Press Release
March 31, 2019

Transcript of DZBB's Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Q: On narcolist. Makatwiran po ba na naglalabas ng listahan?

SFMD: Sa akin po, ang dapat ay sampahan ng kaso. Kapag naisampa na ang kaso sa Ombudsman o sa fiscal, saka natin ilabas. May similar rules sa anti-graft and corrupt practices act, ang pagsampa ng kaso sa Ombudsman ay hindi pwedeng ilabas habang nandoon pa sa Ombudsman ang kaso. Kaya hindi po bago yung hinihiling natin. Kapag nasampahan na, saka ilabas, para magkaroon ng pagkakataon na sumagot doon sa fiscal o Ombudsman yung nasa listahan.

Q: May nalalabag po na batas? Kung may nalalabas, may dapat maparusahan?

SFMD: Sa ngayon yung sa Ombudsman wala namang parusa, basta may prohibition lang na hindi dapat ilabas habang iniimbestigahan. Ang punto ko ay may patakaran na ganoon na pwedeng gawin sa narcolist.

Q: Noong panahon n'yo po as DOJ secretary, may narcolist po ba?

SFMD: Wala po. Iyon naman ay kasama sa governance principle o policy ng administrasyon, pero hindi ako sang-ayon doon. Dapat sampahan ng kaso.

Q: Ang sabi naman po nagsampa naman ng kasong administratibo sa Ombudsdman

SFMD: That's correct. At the very least kahit administrative complaint para may basehan at makakasagot yung nasampahan. Huwag lang na ilalabas tapos wala namang ebidensya. Nakakatakot po iyan.

Q: Baka raw magamit sa kampanya

SFMD: Tama po iyan, with more reason na dapat isampa ang kaso bago ilabas ang pangalan.

Q: Since matagal na nagpapalabas ng narcoslist, incumbent upon the DOJ, DILG, na maglabas ng report kung ilan ang nakasuhan, na-convict...

SFMD: Tama po iyan, pero mas maganda siguro, instead of reporting kung sino ang na-convict, sampahan muna ng kaso. After one year, mag-report sa publiko kung ano ang nangyari sa mga nasa listahan. Kapag hindi nakapagsampa ng kaso, ibig sabihin walang ebidensya.

Q: Hindi po ibig sabihin na nanawagan na huwag ilabas, hindi natin suportado...

SFMD: Tama po iyan. Yung droga ay talagang malaking problema. Ngunit ang pamamaraan ng pagpigil ay dapat naayon sa Saligang Batas.

Q: Yung China raw po gusto ng prisoner exchange. Pwede po ba yun?

SFMD: Pwede. Mayroong mga existing treaties on exchange of prisoners. Isa na roon yung sa Spain noon. Hindi po unusual iyan.

Q: Kailangan po diyan ay treaty?

SFMD: Yes, isa iyang treaty na kailangang i-ratify. Ang custody ng mga na-convict sa atin na dayuhan ay pwedeng doon i-serve ang sentensya sa kanilang bayan. Hindi ibig sabihin na pakakawalan.

Q: Kung sakali, pabor sa mga Pilipino kasi may death penalty sa China?

SFMD: That's correct. Isa iyan sa mga bagay na titingnan nang husto.

Q: Merong warning si SAJ Carpio tungkol sa Chico River, na pwedeng makuha ng China yung patrimonial property....

SFMD: Iyan naman po ay warning lang. Ako ay pabor na suriin isa-isa itong proposed loan agreement. Dahilan sa maraming nagsasabi na masyadong unfavorable sa atin. Dapat lang na ilabas sa publiko. Let us review and expose these; ilabas sa taumbayan yung terms, dahilan taumbayan naman ang magbabayad nito through public funds.

Tingnan lang kung mayroon sa mga loan agreement na may stipulation na masyadong pabor sa China. Ang importanteng tingnan yung tinatawag na debt trap, kasi baka pagdating ng panahon hindi na makayanang bayaran ito. Halimbawa diyan, binuwag at sinuspinde yung contract for railway yata ng Malayasia with China ni Prime Minister Mahathir Mohaman. Yung Northrail binuwag ni Pangulong Aquino noon. We paid for some stipulated damages. Ngunit ang judgment call ay talagang disadvantage sa atin. Hindi unusual na nire-review yung mga loan agreement.

Hindi bagong patakaran iyan - yang pag-review ng contract. Sa ibang bansa ginagawa iyan; satin ginawa na iyan. Talagang nire-review yung mga loan agreement katulad sa Northrail at ZTE. May pag-aaral noon ang UP Law Center na talagang napatunayan na onerous yung Northrail kaya pinutol ng Pangulong Aquino.

Q: Hindi po ba ang NEDA yung nag-approved ng mga loan agreements?

SFMD: Basta na na-approved NEDA, napag-aralan nila iyan, but without prejudice sa anumang aksyon ng gagawin ng sinuman, kabilang yung pagsampa ng kaso, even sa Supree Court.

Ibalik ko lang sa Northrail, ni-review ng Kongreso; nakita ng Pangulong Aquino na nilalabag ang Saligang Batas, and he rescinded the agreement. It's part of the check and balance.

Q: Iyan ay pwedeng gawin kahit inaprubahan na ng NEDA?

SFMD: Tama po iyan. Talagang pinaaral natin sa UP Law Center para hindi masabing partisan; kasama doon noon si dating Spokesperson Harry Roque sa mga nag-review at nagrekomenda na disadvantageous yung kontrata.

Q: May warning na rin po yung ibang bansa about China loan...

SFMD: Tama po iyan. Ganondin ang Amerika, sinabi na mag-ingat kayo. Wala namang masama roon but at the end of the day, tayo pa rin ang magpapasya. Hindi masama na rebyuhin. Ako ay sang-ayon na dapat rebyuhin.

News Latest News Feed