Press Release
May 30, 2019

Win transcript GMA News to Go interview on sin tax, ROTC & 18th Congress

Sin tax

Q: You are running out of time but you're looking at the sin tax bill as priority legislation, ano po ba yung odds para maipasa at maging batas ito?

SEN WIN: Itong Sin tax bill ay na-certify as urgent so malaki po ang tsansa na maging ganap na batas po ito. Pagpasok ho namin ng Monday, ay isasarado na on second and third reading at kung ang House ay sumang-ayon na i-adopt ang Senate version. With that on Tuesday, ay mararatipikahan na po itong Sin tax law at pwede nang i-transmit sa Malacañang.

Q: Bakit para sa inyo at sa mga kasamahan niyo ay urgent ito?

SEN WIN: Mahalaga itong batas na ito sa dalawang dahilan. Unang-una, gusto ho nating bumaba pa ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa natin dahil alam natin na ito ay sanhi ng maraming sakid tulad ng lung cancer at ang layunin nitong bill na ito ay mapababa up to 2 million smokers in the next four years. Pangalawa, 40 billion pesos ang makokolekta natin dito para sa Universal Health Care.

Q: Kapag pinag-uusapan po kasi ang sin taxes, hindi lang naman sigarilyo kundi pati alak pero itong Senate Bill ba ay hindi kasama ang alak?

SEN WIN: Itong sin tax ng Senado ho ay naka-focus po ito sa sigarilyo dahil almost 80% ng sin tax ay nanggagaling sa sigarilyo at ito po ang pinakamalaking koleksyon pagdating sa sin taxes. Pagdating po ng 18thCongress, pag-uusapan naman po ang sin tax on alcohol.

Q: So kung hindi umabot, what kind of funding gap are we looking at for the Universal Health Care Law? Sa kasalukuyan ay kulang-kulang nga ang revenue galing sa sin taxes para tugunan ang health care needs ng ating mga kababayan.

SEN WIN: Correct. Itong Universal Health Care Law ay isa sa pinakamalaking social services program ng ating bansa at kakailanganin po ng halos 240 billion para fully funded itong batas na ito. In the first and second year ay sapat po ito pero in the third year ay kakailanganin na natin ng almost 60 billion pesos para maging fully funded po itong batas na ito. Isa sa mga kukunan ng pondo po ay itong sin tax na pino-propose natin.

Q: Para sa marami pang consumers ng cigarettes, what can they expect kapag pumasa ito? Anong buwis ang maidadagdag sa bawat pakete ng sigarilyo?

SEN WIN: Depende ho sa rate, may proposal na 60 pesos, ang aking proposal naman ay 70 pesos, ang kay Sen. JV ay 90 pesos. So assuming po na maaprubahan po ang finile dito sa Senado na 60 pesos, aabot po ito ng close to 100 pesos per pack na ang babayaran ng ating consumers on the average. ROTC

Q: Itong Mandatory ROTC, ayon kay Kabataaan Party List Sarah Elago, blind obedience lang daw ang itinuturo ng ROTC?

SEN WIN: Itong ROTC ay isang youth development program ng ating pamahalaan so hindi lang military training ang ituturo natin dito kundi pati yung tamang disiplina at iba pang mga skills gaya ng disaster preparedness at mga civic activities. For example, tuturuan natin ang mga bata ng first-aid, basic CPR. Yung disaster resilience na tinatawag natin, for example, yung lugar nila bahain, alam na nila kung ano ang gagawin. Itong basic ROTC na binabalik natin ay hindi lang simpleng military training kundi holistic youth development din para sa kabutihan ng ating mga kabataan, para madagdagan ang kanilang mga kaalaman and at the same time para mapalakas natin yung kanilang disiplina.

18th Congress

Q: Papasok na 18th Congress, mapapalitan po ba si Tito Sotto bilang Senate President?

SEN WIN: Hindi po mapapalitan si Senate President tito Sotto, siya pa rin po yung aming magiging Senate President for the 18th Congress dahil suportado din siya, hindi lang po ng incumbent ng majority, kung hindi mga susunod pa na mga majority members at naipakita ni Senator Sotto yung kanyang liderato, marami na pong mga panukalang batas, lalo na po yung mga batas na makakatulong sa ating bansa kaya kailangan po yung kanyang experience o karanasan para mas marami pang mga batas ang maipatupad at maisasabatas na mag rereporma sa ating bansa. Ako, naniniwala po ako, dahil sa naipakita niya, kaya nagkaroon ang Senado ng pinaka mataas na approval rating at trust rating in the history of the Senate. Pumalo po to ng 70% in the latest Pulse Asia survey, ito ay nagpapakita na ang ating mga kababayan ay sinusuportahan yung mga batas in inaaprubahan sa Senado at dahil sa suporta na ito, ito ay reflection rin po ng lidirato ng ating Senate President.

Q: Si Senator Grace Poe nagsabi na susunod daw siya kay Sotto sakaling kunyari ay matagal sa pwesto si Sotto, handa daw pumunta si Poe pumunta sa menorya kung mangyayari ito, kayo ba ganun din kabuo ang suporta niyo para kay Sotto?

SEN WIN: Si Senate President Sotto po ay kapartido po natin, ako po ay miyembro ng NPC at si Sentor Lito Lapid ay miyembro rin po ng NPC, siya naman po ay incoming Senator at si Senator Sotto po ang aming inendorso ng NPC. Ako po ay buong loob na sumusuporta sa inendorso po ng aming partido na si Senator Tito Sotto.

Q: Committee Chairmanships, ilan mga bagong Senador ay meron interes na hawakan yung mga ilang committee na kasalukuyang hinahawakan ng mga existing mga Senators, kayo po ba ay magpapaubaya or patuloy niyong hahawakan ang committee na naka assign sainyo?

SEN WIN: Sa aking experience dito sa Senado in the last three years, nakita ko na ang Chairmanship ay secondary, ang pinaka mahalaga po ang partisipasyon natin sa plenaryo dahil kahit na meron tayong mga batas naisusulong at naisponsor natin ito sa plenaryo, nasa plenaryo ho, as a body, ay sila pa rin po ang mag dedesiyon kung aaprubahan, aamendyahan o di aaprubahan. So ang pinaka mahalaga po yung partisipasyon natin sa plenaryo.

Q: At least yung mga hinahawakan mong mga kumite would you hold on to those?

SEN WIN: Ako naman po ay open ipaubaya ito sa ibang Senador, ito po ay isang collegial body at pinapaubaya sa desisyon ng ating grupo, kung ano po yung pinaka mabuti para sa grupo, ang importante po buo yung grupo, importante po na ang majority ay buo dahil kung buo po ang majority, mas marami po tayong matatapos na mga panukalang batas po ng administrasyon na gusto nating mapasa ay maipapasa ng mabilis. Ako naman po ay tinitignan ko ano yung mahalaga sa ating majority at papaubaya natin doon.

Q: Balita na interesado ka daw hawakan ang chairmanship ng Committee on Education na dating hinawakan ni Senator Bam Aquino, can you confirm this?

SEN WIN: Yes, noong ako po ay Mayor, ang aking primary advocacy is education, in fact ito po ay naging advocacy ko noong ako ay nangampanya noong 2016 at marami po akong reporma na gustong gawin sa sektor ng edukasyon, yun naman po yung aking ipinahayag sa grupo sa majority na intersado ho tayo mag chair ng Education Committee.

News Latest News Feed