tayo dito? Ito ang mga dapat maipaliwanag sa ating mga botante ng mga kumakandidato. Paano natutugunan itong mga problemang ito at 'yung mga pangakong magkaroon ng tunay na pagbabago sa ating bansa.

Q: How difficult is it to campaign against the candidates endorsed by the President Duterte given the fact, that at least based on the surveys, he remains still very popular despite the dire prognosis in the country today that you have?

A: Well, ako naniniwala, kung maliwanag ang mensahe. Kung makikita ng ating botante na karapat-dapat mahalal itong ating walo, palagay ko makakakuha tayo ng maraming boto. Nung 2016, 61% of the voters did not vote for President Duterte. 'Yan ang kinakailangan nating suyuin at kumbinsihin na maboto ang ating mga kandidato. Paano natin gagawin 'yun? Pag-usapan natin 'yung mga malalaking isyu na nakaka-apekto sa kanila -- hanapbuhay, trabaho, seguridad. Kaya mayroon tayong 8-Point Program eh. Gumawa tayo ng malawakang consultation at pakikinig sa ating mga kababayan, 'yung Project Makinig. Lumabas doon 'yung mga saloobin ng ating mga kababayan and we translated this into our 8-Point Program ng Otso Diretso. Dito saklaw ang ilang mga issues tulad nung endo, West Philippines Sea, 'yung problema ng bakit binibigay ang trabaho sa mga Chinese na dapat sa ating mga kababayan. Itong patas na hustisya -- mahirap man o mayaman dapat may parusa dun sa mga nagkasala at dapat naaabswelto 'yung mga inosente. 'Yan ang mga tinutulak natin. Pabahay, 'yung 4Ps na dapat isabatas. So these are the programs na itutulak ng ating mga kandidato. 8-point program 'yan. So meron tayong mga agenda. Ang kinakailangan na lang, paano natin ipapanalo ito. Dapat ang mga kababayan mismo natin, kung naniniwala sila na mas maganda na ang Senado ay dapat magkaron ng mga Senador na maninindigan, hindi magbubulag-bulagan, hindi magiging sunud-sunuran, at syempre 'yung malinis ang hangarin at tapat sa tungkulin, 'yun ang dapat na hindi lamang iboto, ikampanya pa. Kaya ang panawagan din natin para sa Otso Diretso, dahil kapag umiikot kami, kanina lang pagpasok ko dito may nagsabi na "We are with you." So ang sabi ko 'wag lang niyong iboto. Ikampanya niyo pa sila.

Q: Baka kasi kayo ang naiisip kasi nila?

A: Hindi. Otso Diretso ang binanggit eh. Sabi niya, " Otso Diretso, we are with you." O di sabi ko, magvolunteer kayo. Kaya meron kaming otsodiretso.ph. Sa mga may internet, online recruitment mayroon kami, at mayroon ding telepono: 949-888-2019. 'Yan ang aming number. Kung gusto ninyong magvolunteer at tumulong. Naniniwala ako na sa huling banda, oo mataas ang kanilang rating, oo, bilyon ang ginagastos, marami silang tarpaulin, pero sa huling banda, kapag ang taumbayan na mismo ang tumataya at naninindigan, kasama ang mga lider na may paninindigan din, eh walang anumang pwersa ang maaraming maging hadlang. Naalala ko lang, solo flight ako noong 2007, nag-independent ako. HIndi ako sumama sa administrasyon, hindi ako sumama sa oposisyon, sa isang motorcade, solo-flight ako sa Pampanga. Mayroon isang nakabasketball uniform, naka shorts, naka tsinelas. Habang nagmomotorcade kami, hinabol niya ako eh. Tapos kinuha niya 'yung kamay ko, mayroon siyang ipinasa sa akin, sabi niya "Isama mo ito, Kiko."

Q: Baliktad ah.

A: Oo, sa resettlement area 'yun ah. Pagbukas ko ng palad ko isang daang piso. May grasa pa nga eh. Ibig sabihin pinagtrabahuhan niya nang husto 'yun! Di ba? Isang daang piso. Mga tatlong kilong bigas na 'yun nung mga panahong 'yon. Pero nasa resttlement area siya, nakita niya siguro na ang ating kampanya at kailanang tulungan dahil naniniwala siya sa atin, tumaya siya.

Q: So you expect that this can also happen this time. Now let's go to the issue of the baggage. How are you dealing with the so-called baggage of the previous administration? The perception was that, you had your chance, you had your opportunity, but inclusiveness didn't come that quickly.

A: Alam mo una, anybody who says that 6 years is enough for a country to move from poverty and underdevelopment to first world nation status, anyone who says that is a fool. You cannot have 6 years to bring your country from backwardness to becoming first-world. Admittedly there were gaps, admittedly we fell short in a number of areas. But in the end you cannot solve all the problems in 6 years.

Q: But do you still feel this baggage during the campaign? People raising that issue.

A: Sa social media siguro dahil ang daming trolls dun eh.

Q: But on the ground?

A: Besides, in 2016, our vice president won. 7 out of the 12 senators, the "dilawans" won, 115 of our congressmen won. So if there was real rejection of our administration, dapat walang naipanalo. Dapat 'yung aming mga senador hindi binoto.

Q: But that was then. It might be different this time.

