Press Release
March 4, 2019

Sen. Bam on President Duterte's statement vs Otso Diretso slate
(Transcript of media interview)

Sen. Bam on President Duterte's statement vs Otso Diretso slate (Transcript of media interview)

Sen. Bam: Well kamukha ko talaga e. wala na tayong magagawa sa mukha natin. Pero seriously, pogi naman ang tito ko, isa pang bayani. So hindi naman masama na i-compare ka sa isang tao na minamahal natin at minamahal ng maraming tao.

Q: Sir, what do you think iyong kanyang statement na Otso Diretso (inaudible) sa impiyerno?

Sen. Bam: Alam mo, unang-una sa lahat, kung iyong Otso Diretso manalo, ang mayroon po tayo, isang malaya at independent na Senado. Iyon siguro ang kinatatakutan ng administrasyon. Na maging truly independent at malaya ang Senado. Siyempre kung puro kakampi ang manalo, Senadong sunud-sunuran po iyan. Ang Otso Diretso, kung lahat kami makapasok diyan, we will have an independent Senate. Palagay ko, iyan ang isa sa kinatatatukan ng administrasyon.

Pangalawa, ang hinihingi po namin debate, ang binato sa amin insulto. Sana po, iyong hinihingi naming debate, issues po ang pag-usapan natin. Iyon naman ang challenge natin sa mga kandidato ni Presidente. Kung ibabato lang po insulto, palagay ko ang taumbayan, kaya nang makita na hindi pa rin sinasagot iyong mahihirap na tanong ng mga kandidato ng ating Pangulo.

Pangatlo, palagay ko mahalaga na ang iboto natin iyong mga taong kakampi ang taumbayan. Iyon po siguro ang isang makikita natin, ang Otso Diretso, walang ibang kakampi ay taumbayan. Ang hinahanap siguro ng Pangulo, iyong siya lang talaga ang kakampi.

Q: Sir, may sinabi niya, ano ba ang significant na nagawa mo? What have you done that is really impressive. Puro kayo oposisyon, puro kayo saway.

Sen. Bam: Well, alam niyo ho, hindi naman mahirap i-Google iyan. Kaya Mr. President, puwede namang i-Google ang track record natin. Hindi naman mahirap iyan hanapin sa Internet. Marami na ho tayong batas. Marami na rin tayong batas na siya rin mismo ang pumirma. Hindi ko na ho kailangang debatehin niyan. Iyong taumbayan, hinihikayat natin na paki-research ang ating naging voting record, iyong mga nagawa natin sa Senado, iyong ating mga itinulak na batas, nandiyan po iyan para iyong buong bayan makakita. Ang takot ko po, baka po naniniwala na si Mr. President sa mga trolls kasi iyan din ang binabanggit ng mga trolls sa Internet. Pero madali naman pong hanapin ang katotohanan. Isang Google search lang po o sa Senate website, makikita naman ang track record natin doon.

News Latest News Feed