Press Release
July 4, 2019

GRACE POE ON DOTR, MRT-3:

Pag hindi tumitirik, umuusok o tumutulo.

Ganitong klaseng serbisyo ba ang patuloy na mararanasan ng mga mananakay ng MRT?

Kapag sumasakay tayo sa MRT, nauubos ang ating oras sa pila. Tinitiis natin ang siksikan. Nakikipagsikuhan tayo sa pagsakay. Nakakawala ng dignidad kapag naglalakad tayo sa riles. May pangamba na baka hindi tayo makarating sa paroroonan.

Kung may mapagpipilian lang, hindi ganitong klase ng train ang sasakyan ng ating mga kababayan.

Hindi pa ba sapat ang tatlong taon para maisaayos ang problema?

Tatlong taon lang nagawa at natapos ang isang napakagandang airport sa Mactan, Cebu.

With a P22-billion rehabilitation fund, one cannot blame the Filipino people, especially the train passengers, for yearning for relief from the glitches that plague MRT-3's operations.

It is but just and right that we give them a ride that is safe, convenient and comfortable because the people deserve no less.

News Latest News Feed