A: No, that was then and that was the vote of the people then. So sa akin, balikan natin 'yung mga nagtiwala sa atin dahil pinagkatiwalaan naman ang pito sa labindalawang mga kandidato sa Senado, ang vice president pinagkatiwalaan. In other words, that was then, yeah, lumipat na sila. Sabi nga nila, dilawan daw ang may kasalanan, eh lahat ng dilawan lumipat na dun sa kabila eh. So sa akin, it is not a baggage in the sense that the people did not reject us in 2016. We just have to go back to them and re-engage. That's why we had an online recruitment of Otso Diretso, we had a listening campaign. Balikan natin ang taumbayan. Balikan natin sia, kumbinsihin natin sila na sa pamamagitan ng ating sama-samang pagtaya at pagkilos eh yung mga problema ng bansa eh malulutas din.

Q: So there's no conscious effort to disassociate these candidates from the yellow tag. Kasi that has been heavily criticized, "dilawan" kayo eh.

A: Alam mo 'yang dilawan, sa totoo lang lumabas na lang 'yan noong maybe in the last 5 years. Bago ng last 5 years wala namang issue ang dilawan eh. Sa social media talagang malaking issue. Pero nung kami ay humarap sa ating mga kababayan, kinausap pa rin kami. Nagpakilala kaming LP, volunteers ng LP, we were welcomed in 116,000 households in three months' time and we were able to generate 10,000 volunteers to participate in that listening campaign. Eh kung talagang ayaw sa amin ng mga kababayan natin, eh paano namin nagawa 'yon?

Q: How do you deal with the so-called elitist tag? Masyadong elista 'yung approach in terms of policy-making and governance by the so-called "yellows."

A: Again, kung totoo 'yun, bakit nanalo 'yung aming vice president? Bakit nanalo 'yung pito sa labindalawa nating kandidato nung 2016? Itong mga tag na ito, mayroong mga kritiko. Talagang hindi nating makukumbinsi 'yan. Pero kung totoo 'yung mga sinasabi nila, we should have not won the vice presidency in 2016, we should not have won 7 out of 12 senators in 2016.

Q: Do you see that as a baggage?

A: In the end, what we need to do is explain, is to go back to our citizens. I don't see it a baggage. We cannot convince everybody and make everybody happy. So those who are unhappy with us will say that. But they're not our audience. Our audience are the citizens who we believe we can convince, and we can persuade. Alam mo itong walong kandidto natin hindi kilala 'yan pero pinag-aralan natin nang husto, kinikilala natin na dapat ang ihaharap natin sa mga kababayan natin ay 'yung maayos ang track record, mayroong record of service at hindi matatawaran ang kakayahan.

Q: Now how actively will former President Aquino campaign for Otso Diretso?

A: He will be campaigning in selected areas. We believe na marami pa ring naniniwala sa ating dating pangulo at makakakumbinsi siya ng significant segment of the population. Tutulong siya in selected areas. You know 'yung kaniyang Facebook page, 5 million ata ang followers niya doon eh.

Q: Selected areas meaning where?

A: Hindi na namin sasabihin muna dahil baka malaman nung kabila.

Q: Because strategically you campaign in your supposed bailiwicks.

A: Well, if you have finite resources you focus on your base, and you focus on your persuadables. You don't focus on...

Q: On the other side. So doon kayo sa 61% that didn't vote for Duterte.

A: And of course geography. Depende sa area 'yan. Where are those 61%? Saan sila? Coz we need anywhere between 16-18 million votes. So ang tanong, saan kukunin ang 16-18 million votes para maideliver sa Otso Diretso?

Q: On the issue of plunder to be discussed during campaigns...

A: Yes. Ako in the end, maaga pa rin eh. Ang mga botante natin hindi pa 'yan nagdedesisyon. Nag-iisip pa 'yan. Kaya napaka halaga ng debate. So 'yung matataas sa survey, historically, mayroon talagang mga nasa top 5, top 6, top 1 pa nga, matapos ang eleksyon, talo. At mayroon namang number 30, number 20, nag-umpisa 'yung kampanya, number 18, number 17, nagnumber 1! Naipanalo. Halimbawa si Senator Trillanes, out of nowhere nanalo.

Q: But that was a different situation then.

A: You can say it's a different situation, yes. But on other instances, Vice President Leni was just 1% and then naipanalo. So 'yung mga nasa ibaba... in other words, maaga pa, maraming pang pwedeng mangyari, pero mahalaga na nadedebate ang mga isyu para ang pagpapasya ng mga botante ay base sa impormasyon, hindi base sa fake news, hindi base sa sumasayaw sa entablado o kumakanta sa entablado, kundi base sa kakayahan ng mga kandidato, track record nila, at pinakamahalaga sa lahat, kung ano ang gagawin nila sa pagsolusyon sa mga problema ng taumbayan sa usapin ng trabaho, sa usapin ng pabahay, sa usapin ng edukasyon, sa usapin ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Q: Are you confident that Otso Diretso will pull off a surprise?

A: Well, we are the underdogs. Sabi nga kung bukas ang eleksyon, talo. Pero hindi bukas ang eleksyon. Manlilimos tayo ng boto, kakapit tayo sa ating mga kababayan, at hihingin natin ang kanilang suporta.

News Latest News Feed