Press Release
June 2, 2019

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon
DZBB hosted by Ms. Nimfa Ravelo

Q: Tama po ba, ang pinakakritikal na dapat ihabol ay yung sin tax reform bill?

SFMD: Tama po iyan. Sa Lunes po, ang usapan ay mag-introduce lang kami ng amendments at pagkatapos, dahil ito ay certified urgent, we can pass it on second and third reading, tapos ito ay ipapadala sa Kongreso at titingnan nila sa Martes kung papayag sila sa aming version; at kung pumapayag sila, i-adopt na lang nila dahil wala ng panahon para mag-bicam.

Q: This week po maipapasa ninyo, wala na pong mag-filibuster?

SFMD: Wala na po, nag-usap na kami sa caucus. Sa akin, ako'y sang-ayon na taasan ang buwis sa sigarilyo at alak dahil ito'y isang measure para sa kalusugan ng ating mga kababayan at nang bumaba ang bilang ng mga naninigarilyo, lalo na sa mga mahihirap dahil malaki ang gastos dulot ng sakit na nakukuha sa paninigarilyo; at para mapondohan yung universal health care.

Ibig nating tulungan ang ating mga magsasaka. Sa ilalim ng RA 7171 na ipinasaa noong 1992, dahil apektado ang income ng mga magsasaka dahilhan sa bumaba ang bilang ng mga naninigarilyo, theoretically, tinutulungan ng pamahalaan ang magsasaka at 15 porsyento ng nakokolektang buwis ay napupunta sa Virginia leaf tobacco industry para tumulong sa ating magsasaka. Ngayon ang kabuuang value ng crops na napo-produce ay P3.8 billion, yung ibinabalik na pera ay umaabot na ng P17.5 billion, kung ating titingnan ang share nila based on 2017 collections. Para po matulungan natin lalo yung ating mga nagkakasakit dahilan sa naninigarilyo, hindi po sinasabi na hindi natin tutulungan yung mga magsasaka. Ang ibig ko lang ipaalala ay kung yung total tobacco production ay P3.8 billion, eh sobra-sobra siguro yung P17.5 billion na binibigay. Kaya ang sabi ko, tingnan natin kung magkano yung pwedeng idagdag sa UHC para mas marami pang matulungan na maysakit.

Q: Gusto ko po yung sinabi ninyo na sa kanila na ganito kalaki yung allotment, pinakamahihirap pa rin yung mga magsasaka doon.

SFMD: Tama po iyan, ibig sabihin posibleng hindi napupunta sa kanila, kasi hanggang ngayon sila pa rin ang pinakamahirap.

Hindi natin babawasan kundi gagawa tayo ng paraan na hindi na lalong lumaki at madagdagan natin yung pondo para sa UHC.

Q: Bukas daw po ay magpapaikot ng resolution si Sen. Lacson at Sen. Pacquaio in support of SP Sotto, pipirma po ba kayo ron?

SFMD: Yung minority po hindi kasali sa paghalal sa pangulo ng senado, so hindi po kami pipirma kasi makakasama kami sa majority. Having said that, maayos naman po ang liderato ni Sen. Sotto sa senado. He treats every one fairly. Siya po ay pangulo ng senado at hindi lamang ng majority at siya po a nakikinig sa lahat.

Q: Yung sinasabi po ninyo minority block kayo ngayon.

SFMD: Tama po iyan, minority kami at kami ay nasa oposisyon.

Q: Minority kayo ngayong 17thCongress, come 18thCongress, mananatili po kayong minority?

SFMD: Mananatili kaming minority. Apat na lang kami. Hindi ko alam kung ano yung resolution na papapirmahan nila pero ang sinasabi ko ay ang minorya ay walang reklamo kay SP Sotto.

Q: Ang senate president po ay ine-elect ng majority pero ang napupunta po sa minority bloc at not necessarily ay pro o anti administration kung hindi yung hindi lang bumot sa senate president?

SFMD: Tama po iyan. Sa Senado, hindi kagaya sa house of representatives, kahit hindi tumakbo ang isang senador ng pagka-pangulo ng senador, kung siya ay kilalang nasa oposiyon, nasa minority po siya unless kasama siya sa bumoto para sa Senate President.

Q: Although in support po kayo sa leadership ni Tito Sen, you opt not to vote for Tito Sen para nasa opposition kayo.

