Press Release
May 31, 2019

On pronouncements of PRRD that he wants COMELEC to look for another contractor that is "free from fraud"

Sana i-diretso na ang reporma sa halalan at panagutin ang dapat panagutin sa mga sumusunod:

1. Hayagang paglabag ng mga kaalyado ng administrasyon ang mga election laws tungkol sa billboards, posters, paggamit ng government resources at facilities para sa kampanya.

2. Naglabas ang Malacañang ng walang-basehang "narcolist". Hayagan itong pananakot at pagbabanta sa ating mga local politicians sa buong bansa.

3. Ilang beses pinagbantaan ng Pangulo ang mga local politicians na iipitin niya ang mga proyekto nila kung hindi nito suportahan ang kanyang mga kandidato.

4. Dineny ng COMELEC ang ating request na magkaroon ng mga debate noong panahon ng kampanya upang masukat at mas makilatis ang bawat kandidato.

5. Pinangalanan ng COMELEC na "dominant minority" ang isang partidong kaalyado ng mayorya. Taliwas ito sa batas, common sense, at diwa ng demokrasya.

6. Maraming mga ulat ng unmailed ballots ng ating mga kababayang OFW. Naalisan sila ng kanilang karapatang bumoto sa halalan.

7. Hindi tayo binigyan ng COMELEC ng access sa kanilang mirror servers, kahit isa tayong major national political party.

8. Daan-daang VCMs ang nasira o nagloko, sa halalan kung saan talamak ang balita ng vote-buying at ang Pangulo mismo ay nagsabing "normal" lamang ito. Hindi rin binigay sa atin ng COMELEC ang kumpletong listahan ng mga presinto at bayan ng mga nasirang mga VCM machines at mga corrupted na SD cards kahit ilang ulit nating hiningi ito sa kanila nung panahon ng canvassing.

News Latest News Feed