Press Release
May 20, 2019

MANIFESTATION ON THE 3RD READING OF SENATE BILL NO. 1571 OR THE ALTERNATIVE WORKING ARRANGEMENT BILL
by Senator Joel Villanueva

Mr. President, distinguished colleagues, it is such a privileged task that I have to be given this opportunity to thank and congratulate all of you for the speedy approval and third reading of Senate Bill No. 1571 or "An Act Amending Article 83 of the Presidential Decree No. 442, Otherwise Known as the Labor Code of the Philippines, as Amended."

Isa lamang po ang panukalang batas na ito sa maraming pagsususog na atin nang nagawa at patuloy pang ginagawa para maiakma sa kasalukuyang panahon ang ating Labor Code na unang ipinatupad noong taong 1974.

Noong January 22, matapos po nating i-sponsor ang Senate Bill 1571, maraming mga manggagawa at commuter groups ang nagbigay ng kanilang positibong puna.

Alam po kasi nila ang hirap nang pagpila sa MRT o paghahabol sa mga jeep at bus lalo na kapag rush hour samantalang pwede namang maiwasan ito sa pamamagitan ng mga alternative working arrangements tulad ng flexitime, compressed workweek, shift flexibility, flexi-holiday, rotating of workers, at iba pa.

[ Nagdagdag po tayo ng mga bagong pamamaraan sa pagtatrabaho sa ilalim ng "Alternative Working Arrangements Bill", in short, "AWA" Bill dahil talaga naman pong nakaka-AWA na ang sitwasyon ng ating mga manggagawa. Napakarami ko pong kakilala na ang traffic at ang araw-araw na pag-aapura sa pagpasok sa trabaho ang sanhi ng kanilang stress at depresyon. Pero hindi po natin ito sinusulong dahil lang sa AWA, kundi para iangat ang dignidad ng ating mga kababayan at para sa katatagan ng trabaho at mga negosyo sa bansa. ]

Bibigyang diin ko lang po ang nakasaad sa Senate Bill 1571: ang alternative working arrangement ay boluntaryo, 48 hours per week pa rin ang trabaho, at hindi mababawasan ang mga kasalukuyang benepisyong tinatanggap ng ating mga manggagawa gayundin ang karapatan nila sa overtime pay, night shift differential at iba pa.

Mr. President, esteemed colleagues, thank you for passing this measure which has the potential to promote work-life balance, improve worker efficiency and reduce transportation costs on the part of our workers and operating costs on the part of employers.

Sa atin pong Vice Chairperson, Senator Sonny Angara at sa lahat ng miyembro ng ating Komite - Senator Nancy Binay, Senator JV Ejercito, Senator Win Gatchalian, Senator Bam Aquino, Senator Risa Hontiveros, at sa inyo pong lahat, maraming beses na po nating napatunayan na basta't para sa kapakanan ng manggagawang Pilipino, hinding-hindi po kayo magdadalawang-isip magbigay ng inyong buong pagsuporta.

Maraming salamat po. God bless us all.

News Latest News Feed