Press Release April 9, 2019 Statement of Senator Joel Villanueva on the commemoration of Araw ng Kagitingan Ngayong araw, ginugunita po natin ang kadakilaan na ipinamalas ng ating mga magigiting na kababayan noong panahon ng digmaan. Nawa'y magsilbing paalala po sa ating lahat ang espesyal na araw na ito upang patuloy na ipaglaban ang ating kasarinlan at demokrasya laban sa mga potensyal na banta sa ating soberanya. Dalangin ko rin po na magsilbi ang araw na ito upang maisapuso ng bawat isa ang mag-sakripisyo para sa bayan at patuloy na magkaisa para sa ikabubuti at ikauunlad ng sambayanang Pilipino. Isang mapayapa at mapagpalang Araw ng Kagitingan sa ating lahat! |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|