SFMD: Ganito po, noong reorganization sa senado, noong panahon ni Sen. Pimentel, kami po ay tinanggal sa aming mga komite; i Sen. Pacquiao po ang nag-motion kung inyong maalaala. Tinanggalan kami ng komite kaya nasa minority kami.

Q: May nagsasabi po na pwede raw kayong imbitahan sa majority bloc at yung mga tumututol na incoming senators sila yung mapunta sa minority.

SFMD: Iyan po ay istraktura ng senado. Kung ano ang structure o leadership ng senado, ang magpapasya ay ang senado, hindi ang Malakanyang.

Dito sa amin sa senado, sana mag-aral po muna yung mga baguhan. Sasabihin ko nang diretso, bilang isang neophyte, yung pagpapalit ng senado ay malayo pa sa mandato natin iyan. Sa isang neophyte na senador, walang susunod sa kanya kung sasabihin niya na palitan natin si SP Sotto. That's a reality that a neophyte senator must accept. Kung sasabihin nila na kakausapin nila yung senior senators na palitan si Sotto, unless SP Sotto committed a mortal sin, hindi susundin ang neophyte.

Pangalawa, sa aking matagal nang karanasan sa senado, apat na bese akong naging Senate President, nobody announces a coup against the Senate President. Kuru-kluro lang iyan, lalo na po kung nanggagaling sa mga bagito. Ang importante sa senado ay yung pirma at hindi yung media announcements. Iyan po ang dapat maintindihan ng mga bagong senador. Mag-aral muna sila, may panahon din iyan hindi muna ngayon.

Pangatlo, hinalal sila ng taumbayan para gumawa ng batas hindi kaagad na sumalpak sa leadership quarrel. Whether they like my statement or not, that's the reality. Makinig muna sila; mag-observe muna sila, lalo na kung paano ginagawa ang isang batas, kung ano ang dapat i-research ang isang batas, ano ang considerations. Diyan muna po sila mag-concentrate at hindi yung palitan ko si Sotto. They have not witnessed Sen. Sotto as Senate President, papalitan na. hindi po ganon ang patakaran at tradition sa senado.

Q: Pwede bang mangyari na kayo ay makasama nila sa majority bloc?

SFMD: Masyadong theoretical. I don't know. This is the first time I hear that. pagdating doon ay kokoknsultahin ko ang aking mga kasama sa minorya dahil kung anuman ang mangyari, dapat buo pa rin kaming nasa minorya.

Q: Paano yung sa committee chairmanship?

SFMD: Hindi kami kasama sa botohan ng committee chairmanship, theoretically, kasi pinag-uusapan yan ng majority sa caucus. Pagdating sa floor iyan ay plantsado na. Kaya nang kami ay inalis sa majority at tinaggalan ng komite na in-announced noon ni Sen. Pacquiao, tanggap naming kasi iyon ang desisyon ng majority.

Q: Ang pinagtatalunan po ngayon ay kung igagalang ba nila yung equity of the incumbents?

SFMD: Nakatrabaho ko na yung mga incumbent chairpersons, wala naman akong masamang narinig, nag-aaral naman, nakikipagdebate nang maayos; iyan po ang sasabihin ko sa ngayon

Q: First time ba ito na yung mga neophyte na parang demanding sa paghingi ng chairmanship?

SFMD: Ganito na lang, noong una kong karanasan noong 1995, nanonood lang ako; pinalitan noon si Sen. Ed Angara; nagkaroon ng balita ng maneuver, yung mga senior na senador yung nangampanya at ako bilang baguhang senador ay nanonood lamang on the leadership fight, dahilan san ire-recognize natin na iyan ang tradition sa senado na kinikilala ang seniority

Q: Baka naman ang katwiran ay pantay-pantay na tayo ngayon.

SFMD: Tama po iyan. Ito ay tradition; kung ayaw nilang sundin, wala naman tayong magagawa.

Q: Parang hindi pa nga kayo nag-uumpisang magtrabaho parang meron nang...

SFMD: Iyan na nga, hindi pa nag-uumpisang magtrabaho. Dapat magtrabaho muna tayo at ipakita sa taumbayan na ang kanilang boto ay mahalaga at ibinoto tayo bilang senador. Unahin muna natin ang trabaho. Yung senate leadership can always come any time of the day. Sa ngayon hindi pag nag-uumpisa, siguro ngayon dapat ipakita muna natin na we are worth the mandate that we received from our people.

News Latest News Feed